Chapter 9
Ilang linggo nalang ang bibilangin at graduation day na. Hindi paman natatapos ang fourth quarter lessons namin ay labis na tuwa na ang nararamdaman ko. In the next weeks will be tiring because we'll be busy, pero sa isiping magiging busy kami para sa Moving Up ceremony namin e natutuwa ako at parang hindi naiimagine ang pagod na haharapin. Because finally another challenge I will passed.
"Ano ba talagang gusto mong strand?" Tanong ni Yries habang kanyang ibinababa ang hawak na libro.
"Katulad ng sayo" madali kong sagot.
"STEM?" paninigurado niya. Agad akong tumango bilang sagot. I know he'll gonna take this strand kase balak niyang magdoktor.
"Oo" simpleng sagot ko.
Ilang araw narin ang nakaraan magmula no'ng natanong ko sa sarili kung may nararamdaman ba ako para sa kanya na higit pa sa pagkakaibigan. Pero mapahanggang ngayon ay wala parin akong maisasagot sa sariling tanong.
My heart is shouting his name, but my mind always refuse. Hindi maaari!
Tinanong niya pa ako bakit ko gustong kunin ang strand na katulad ng sa kanya. Simple! Dahil gusto kong makasama siya. Alam kung hindi niya ako pababayaan.
The day went well, as usual inihatid niya ako pauwi at nagpasalamat naman ako.
"So? See you tommorow?" Tanong ni Yries sa kabilang linya.
Nasa restaurant ako ngayon at nagbigay ng limang minutong break para sa'kin na kanina pang alas sais dyu-muty at mapahanggang ngayon ay busy pa'rin kami kahit mag-aalas onse na ng gabi.
"May choice ba ako?" Sinundan ko yon ng tawa. I heard him chuckled from the other line bago siya sumagot.
"Wala na. Alam ko namang mami-miss mo itong kagwapohan ko e."
Okay! Totoo naman 'yun. Gwapo nga siya, mahangin nga lang.
This type of conversation I love. Iyong kahit buong araw kaming magkasama at nag-aasaran. We still find way para makapag-usap kahit we're from each other. Nag-aasaran na parang hindi magkaibigan pero dama pa'rin ang pag-alala.
"Sinabi ko na bang hindi ka assuming?" Tumawa siya sa kabilang linya na maging sa'kin ay nakapagpatawa.
Pero napawi ang ngisi ko nang pumasok si Daddy sa loob ng kitchen. Agad niya akong sinalubong ng matatalim na tingin na sa'kin ay nagpangilabot. There I know what's the reason with his deadly stare. Ang aking labi ay nanginginig sa kabang hatid ni Daddy.
Agad niya akong nilapitan at nanatili lamang ako sa aking kinatatayuan. Waiting for his yell. Hawak ko pa'rin ang selpon ko na ngayon ay vibrate ng vibrate na batid kong mga mensahe iyon ni Yries na hindi ko man lang magawang replyan sa sitwasyong ito.
Nang nasa harapan ko na si Daddy ay naamoy ko na ang kanyang pabango na palaging ino-order ni mommy sa Italy.
Ramdam ko ang masusing tingin ng mga nandidito sa loob ng kusina, maging ang mahinang bulong bulongan ay hindi nakaligtas sa aking pandinig.
And I know for sure that they are backstabbing me. No! I mean, frontstabbing me. Kase harap harapan nila akong pinag-uusapan.
"ESTUPIDA!!"
Malakas na sigaw na maging sa lahat ng nasa kusina ay napatigil sa mga ginagawa. Ang kaninay bulong bulongan ay natahimik sa malakas na singhal ni Daddy sa'kin.
Hindi ko naman maiwasang mapaiktad sa lakas ng kanyang sigaw. Nakayuko lamang ako at alam kong ako ang kanyang sininghalan.
"Yan lang ba ang ginagawa mo ha? Sapphire Allia? Ang makipaglandian sa oras ng trabaho. Hindi na ako magtataka na wala kang mararating sa buhay mo." Sa pagkakataong ito. Hindi na pasigaw ang pagkakasabi ni Daddy, ngunit may diin at puno ng galit ang kanyang boses na magrason upang mapaiyak ako sa sakit ng bawat salitang kanyang binibitawan.
YOU ARE READING
Bring Back Butterflies
General FictionSapphire Allia, the unwanted daughter, the what so called blackship of the family, the biggest disappointment of her father, the failure, and mess of the family. She's living in the same roof with her family who can't accept her. But the acceptance...