chapter 1 : walang kasagutan

59 0 0
                                    

Sino ba ako?
Mga bagay na minsan tinatanung ko sa sarili ko tuwing nag lalakad ako or minsan bago ako matulog.
Minsan gusto ko subukan lahat ng bagay sa mundo dahil na rin sa dame ng kung pag kukulang bilang tao?

Gaano ba kalalim ang pagkatao ng isang tao sa mundong ito?

May mga tanung sa isipan ko kung anu ba talaga papel ng mga tao sa mundong ito? Minsan sa sobrang praning ko napapatanung ako? Para ba sa mundong ito o para sa kabilang buhay upang malaman lahat ng kahuluguhan kung bakit tayo nabuhay sa mundong ibabaw?

Minsan habang nanunood ako ng mga sikat na tao sa mundo, napapaisip ako? Anung klaseng buhay kaya ng sikat na bawal ka pumunta sa mga public place dahil na rin sa mga pwedeng mangyari lalo sa mga did hard na fans na meron sila? Minsan naisip ko parang sarap ng buhay nila dahil sikat sila, may pera sila at lahat ng bagay na hindi nagagawa ng ordinaryong tao ay nagagawa nila dahil na rin impluwensya na meron sila. . .?

Anu nga ba? Parang wala naman kwenta itong sinusulat ko pero patuloy mo pag rin binabasa, wala lang, trip ko lang mag sulat hangga't may naiisip ako mga bagay bagay na ako lang nakakaunawa.

Minsan napatingala nalang ako sa kalangitan at na pasulyap sa mga ibon na lumilipad. Kay sarap maging ibon, iisipin nalang nila kumain, lumipad at mag parame at makipag sapalaran sa mga taong walang ginawa kundi pag tripan sila or patayin para kainin o kung ano mang dahilan nila? Kaya napaisip ako mas delikado pala ang lahi ng mga tao? Dahil nag karoon tayo ng malawak na kaisipan pero dahil sa lawak na yun, nanganganib ang mga nilalang sa kalikasan lalo na ang mga namumuhay ng mapayapa kasama na dito ang mga puno na walang humpay sa pag puputol dahil na rin sa pakikinabang ng mga sangkatauhan. May choice ba upang maiwasan ang pagkasira ng kalikasan? Panu nga ba?

Tuwing bumibili ako ng meniral water na tig sasampu, tinatapon ko nalang basta kasi alam ko naman hindi na mapapakinabangan, lalo na ang mga bottle na plastik kasi kapag naubos na ang laman lalo kung nasa daan ka or nag lalakad awtomatik muna itatapon tuwing ubos na. Kaya nung time na nag karoon ng malaking baha sa bawat lugar ng kinaroroonan ko, isa sa mga nakaagaw pansin sa akin ay yung mga plastik bottle sa tubig na inaanod, sa sobrang dame parang akala mo tambakan na ng mga plastik kaya siguro nag kakaroon ng baha dahil nagiging barado ang mga kanal dahil sa mga plastik, at yun nga napaisip ako? Sa loob ng isang  araw nakakabili ako ng plastik bottle ng tatlong bases sa isang araw minsan lampas tatlo pa, times sa 30days, x 365 days, siguro isang truck na yun or higit pag, kaya minsan napaisip ako, isa na rin pala ako makasalanan sa kalikasan dahil na rin sa mga simpleng ginagawa ko ay problema din pala ang dala ko sa global warning, anu nga ba dapat ko gawin upang maiwasan? Kasi minsan sa simpleng bagay na ginagawa ko pag tapon ng empty bottles plastik ay nag dudukot na rin pala pagkapinsala, yun yung mga bagay na naiisip ko bago ako matulog, ang laki ko palang tanga, kasi minsan isa ako mga nagagalit sa mga pribadong kumpanya na nagiging dahilan kung bakit nasisira ang kalikasan pero isa rin pala ako sakanila. Napaka kapal ng ng mukha ko simula ng maiisip ko yan tuwing gabi. . . ikaw? Naisip mo rin ba tol? Iwan. Basta ako pag sisikapan ko hindi maging pabigat sa kalikasan pero kahit anung gawin natin makakaapekto pag rin sa kalikasan pero may naisip ako?
Mag tanim ng mga halaman sa mga lugar kung saan mapayapa silang mabubuhay at lalaki.

Nagising ako bigla, isang liwanag ang tumatagos sa bintana gawa ng malakas na kulog at kidlat, kaya napatayo ako at sinisilip ang bawat liwanag ng kalangitan, isa na namang bagyo ang paparating dahil na rin sa weather apps ko. Signal number 2.
Napasinghap ako bigla ng may naalala ako, may nabasa kasi ako sa history ni ferdinand marcos na nag karoon research team upang gumawa ng anti-typhoon sa pamamagitan ng missile luncher upang mapasabaog at masira ang bagyo. Paano na nalang kung nagawa nila? Ang ganda siguro nun. Diba, matatakot na siguro ang bagyo pumasok sa pilipinas dahil sa mga missile na nakaabang at nakangiti. Sarap nung. Kaso hindi natuloy dahil sa mga ibang dahilan siguro. Wala lang share ko lang.

