13

3.4K 34 2
                                    

    Dalawang araw ng makalabas ng ospital si Natalie. Iniimpake na ng mama niya ang mga gamit nila dahil susunduin sila ni Lucas sa hapon at doon na muna mamamalagi sa hotel na tinutuluyan ni Lucas. Hindi pa maaaring bumyahe ng malayo si Natalie kaya naman mag stay pa sila sa US ng ilang linggo.

"Ma, bawal po ba ako mag pagod?"

"Oo. Iyon ang bilin ng doktor. Makakasama sa iyo ang  mag pagod dahil katatapos lamang ng operasyon. Wala pang isang linggo. Kaya nga hindi pa tayo pwedeng umuwi. Saka babalik pa tayo sa hospital after two weeks para sa follow up check up mo." Mahabang paliwanag ng kanyang ina.

"Sus! Maniwala kayo sa doktor n yun ma!" Tatawa tawa siya dahil lingid sa kaalaman ng kanyang ina ay nakapag sex na sila ni Lucas. "Kung sa bagay hindi naman ako napagod dahil si Lucas ang nasa ibabaw. Hehe."  Palihim siyang napaptawa dahil sa kanyang naiisip. Hindi naman siya napapansin ng mama niya dahil busy ito sa pag iimpake ng kanilang mga gamit. Ang sarap talaga kapag may nanay na nag aasikaso sayo kahit na matanda kana.  Nilapitan niya ang mama niya at niyakap ito ng mahigpit. Nagitla naman ang mama niya ngunit naka bawi din agad.

"Ang anak ko oh! Nag lalambing." Biro sa kanya ng kanyang ina habang hinahaplos ang kanyang buhok.

"Ma, mag stay ka po ba sa Pilipinas kasama ko?" Malabing niyang tanong sa mama niya.

Ngumiti ang kanyang ina bago sumagot.

"Oo naman anak." Malambing na sagot ng kanyang ina sabay yakap sa kanya ng mahigpit.



*†*†*

"Wow ha! Ang ganda ng hotel na tinutuluyan mo Lucas." Manghang sabi niya sa nobyo.

"Sa kaibigan ko ito. Anyways, baka gutom na kayo? Mag papahatid lang ako ng makakain natin."


Lumabas ng kwarto ni Natalie si Lucas at pumasok iyon sa isang pintuan na karugtong lamang ng kanyang kwarto. Magkarugtong lamang ang kwarto nila ng mama niya at ang kwarto ni Lucas. Lumapit ang mama niya sa kanya at tinapik ang balikat niya.

"Saan mo ba nakilala ang nobyo mo anak? Para kasing pamilyar siya sa akin."

"Ma mayaman po sila. Kaya po siguro mukang pamilyar siya sa inyo ay dahil sa nakita nyo na siya sa magazines or news papaers or sa TV."


"Talaga anak? May mayaman na nag kagusto sayo?"

Tingnan mo itong mama niya at parang hindi niya ina. Kung makapag salita.

"Opo naman ma. Ang ganda ko kaya."

Nag flip pa siya ng buhok saka ikot at kaway. Nag tawanan silang mag ina.

"Oo na nga. Nag mana ka kasi sa akin. Hahaha."

"Oo na nga ma. Oo na."

Nag tawanan ulit silang mag ina.



*******


Makaraan ang dalawang linggo ay pumunta ulit sila sa ospital para sa follow up check-up ni  Natalie. Wala naman na daw problema sabi ni Dr. Florence at pwede na din sila makabalik sa Pilipinas.


†★★★†



Nakahiga si Natalie sa kanyang kama habang nakatitig sa kisame. Nasa Pilipinas na sila at kasama niya sa bahay niya ang mama niya. Next week pa siya babalik sa trabaho. Na-miss din niya mag trabaho kahit na nakaka-bad trip ang visor nila.
Ayaw na sana siyang pabalikin doon ni Lucas pero nag pumilit siya. May binabalak kasi siya para sa visor nila. "Humanda ka sakin witch!" Usal niya sa isip niya bago siya natulog.

Stay: Loving You.. My Ex (Completed) Un EditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon