Chapter 5

34.6K 531 6
                                    

His Rude but Still Cute

Atashia POV

She knew it is wrong to eavesdrop on somebody's conversation. Pero kahit ganun patuloy pa rin siya sa pakikinig sa usapan nina Lance at Jethro.

Ang lakas ng tibok ng puso niya sa kanyang ginagawa. Pero bigla na lang tumahimik sa gawi roon. Kaya sinilip niya ulit ang mga ito. Naroon pa rin si Jethro at mag-isang umiinom. . . ..

Mag-isang umiinom?

Nasaan na si Lance?

"So you're eavesdropping now? Bigla siyang nanigas sa kanyang kinatatayuan ng makilala ang boses na nagsalita sa kanyang likuran. Halos tumigil din ang tibok ng puso niya.

Para siyang isang kriminal na nahuli sa akto habang isinasagawa ang kanyang krimen. Pero kahit galit ang boses nito she also felt her heart flutter to hear his voice again for almost three weeks of having no communication with him. 

Even how she denied it to herself. 

She really missed him.

Ewan niya kung bakit nahulog ang loob niya rito kahit sa kaunting panahon na nakasama niya ito. Maybe this is what they call the power of Lance to make women go crazy over him. He can make the like of her fall for him instantly in an effortlessly manner by his charisma and charm even how rude and dominant he is .

No one can resist him even how hard she try.

Ganyan ka karupok!

Pero nasaktan siya ng sobra na sa muling pagkikita nila ay galit ang sumalubong sa kanya. Bakit pa kasi pinakailaman niya ang gamit nito? Ngayon tuloy nagsisisi siya sa kanyang kapahangasan.

Pinilit niya ang kanyang sariling lingunin ito pero ang totoo ay gusto niya ng tumakbo.

May kabang pumupuno sa kanyang dibdib sa galit na kakaharapin niya galing dito. Nakita niya na ang galit nito kanina sa pangingi-alam niya sa photo album nito at ngayon nahuli pa siya nitong nakikinig sa usapan nito.

Mukhang patay na siya ngayon.

Nang makaharap na siya ng tuluyan dito ay parang gusto niyang mapa atras. Kahit madilim ramdam niya ang galit sa mga mata nito. Ang mumunting ilaw sa labas ang nagbibigay ng kaunting liwanag sa kanila.

"Hindi mo ba alam kung saan ilulugar ang  sarili mo? " hindi niya maiwasang di masaktan sa sinabi nito.

"I'm sorry, napadaan lang ako at narinig ko kayo kaya di ko maiwasang ma curious kung anong pinag uusapan niyo. " there's no point lying to him. He already caught her in the act.

"Are you now satisfied of what you heard? " he maintained his angry tone.

"I heard you want an annullment ?" tanong niya sa mahinang tinig.

"Marrying a woman I don't even love or even like what do you think I would feel? " his voice as cold as the night breeze that touches her skin.

"Then why did you marry me if you'll just annul our marriage in the end? " hindi niya napigilan ang paglakip ng hinanakit sa boses niya.

"It's none of your business " he quickly replied.

Ang sama niya.

"Okay fine, annull our marriage if that is what you want. I won't stop you. " agad niyang saad. Bigla siyang natigilan ng maunawaan kung ano ang kanyang sinabi.

Paano pag ipinagpatuloy nito ang annullment?

Ano ang sasabihin nina Donya Elise?

The Impostor Wife (Preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon