Steven’s PoV
“I still remember the third of December, Me in your sweater you said it look better on me than it did you--shit. Bakit gano’n?” Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Tangina bakit nag-iiba ‘yong tono?
Huminga ako ng malalim. Nasa music room ako nag-prapractice para sa darating na contest dito sa School. Ako ang representative ng school namin kaya dapat, pag-butihin ko.
Sabay pag-buga ko ng hangin, tumipa ako sa gitara ko. “But, I watch your eyes as she walks by what A sight--putangina,” Napapadyak nalang ako sa inis at umiling. Gano’n nalang ang gulat ko nang may pumasok sa music room. Si Ara.
“Hi Steve,” Bati n’ya sa ‘kin with her sweet smile. Alam ko na si Ara ay si Psy. I’m her ex on rpw. Hindi n’ya alam na ako si Troy. Nag-tataka kayo kung bakit ko alam na siya si Psy o Sajj? Dahil kalat na rito sa school namin ang rpa n’ya.
Kahit ako rin hindi maka-paniwala. Yes, i still love her. After 9 Months, siya parin. Magiging siya parin, dahil s’ya si Andrea. Siya ang taong mahal ko at taong patuloy kong mamahalin sa huling araw ko rito sa mundo.
Binigyan ko rin s’ya ng ngiti. “Kanina ka pa?” I asked. Hinawakan ko ang batok ko at nahihiyang ngumiti.
“Uh.. yes?” She answered. Umupo s’ya sa harap ko. “Baka matulongan kita riyan sa problema mo,” Kinuha n’ya ang gitara ko. Tinitingnan ko lang ang ginagawa n’ya.
“You know, kaya nag-iiba ang tono ng kanta mo kasi nga mali ‘yong pag-kaka-adjust nung strings,” Sabi n’ya tsaka inayos ang string. Akala ko, hindi lang kanta ang alam n’ya. Sinabi kasi n’ya sa ‘kin na, hindi raw s’ya marunong mag-gitara. Pero eto s’ya ngayon, tinuturuan ako.
“Tapos ‘yung sa pag-kanta mo, masyado kang stressed. Halata sa boses mo. Dapat kapag kakanta ka, punong-puno ng emosyon. Galing sa puso, hindi lang basta basta sa bibig.” Patuloy n’ya. Heather By Conan Gray ang napili kong ilaban sa contest kasi nga, iyon ang ginamit ko na kanta noong hinarana ko s’ya thru voice message.
“As she walks by, What a sight for sore eyes. Brighter than the blue sky,” Hanggang sa matapos ang kanta, tinitingnan ko lang ang maganda niyang mukha.
I smiled, ibibalik na niya ang gitara sa ‘kin. “Akala ko hindi ka marunong mag-gitara,”
“Inspired noon sa ex ko, Steve. Same vibes kasi kami kaya hindi ako mag-papatalo ‘no. Pero nakaraan naman na ‘yon. Matagal tagal na. 9 Months na.”
Noon.
I smiled bitterly. I’m her past and it’s hurts. Pinilit kong ngumiti ng peke. “Mahal mo pa siguro ex mo ‘no?” I teased kahit alam ko na ang magiging sagot n’ya. Fuck, this is torture.
Nanlaki ang mata n’ya na tumingin sa ‘kin. “Oy hindi ah! 9 Months na! Tapos na,” Tumawa pa s’ya at hinampas ang balikat ko. Nakitawa nalang ako kahit nasasaktan na.
“Hey, teka. Nililihis mo ang usapan ah? kanta ka na dali,”
Napa-iling nalang ako at ngumiti. Hinawakan ko ang gitara sa tamang ayos. I smiled bitterly when I sing the first line.
“I still remember the third of December,” Ipinikit ko ang mata ko, dinadama ang mensahe ng kanta. December, December kami nag-kakilala. 17th day of December.
“Me in your sweater, you said it look better on me than it did you,” Nag-simula nang tumulo ang aking mga luha. Luha na kanina ko pa pinipigilan sa pag-tulo nito.
“Only if you knew, how much I like you. But, I watch your eyes as he walks by...” Naka-pikit padin ang aking mata.
“What a sight---” Hindi ko na narinig ang kanta nang narinig kong humahagulgol na si Ara. Idinilat ko ang mata ko, tumayo ako at lumapit sa kaniya na nag-tataka.
“Ara, ano? Bakit ka--” Hindi ko na ulit napag-patuloy dahil lalong lumalakas ang hagulgol n’ya.
Nag-sasalita s’ya at iisa lang ang naintindihan ko ro’n.
“Troy...”
Alam na niya.
YOU ARE READING
Tragedy of Destiny
RomanceRPW, unang nag-kakilala. Sa mundong walang totoo. Sa Mundong puno ng pang-loloko. Mabubuo ang pag-mamahal na agad ding masisira. Pero, paano kung nag-tagpo ang kanilang landas sa totoong mundo? Mabubuo rin ba ang pag-mamahal katulad sa pekeng mundo...