Master's Bedroom
Atashia POV
Naramdaman niya na parang lumulutang siya sa alapaap. Isiniksik niya ang kanyang ulo sa matigas at mainit na bagay na nakadampi sa kanyang mukha habang nakapikit pa rin .
Hinigpitan niya ang pagkakayapos dito. Naghahatid ito ng proteksyon sa kanyang pandama.
Hmmmm........ Mas lalo niya pang isiniksik ang mukha.
Narinig niya na parang may nag uusap. Nagising ang natutulog niyang diwa ng marinig niya ang boses ng isang matandang babae . . . . .
"Nakahanda na po ang master's bedroom, Sir Lance " Agad niyang iminulat ang mata sa narinig ngunit ipinikit agad ng makita ang mukha ni Lance na nakatingin sa kanya.Hindi man lang umimik si Lance sa tinuran ng matanda. He just slightly nodded.
Umakto siyang natutulog pa rin ngunit bahagya niyang inilayo ang kanyang mukha sa malapad nitong dibdib. She blushed ng maalala kung anong ginagawa niya kanina. Hindi niya alam kung naririnig ba nito ang lakas ng tibok ng kanyang puso na pakiramdan niya luluwa anumang oras.
Ramdan niya ang pag angat at pagbaba ng dibdib nito sa bawat paghinga. Naririnig niya ang marahang pagtibok ng puso nito.
Alam niyang pumapanhik ito paakyat sa hagdan papunta sa kwarto nilang dalawa.
Iniisip niya pa lang kung anong mangyayari oras na nandoon na sila sa loob kinakabahan na siya.
Marahan nitong binuksan ang siradura ng kwarto, di niya pa rin iminumulat ang mata. She lightly shiver ng marinig niya ang clicked sa pagkasara ng pinto. Naramdaman niya ang paglapat ng kanyang katawan sa malambot na kama.
Tinapik tapik siya nito sa balikat para gisingin.
Umakto pa rin siyang natutulog.
"I know your awake so stop pretending." inis na boses na saad nito. Pero di pa rin siya nagmulat ng mata."I'll count one to three, pag di ka pa nagising ako mismo ang maghuhubad ng wedding gown mo." bakas ang pagbabanta sa boses nito.
Agad siyang nagmulat ng mata. Umakto siyang kagigising niya lang. Kinusot kusot niya pa ang mata.
" Oh, hi husband" saad niya ng mabungaran ang seryoso nitong mukha.
Ngumiti pa siya rito.
"Take off your clothes now" utos nito na walang ka emo-emosyon ang mukha ngunit nagdala ng kilabot sa kanya.
(0o0!
Nanlalaki ang matang tiningnan niya ito.
"Why aren't you moving? Do you want to sleep with your wedding gown on? " nakataas ang kilay na saad nito sa kanya.
"Hehehe. . ahmm. .pwede ba? " nag aalanganin niyang tanong.
Tiningnan siya nito mg masama.
"If you think that I would do something to you then your wrong. That's the last thing I would want to do right now." ani nito sa naiinis na boses at agad siyang iniwan at lumabas sa silid na iyon.Ano daw, least thing?
Ganun ba siya nito ka ayaw?
May nasagi iyon sa damdamin niya, it causes a little pain in her heart.
Lance POV
He left his wife inside their room. Naiinis siya sa inaakto nito na parang ang inosente. Kung hindi niya lang alam kung anong ugali meron ito, a spoiled brat, happy-go-lucky and party goer.
BINABASA MO ANG
The Impostor Wife (Preview)
RomanceAtashia's motto in life "Never leave debts unpaid" Iyon ang ginawa ni Atashia ng magpanggap siyang si Collin Rivera, the sole heir of the Rivera's International Groups and Companies , bilang pagtanaw ng utang na loob ng iligtas ng mga magulang nito...