Chapter 7

43 2 0
                                    

Chapter 7


"Saluhin mo" bungad ni Hina sa'kin pagkapasok ko palang sa kitchen. Sinalo ko naman ang ibinato niyang apron. "Bilisan mo at madaming nagsisidatingang costumer"

Yumoko nalang ako at tumango. Mabigat ang paa kong tinungo ang comfort room para makapagpalit ng uniform dahil naka t-shirt lang ako at pants. Suot ang puting apron ay lumabas ako ng kitchen. Nagtungo ako sa counter para hingin ang tray na pinaglalagyan ng order ng costumer.

"Table 7. Ito ang listaan ng order" inabot ni Mica ang listaan ng mga orders ng table 7.

"Salamat." Dahan dahan akong naglakad patungo sa nasabing mesa upang maayos kong maibigay ang orders nila. Ng marating ay ngumiti ang customer sa'kin. Kahit ako ay di maiwasang mapangiti dahil sa paglakas ng pintig ng puso ko.

"Bat ang gwapo ko?" bungad na tanong niya sa'kin at tumayo siya upang tulungan akong ilapag ang tray ng pagkain.

Gusto kong mainis sa tanong niya, pero gustuhin ko man ay di'ko magawa. Sobrang lakas ng pagtambol ng puso ko. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit na mahigpit at hagkan siya sa pisnge. Pero ang mga taong nakapalibot samin ang nakakapagpatigil sa akin. Kaya ang nagawa ko lang ay ngitian siya. Ngiting nagpapahiwatig na miss na miss ko siya.

"I missed you" sabi ko imbes sagutin ang kakingkoyan niya. He's signature smile appeared in his handsome face.

"Yries Grey ata to. Impossibleng hindi mo na-miss. Tsk! Alam ko namang mahal mo ako" he arrogantly stated. Inirapan ko siya tinawanan. Pero may parte ng puso ko ang nasasaktan. Alam ko ang tinutukoy niya ay mahal bilang bestfriend. Pero ang systema ko ay umaasa na sana higit don ang isipin niya.

Gusto kong kutusan ang sarili dahil sa naisip. Hindi ito maari. Mali ito.

"Kapal rin naman ng apog mo e no? Hindi kita mahal kadiri ka." Ipinagpasalamat ko na hindi ako nautal habang itinuran ang mga katagang 'yon. Tumawa pa ako ng peke para kombinsihin siya na maayos lamang ako.

"Ay ganon! Sige salamat nalang lahat, Bato" he pouted his lips that makes him cute even more.

Dahil sa ginawa niya ay hindi ko napigilang kurutin ang tagiliran niya. "Umayos ka nga. Sige mauuna na ako, baka pagalitan pa ako e." Totoo ang sinabi ko. Mula kase sa kinatatayuan ko ay kita ko ang mariing tingin ni Hina. And of course as I met her gaze, she rolled real eyes on me. And that action is not new to me anymore.

"Nope. You'll have a dinner with me." Kaagad kong iniling ang aking ulo para pigilin siya. "I already talked to the manager and pay three times just to have a dinner with you."

Of course, I frowned. Kahit kailan talaga. Nilingon ko si Hina at tumango siya. Pero ang pagtango niya ay may bahid ng pagkainis. Ewan ko ba sa kanila, parang may saltik. Hindi ko naman ina-ano.

Nagbaba ako ng tingin at umupo sa upuang hinila ni Yries para sa'kin. "I ordered your favorite" tinignan ko ang mga pagkain and he's right. Mga favorite ko lahat ang nakalatag.

Hindi mawaksi ang ngiti niya. Nakatingin siya sa'kin habang sumusubo ako at ang puso ko ay hindi mapigilang tumambol.

"Baka matunaw ako niyan?" Gusto kong magcelebrate dahil sa pasasalamat ko na hindi ako nautal. It was just a joke I stated. But there's a big vacancy in my heart hoping that there's an effect to him. Na katulad ng nararamdaman ko sa t'wing nagbibitaw siya ng mga salita sa'kin.

Gusto kong kutusan ang sarili dahil sa pagtitig ko sa kanya. He is my bestfriend. The one who's always there for me. The one that I L...

"Ako ang matutunaw. Kumain ka na nga lang. I know you missed me. Mabuti nalang at minadali 'yong test kaya naman maaga kaming nakauwi." sabi niya na nakapagpatango sa'kin.

Bring Back ButterfliesWhere stories live. Discover now