16

3.1K 26 1
                                    

Nakaupo ang mama ni Natalie sa may sofa kaharap ang tito at tita ni Lucas, mga magulang ni Angeline. Tanging ang center table lamang ang nakapagitan sa kanila. Ngumiti ng matamis ang tatlo ng makita silang dalawa na pababa ng hagdan. Nasa bahay sila ni Lucas. Tinawagan kasi niya ang mama niya at ang tito at tita ni Lucas upang matulungan sila ng mga ito sa plano nilang pag papakasal. Naupo sila ni Lucas sa sofa na malapit sa mama niya. Ilang oras din ang tinagal ng kanilang pag paplano. Hindi pa iyon pulido kaya naman napag kasunduan nila na sa susunod na linggo na ulit iyon pag usapan. Napagkasunduan din muna nila na papiliin na muna si Natalie ng kanyang magiging wedding gown.

Three months ang nakalipas at natapos na din ang paghahanda sa kasal nila Lucas at Natalie. Lahat ay nasa ayos na. Two weeks pa bago ang kasal nila kaya naman naisipan ni Lucas na iayos na ang lugar ng kanilang honey moon. Nag pabook na siya ng hotel sa France kaya naman kung anu ano na ang mga naiisipan niyang gawin kay Natalie sa oras ng honeymoon nila.

One week na lamang at kasal na ng dalawa. Si Natalie ay sa bahay na muna niya matutulog at si Lucas naman ay sa bahay nito matutulog. Sinabi ni Theresa na dapat one week silang hindi magkikita. Magtiis muna sila ng one week para naman daw may thrill kapag honeymoon na nila. Ayaw pa pumayag ni Lucas ngunit wala siyang nagawa kundi ang sumunod. Itinuon na lamang ni Natalie ang isip at atensyon niya sa trabaho at ganun din ang ginawa ni Lucas. Sinabi niya kay Angeline ni siya na muna ang mamamahala sa kompanya upang malibang siya. Nag file na din si Natalie ng resignation letter sa pinag tatrabahuhan niya two days bago ang kasal. Napagkasunduan kasi nila ni Lucas na doon na lamang siya mag trabaho sa
Resturant  na pag mamay ari ni Lucas. Once na maikasal sila ay sa kanya na ipapamahala ni Lucas iyon. Si Maricar kasi ang namamahala niyon ngunit nagsabi ang baklang tiyuhin niya na nais na nitong mag patayo ng isang boutique. Kaya naman laking tuwa ng Bakla ng sabihin niya na si Natalie na ang mag mamanage ng restaurant.

This is it! Pancit! Araw na ng kasal nila Lucas at Natalie. Kabado na excited na ewan anfg nararamdaman ni Natalie. Parang babaliktad ang sikmura niya. Pinagpapawisan din siya ng malamig. "My ghaaad! Come on Natalie ano ka ba? Relax ka lang." Inis na sabi niya sa sarili. Paano ba naman kanina pa siya nakaayos pero ayaw niyang lumabas pa sa kwarto niya. Maaga pa naman para sa oraa ng kasal kaya lang kabado talaga siya. Sumabay pa ang kakaiba niyang nararamdaman.  Ewan ba niya! Ilang bwan na mula noong una siyang makaramdam ng hilo. Nag PT naman siya noon pero negative naman. "Baka dahil lamang itovsa kaba?" Pabalik balik siya sa gilid ng kanyang kama. Maya maya pa ay may narinig siyang kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto. Isa't kalahating oras pa bago ang kasal.

"Anak papasok na ako ha." Sigaw ng mama niya na siya palang kumatok.

"Opo ma."

Pagpasok ng mama niya sa kwarto ay nangunot ang noo nito. Paano ba naman mukang haggard na siya kaya naman pinaupo siya ng mama niya sa harap ng salamin at tinawag ang make up artist upang retouch ang  make up niya.

"Anak kalma ka lang ok?" Sermon ng mama niya habang nire-retouch ng make up artist ang kanyang make up.

"Tina-try ko naman po e." Pag depensa niya sa sarili sabay buga ng hangin mula sa kanyang bibig. "Kaso kinakabahan po talaga ako." Tensyonado niyang pag amin sa ina.

"Anak gusto mo pa ba na ituloy ito?" Seryosong tanong ng kanyang ina. Nag tama ang kanilang paningin sa salamin.

Bumuntong hininga muna ulit siya bago mag salit.

"Opo ma. Desidido po ako. Mahal ko po si Lucas. Kinakabahan lang po talaga ako."

Hinawakan ng kanyang ina ang kanyang balikat at saka siya nginitian.

"Wag kang kabahan anak. Isipin mo na lang na makakasama mo na si Lucas hanggang sa pag tanda nyo. Hindi ba ang saya nun?" Nakangiting sabi ng mama niya.

Stay: Loving You.. My Ex (Completed) Un EditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon