Chapter 6
My day went well even if I'm longing for his presence.
Kinagabihan ay nag Facebook ako para maaliw dahil wala naman kaming test kinabukasan and we're vacant in our first two subjects.
Yries Grey Saloste:
How was you're day, my precious gem? Namiss mo ako no? Wag kang mag-alala may pasalubong akong lollipop for you. Kulay pink:-D
Naiinis man ay napangiti ako. Nagtipa ako ng mensaheng isasagot sa kanya.
Sapphire Bonifacio:
My day went well so far. Saka wag kang assuming! Di kita miss.
Wala pang isang minuto ay nakapagreply na siya.
Yries Grey Saloste:
Ay unfair! Hindi mo ako miss tapos na miss kita. Even if I spent the whole day with you, I will miss you the second my eyes can't search you.
Nang mabasa ang mensahe niya ay naitapon ko ang hawak na libro dahil sa kabang nadarama. Ang mga labi ko na paulit ulit kong kinakagat at ang panghihina ng systema ko. I don't know why I'm feeling this way. For the past years, I am comfortable with his jokes. But not this time. Ang lakas ng epekto ng sinabi niya.
Kahit nanginginig ang kamay ay sinimulan kong magreply ulit sa kanya.
Sapphire Bonifacio:
Mga pinagsasabi mo ha?
May ngiti ang labi ko ng aking makita na typing na siya.
Yries Grey Saloste:
Wala po. Matulog kana po at maaga kapa bukas.
Napangiti ako sa mensahe niya. As what he instructed, I slept.
The next day I woke up and I feel so dizzy. Maaga akong umalis ng bahay. Gaya ng sabi ni Yries, sinundo nga ako ng driver nila. Pagkasakay ko ng van ay inalalayan akong umupo ng tatlong maskuladong lalaki. Sila 'yong mga hinire na bodyguards ni Yries.
Pagkarating ko sa paaralan ay ramdam ko ang pangungulila sa kanya. Gusto kong kutusan ang sarili dahil hindi panga umaabot ng bente kwartong oras na hindi ko siya kasama ay nangungulila na agad ako.
"DNA is the simplest form of deoxyribonucleic acid. It is found within the nucleus of every cell. Your DNA is like your thumbprint. It is yours, and yours alone. No one owns but only yourself." nakikinig lamang ako sa mga discussions ni ma'am. Dahil sa ngayon, wala akong aasahan liban sa sarili ko. Kailangan kong making dahil wala akong makokopyahan.
Nang maglunch ay tumungo ako sa canteen. Bago pa ako makapasok ay tumunog ang cellphone ko. It's a message from Yries.
Kulay:
Eat well, my precious gem. Wala ako jan remember? Kaya di mo ako makakain. Rorr
Nang mabasa ang mensahe niya ay automatic na uminit at pumula ang mukha ko. Pinagsasabi ba ng mokong na to?
Ako:
Kadiri ka. Pinagsasabi mo? Umayos ka nga jan. Batukan kita pagnatalo ka e. Engot!
I entered the canteen peacefully. Not until I saw Kwinnie with her group of friends. Hindi ko na lamang siya pinansin at binawi ang tingin. Pero siya? Nakapukol pa'rin ang matatalim niyang titig sa akin. I heaved a deep sigh. Wala naman akong nagawang masama pero ba't natatakot ako sa kanya? Sa kanila?
Pumunta ako sa counter. "Rice at isang order ng sinigang. Idagdag mo napo ang soda."
Matapos makuha ang order ay iginala ko ang mga mata upang maghanap ng mauupuan.
YOU ARE READING
Bring Back Butterflies
Narrativa generaleSapphire Allia, the unwanted daughter, the what so called blackship of the family, the biggest disappointment of her father, the failure, and mess of the family. She's living in the same roof with her family who can't accept her. But the acceptance...