chapter 1.1: walang kasagutan part 2

25 0 0
                                    

Hindi na ako nakipag matigasan kay mama na mag bike ako ulit pauwi ng bicol, pansin ko rin sila lolo na walang humpay kakatawa, kaya't di ko nalang pinansin kasi kahit papano kamag anak ko sila.

Kaya ng sumakay na ako buss, pabalik na ng manila, habang nakatingin ako sa labas ng buss, pansin ko ang lawak ng palayan, mga mag sasaka mag hapon nag tatanim or nag bubungkal ng lupa. Pero wala pa rin pag babago ang pag bili sa merkado ng mga mag sasaka pero bentahan sa mga tindahan ng bigas triple ang patong kaysa pag bili ng bigas sa mga mag sasaka. Ganun ka down ang mga mag sasaka, pinag kakaitan ng pag kakataon  para makaraos sa lipunan. Sa dame ng batas nasisilayan ko, ni minsan di may magawaan ng batas na pumapabor saating mga mag sasaka.? Bakit nga? Ganun ba ang gobyerno natin or sadyang hindi lang nabibigyan ng sapat na pansin para sa ating mga mag sasaka, alam ko di kuna problema ang problema ng mag sasaka pero tao ako na may puso at pag papahalaga sa kapwa lalo sa mga taong pinag kakautang ng pag kakataon. Wala lang share ko lang. Namiss tuloy ng mga lola ko at lolo si ferdinand marcos nung president sya. wala lang share ko lang.

Nakabalik na ako sa manila ganun kabilis dahil ganun kabilis ang pag iisip ko, light of speed ang takbo ng utak ko kaya minsan kahit ang kalawakan nadadamay.

Saan na ba tayo?

Di ko alam, nag sa sayang lang ako ng oras mo pero minsan nag kakaroon saysay ang bawat kilos mo kung bibigyang mo ng halaga ang bawat bagay na umuugnay sa buhay mo, lalo na kung bawat sahod mo ay maingat mo tinatabi para sa mga taong mahal mo sa buhay. Hindi masama gumastos, pero mas swabe kung ang gagastusan mo ay mga bagay na nakatulong sayo nung mga walang wala ka sa at di mo pag kayang makipag sabayan sa lipunan dahil wala ka pang kakayahan makibagay sa lipunan kung walang naging tulay at gabay kung anu ka ngayon. Wala lang share ko lang.

Minsan walang gulo kung walang nag papagulo sa mga taong tahimik ang sadya. Sinasamantala lang ng mga makapangyarihang tao sa lipunan ang mga taong uhaw sa pera at pag kain.
Dahil mas masakit manganak kung walang kang sapat na pera. Wala lang share ko lang.

Pananaw sa lipunan.
  Kapag mahirap ka at nag nakaw ka, kulong agad or bugbog.

Pero kung pulitika ang taong nag nakaw sa kaban ng bayan ay isang hero dahil ni minsan walang nakulong na politika kung malakas sa loob ng gobyerno. Ganun katindi ang lipunan. At ang mga mang-mang na tao, sisikapin pag iboto sa halalan dahil lang sa 500 pesos or pakyaw buong pamilya para sa vote. Vote ang nilagay ko kasi kapang boto iba ang dating lalo sa mga manyak na babae😂😂😂. . .
Anyway wala lang share ko lang

"Mas masakit mamatay sa lipunan kung walang pakialam sayo ang gobyerno" mga katagang nagiging tulay sa mga taong umalay ng buhay para sa mga karapatan para sa kalayaan ng nakakarame.
Minsan mapapaisip ka talaga?
Ang batas ba ay para lamang sa mga mayayaman? Or ang mayaman ay may batas sa lipunan.? May mga malabong batas na hindi umuugnay sa reyalidad at kalikasan. Na minsan kung iisipin mo, nagagamit ang totoong batas kung isa kang mayaman.

Bawat sa loob ng trabaho may mga taong mapag husga sa lahat ng aspeto na hindi mo alam kung bakit ganun sila. Mga taong di mo alam kung anu dahilan kung bakit naninira ng mga kapwa tao sa loob ng trabaho.
Mga bagay na sila lang nakakaunawa? Bakit nga ba?

Dahil brownout ngayon, mainit. Wala lang share ko lang.

Sa dame mong problema, di muna alam kung saan ka patungo, feeling mo napaka unfair ng mundo. Or sadyang ganun talaga ang buhay ng tao, kung walang problema hindi ka tao?

Sino ba ako? Kadalasan tinatanung ko sa sarili ko at di ko alam bakit.

Maayos naman pag iisip ko masyado lang yata ako nasobrahan ng kape nung baby ako, kape kasi pinadede sa akin ni mama nung akoy sanggol kaya siguro ang kaisipan ko ay mas astig pa sa lolo mo. Anyway wala lang. Share ko lang.

Lahat naman tayo nag mamahal pero di lahat nag mahal ay minahal ng totoo. Wala lang share ko lang.

Gusto ko sana ishare ang love life ko kaso baka matawa lang kayo, pero no worries, share ko din sa ibang chapter, sa ngayon mag sayang muna tayo ng oras sa sinusulat ko na wala naman patutunguhan.

Minsan tuwing iniisip ko masyado magulo ang buhay ko dahil na rin sa mga bagay na hindi ko ginusto na mangyari sa buhay ko, di naman kasi sinabi mahirap pala kumuha ng kursong accounting. Masyado ako na stress nung college time ko. Isama mo na na minsan nag lalakad ako mula cubao hanggang makati, madaling araw ang lakad ko sa gilid ng kalsada at baba ako sa sa dulo ng guadalupe tulay, sa baba mismo ako mag lalakad, lusot ko dun pasong tamo makati. Sa mga nakaranas mag lakad, alam na nila kung anu pinag sasabi ko. Di ko masabayan ang mga kaklase ko sa sunugan ng kilay para sa grades, masyado lang siguro ako nahirapan at mag adjust dahil na rin sa sitwasyon ko. Pumapasok ako sa school na walang laman ang tyan, natutu din ako dumeskarti sa loob ng campus. Ako na gumagawa ng mga report ng ibang college department para lang free snack ako sa canteen ng isang buwan, any kind na pwede ako makasurvive, pero hirap din lalo kung ang mga kasabayan mo ay talagang may marangya pamumuhay, masyado nakakadown dahil mas sinikap ko gumawa ng paraan kaysa mag reklamo dahil kung iisipin swerti ka rin ako sa mga nadadaanan sa kanto na dun na yung bahay nila na gawa lang sa patong-patong na damit at payong. Kuntento na sila, eh ako may bahay pa rin ako inuuwian kahit papanu at may sapat na makakain.
Dumating sa point na naging routine ko ang ganung sistema sa college life ko. Masyado ako na stress dahil sa school at mga gastusin kayat isang semester akong di pumasok at ang ginawa ko nung mga oras na yun, makipag laro ng basketball at mag dota. Namalayan ko nalang na pinatawag ako ng kuya ko, at sa duda ko iba ang timpla ng kanyang mukha, at yun nga nalaman nya na di na ako pumapasok at nalaman din nya yung perang pang bayad sa isang semester ay di ko binayad dahil nag padala ng notice ang school namin kay kuya kaya ayun isang malupit na body punch at ala pacquiao with combination, joke lang. Wala lang, tahimik lang si kuya habang tinitigan ako as in no comment sya, dun ko pala naisip na mas masakit makaramdam ng failure sa mga taong nag susumikap na tulungan tayo at failure lang maibabalik natin pero ang nagawa lang kuya ko ay manahimik, ramdam ko ang sakit na parang gusto ko sabihin sa kuya ko mag salita sya, saktan nya ako or kung anu ano pa para maibsan ung failure na sinukli ko sakanya. Pero wala lang at umalis lang si kuya sa harap ko kaya masyado ako naguluhan kayat lumipas ng ilang minuto na nakatayo lang ako dun sa sala namalayan ko nalang si ate, niyakap ako, ok lang yan bunso, wag kana mag isip ng kung anu ano ha, nandito lang si ate, hayaan muna yung nangyari alam ko naman may dahilan ka at sa lahat na mag ka kapatid ako ang nakakakilala sayo. Kiniss ako ng ate ko sa ulo at umalis na to kasi ojt na nya sa pagiging nurse. Kaya dahan dahan ako pumasok ng kwarto ko at sinarado ang pinto. Ngayon ko lang na realize na maganda pala ang kwarto ko na puno ng mga sulat na ako lang nakakaunawa, may mga sticker din ng mga wrestling tulad nila john cena, the rock at kung anu ano pa. Isama mo pa dyan ang mga character sa naruto, kaya minsan nangarap akong maging itachi uchiha, dahil sakanyang tsukoyumi, kaya ko paniwalaan ang mga taong sa paligid ko or izanami para baguhin ang maling pananaw ng mga tao. Bigla nalang ako bumagsak at natulog.

Simula ng nagising ako dun ko namalayan na nawala na ako sa katinuan, ayaw kuna rin pumasok at lumabas ng kwarto kayat napag kasunduan na iuwi ako kay mama sa tagaytay,
Ramdam ko rin ang mga tao sa bahay na iwas sa akin hindi dahil baliw ako, kundi dahil sa amoy ko kasi isang buwan na rin ako di naliligo, sabi naman ng dr. Ok naman ako kaso masyado ko lang daw kinukulong ang sarili ko sa isang bagay na ako lang nakakaunawa. Nasanay din ako sa sinusulat ko ang mga gustong sabihin, kung kakain na ako, kung matutulog na ako or kadalasan ginagawa ng norma na tao, lahat yun ay aking sinusulat.

Dumating ang december, umuwi ang papa ko galing abroad, umuwi din ang mga kapatid ko at ramdam ko ang ilang na makipag salamuha, kayat nag kulong lang ako sa kwarto ko at never ko sinalubong ang papa ko.

Namalayan ko nalang na bumukas ang pinto at ramdam ko rin pag simangot ng papa ko dahil sa,amoy ng kwarto ko, pero tuloy tuloy pa

rin itong umupo sa higaan ko,

Nak pwede ba kita makausap? Mahinahon banggit ng ama ko.



Itutuloy

SINO BA AKO?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon