.....
"Sol, wake up dinner is ready" paggising ni tin saakin. Agad kong sinabi na susunod na ako, kaya nauna na siyang lumabas sakin.
"Kala ko pa naman nag luto ka" giit ko ng may makitang bucket ng chicken at kung ano ano sa lamesa. Feeling ko tuloy bukas kakatayin ako sa dami ng inorder niya.
" I want to. Kaso nga lang ay tinamad ako, kaya naisip kong mag order nalang kaysa magluto ako" touch na touch pa ko kanina kasi akala ko inako niya ang pag luluto ko para makapagpahinga ako, tinamad din pala si gaga.
"Para nga akong bibitayin bukas sa sobrang dami nito, Martini. May balak ka bang bitayin ako bukas animal ka?" tanong ko sakanya. Para naman kahit papaano mapaghahandaan ko yung pag kamatay ko diba, makapag sulat ako ng will ko, kahit wala naman akong ipapamana, kahit man lang masulat ko kung anong gusto kong theme ng libing ko. Pangit naman kung pati libing ko ay hindi maganda 'no!
"Mm. Tanga spotted. Kala mo sakin boba? Madami inorder ko kasi pupunta dito sina Shea and the zoo." natanga pa nga. Malay ko ba sana sinabi niya saakin 'no! Iniisip ko pa tuloy kung anong magandang theme sa libing ko.
"WHAT IS UP MADLANG PERSON!!!!" sigaw ni Fia. Ang ingay kala mo kinakatay ang gaga.
"Aray ko putangina eardrums ko Fia!"
"Bwakananginang boses yan"
"Fia dati ka bang mic? kasi tangina mo!"
"ANO BA ANG IINGAY NIYO MGA TAKAS ZOO BA KAYO? MANAHIMIK NGA MGA NGALA NGALA NIYO PARA KAYONG MGA MANOK PUTAK NG PUTAK SAKSAKIN KO MGA LALAMUNAN NIYO NG MAKITA NIYO HINAHANAP NIYO EH!!!" ayan mga bobo tiklop kayo kay Shea 'no! Mga bobo ang iingay kasi buti nga sainyong mga manok na kulang sa feeds.
"Kumain na nga kayo, ginagalit niyo yung caretaker ng zoo ni Sol eh" saad naman ni tin. Aba.
"ULOL KA BA ALAGA MO YANG MGA YAN EH SAKIN MO PA IPAPASA MGA RESPONSIBILIDAD MO" sigaw ko sakanya. Gago ba siya wala akong alagang mga manok na kulang sa feeds.
"ISA PA KAYONG DALAWA! NAWALA ANG APAT KAYO ANG PUMALIT" gigil na saad ni Shea. Meganon? Isa pa kayong dalawa?
iSAh pAh kAy0nG dLaW4....,,,,,!!!!!
-ShE@ 2k21..,,,😎😎😎🤘🤘🤘🤘
Sa huli ay tumiklop din kami. Sa aming pito si Shea ang gitna, yung tag tatlo may mga sariling mundo. Si Vien pilit na pinipigilang h'wag chumika dahil nasa hapag kami. Gusto man niya chumika, mas gusto naman niyang may makain.
....
Tapos na kaming kumain, at si Aiko na ang nag insist mag hugas ng plato. Yung iba naman, ayon may dalang alak. Sino ba namang aayaw sa alak? Kayo? Ako din eh ayaw ko din.
AYAW KONG TANGGIHAN!
Nang matapos si Aiko mag hugas ng plato, dun lang din naumpisahan ang inuman. Pano kung gaano katagal si Aiko magligpit, ganon sin sila katagal mamili ng panonoorin. Syempre nag kagulo nanaman. Pasalamat kamo sila dahil si Shea ay nasa labas, may sinagot na importanteng tawag.
Maayos ang pinanood namin, dahil di namin pinayagang si Ishee ang mamili. Dahil for sure mas sure pa sa relasyon niyo na ang panonoorin nanaman namin ay Harry Potter jusko.
Through Night and Day ang napili naming panoorin. Ang ganda niya at nasaktan kaming lahat kahit mga wala naman kaming jowa.
May jowa ba kayo? Bakit 18 yrs old na ba kayo? Chaaar!
Mga may tama na ang mga manok na kulang sa feeds, pero mas malakas tama ni Fia. Gawin ba namang juice ang Pink Bar Gin eh. Boba.
"Alam niyo, kung mag kakajowa man ako, wag nalang. Mga manloloko mga lalaki ngayon eh, kala mo naman kinagwapo nila yon." Sa aming lahat si Fia ang pinakatakot magmahal. Pinakaunang lalaking nanakit sakanya ay ang tatay niya mismo.
"Panong hindi, mga matatas na kasi tingin nila sa sarili nila, kahit nga pangit ngayon nagloloko na rin e." saad ni vien. Isa pa 'to feeling brocane di naman nagkakajowa. Napakataas kasi ng standards. Mas mataas pa sa Mt. Everest pride niyan eh.
Nagloloko sila kasi choice nila. Actually wala naman talagang valid reason ang panloloko. Sadyang mataas lang talaga ang tingin nila sa sarili. Kala mo naman mga gold.
Teka. Naalala ko yung lalaking napagkamalan kong driver kanina. Antaas ng tingin sa sarili di naman gwapo. Naka parking kasi sa tapat ng mansion ni dad, parehas pa ng kulay at model ng sasakyan, hindi pa nakalock ang pinto. Kaya naisip ko talagang saakin 'yon. Psh. That Conceited and Self-proclaimed Gwapo man. Iws.
.......
Yey umabot ka ng chapter 1! Dahil diyan kiss kita! Jk!
Thank you so much for reading Raging Waves of Destiny! Enjoy reading! and don't forget to VOTE, COMMENT AND FOLLOW ME! THANK YOU LOVE YOU BERRIES!🍒🍓🍇
BINABASA MO ANG
Raging Waves of Destiny
Teen Fiction"The raging waves of destiny brings us into each other's arms again, hon."