Gaano ba kalawak ang mga isip natin sa mga bagay bagay sa mundong ito?
Napanood mo ba ang naging debate nila ng ALIBABA ceo jack ma  and SPACE X ceo elon musk? Panuorin nyo kung gaano makakatulong sa future at present sa mundong ito. Wala lang share ko lang. Malay mo madagdagan ang kalituhan mo sa mundong ito atleast may kasama na ako.

Saan kaya pumupunta ang mga namamatay sa mundong ito? Sa langit? Sa empyerno? Minsan naiisip ko sino kaya nagpakalat ng tsismis na yun, na tuwing namamatay ang tao ay depende sa mga nagawa nya nung sya'y nabubuhay pa, kung makasalanan sya baka sa impyerno, kapag mabait ka naman or marame kang nagawa kabutihan sa kapwa sa langit ka? Yun ba yung requirements nila sa magiging paglalakbay mo sa kabilang buhay.? Hirap siguro, panu nalang kung ihing ihi kana, umihi ka sa gilid ng wall, di mo matiis kasi no choice kana, syempre matatawag yung kasalanan kasi ang pag ihi ay ilagay sa tamang lugar hindi sa maling lugar? Kahit marame kang nagawang kabutihan, minus 10 ka sa langit,ganun ba yun? Iwan. Share ko lang malay mo makatulong sa araw araw ng pamumuhay mo.

Haist. . . siguro babaero ka or mahilig ka mag parame ng karelasyon.? Wala lang nafefeel ko lang na masyado magulo ang buhay mo kahit di kita kilala, naramdaman ko lang bigla na hanggang ngayon di mo alam kung anu ba talaga gusto mo sa buhay? Kung gaano ba kahalaga ang buhay mo sa mga bagay na ginagawa mo ngayon na di mo mahanapan ng kuntento? Sa tingin ganun talaga ang tao sa mundo, lahat ng tao walang ganun sa lahat ng bagay, sa pag ibig, siguro meron pero sa ibang bagay? Sa mga foods, sa mga gamit at iba pa.diba? Isipin mo mabuti bakit ang pangalan mo ay tumutugma sa pagkatao mo? Or minsan bakit hindi tugma ang name mo sa pagkatao mo? Name mo pang astig pero darna ang pagkatao mo, minsan babae ka pero gusto mo babae din. Edi wow. Bahala ka dyan.

Sumakay ako ng buss pauwi ng province namin, 12hours ang byahe at bawat segundo maduming usok ang lumalabas sa tambutso ng sinasakyan ko, napatanga nalang ako, sinasabi ko palang na di ako mag papalala ng global warning, kaya bago  umandar ulit ang buss ay bumaba na ako at tinanung ako ng kundoktor bakit daw ako baba eh laguna palang, bicol pa ako. Sabi ko naman, ayaw ko maging makasalanan sa kalikasan at saka ko sya tinalikuran kahit napakamot sya at di nya magets ang sinabi ko kasi halata sa mga mata nya. Bitbit ko malaking bag. At sinimulan ko mag lakad, napangiti ako kaya tuloy tuloy ako sa pag lalakad kahit papanu nakatulong ako sa kalikasan, at sa pag lalakbay ko nun marame ako naisip at napapangiti na rin, ramdam ko na rin ang pangangalay ng mga balikat ko dahil bag ko. Napadaan ako sa isang shop ng bike, may nakita ako bike na may side car, kaya di ako nag dalawang isip bilihin, 8500 pesos din yun. Bigat sa bulsa pero kahit papano di ako naging hangal. Kaya bago ako nag bike bumili na ako ng mga pagkain sa 7/eleven at dun ko natagpuan lahat ng kailangan ko. Kaya nag bike na ako agad, inabot din akong 4days kakabike dahil mas marame akong pahinga kaysa pag bibike, nagulat sila mama bakit daw ako nakabike, sabi ko naman mas pinili ko maging mabuting tao sa kalikasan, pinag tawanan lang ako ng ate ko, umandar na naman daw ang kabiliwan ko at sinabihan si mama na wag nalang daw ako pansinin, syempre bunso ako kaya kinausap ako ni mama, anak di mo naman kailangan mag bike mula laguna hanggang dito kung tungkol lang sa kalikasan, kasi di mo kasalanan kung yung buss na yun ay dumadagdag sa pagkasira ng kalikasan kasi ikaw sumakay lang pero hindi ikaw ang pasimuno pagkakaroon ng buss. Naiintidihan mo ba anak? Malambing na sabi sa akin ng mama ko. Kaya napag tanto ko ang mga sinabi nya pero sila kuya at ate ko di makahinga kakatawa dahil sa pag bike ko mula laguna to bicol, si lolo panay ubo din kakatawa at maiyak iyak din kakatawa. Napailing nalang ako, di nila kasi maabot kung ano meron ang isip ko,

"Alam mo apo matalino ka naman, pero sa sobrang talino mo nagiging bobo ka sa mga simpleng bagay at binibigyan mo agad ng malalim na kahulugan na makakaapekto sa paligid mo"

Di ko nalang sya pinansin kasi tumanda nga sya pero tumandang paurong, hinayaan ko lang kasi masamang mag isip ng ganun.

Natulog na ako agad dahil na rin sa pagod or sa kahihiyan, madaling araw na ako nagising at nakita ko si mama nakaupo sa sala habang hawak pa nito ang remote ng tv. Nanunood ng k-drama. Haist si mama talaga. Wala lang share ko lang.

SINO BA AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon