Mahirap mag mahal kung di ka mahal.
Mahirap mahalin kung wala kang pag mamahal.
Mahirap mag mahalan kung libog lang ang dahilan.
Bawat yugto ng buhay May mga darating sa buhay natin pang samantala, mag bibigay ng saya, kalungkutan, pag asa, at pag mamahal na minsan ayaw mo talikuran kahit di Kana mahal.Mga bagay sa mundong ito ang pag mamahal ay anino ng mga tao, bawat tao May pag mamahal sa ano mang bagay na ikakasaya.
Sa laking kung tanga sa mundo naisip ko lang, bakit nga ba ako naiinip sa mga bagay bagay na di ko naman kuntrolado.
Masyado na yata ako nilamon ng maling sistema.
Minsan sa bawat yugto ng buhay natin May mga taong makakasama at makakasalamuha sa maraming paraan. Pero iilan lang dyan ang mananatiling tunay na walang hinihinging kapalit.
Wala lang. Masyado lang magulo ang mundo at yun ang nakikita ko, iwan ko or sadyang ako lang May ganung kakayahan makita ang kasalukuyan.
Yung feeling mo the one ka mundo, or sadyang gumawa lang ako ng sariling mundo na ako lang nakakaunawa, tulad dun sa mga teenagers na feeling Kpop kahit di naman, or sadyang masaya lang sila sa mga ginagawa nila tulad ng iba dyan puro hate nalang ginagawa kahit di naman nakaka appreciate ng mga bagay bagay sa mundong mapang linlang.
Sa oras na ito May tatlo akong anak, wala lang share ko lang. Sa mundo ko ikaw, sila, tayo ay Parang tao. Saan nga ba ako sa isip mo at isip nyo? Ilang part ako sa utak mo habang binabasa mo or sadyang masyadong malalim ang mundong mapang husga kung kaya't bawat galaw mo ay maingat mo pinag iisipan kaya't ang naging resulta ay failure ka sa realidad. Masyado mo lang tinatakpan ng pekeng larawan sa realidad upang makibagay sa mga hindi dapat bagayan.
Sa dulo ba ng ilog? Maikukumpara mo ba ang dulo ng iyong buhay? Pwera nalang kung never mo narating ang bawat dulo ng ilog sa buong buhay mo? Aminin. . . 😅😅😅
Habang nanonood ako cocomelon, nakakatuwa naman kahit malungkot ka. Syempre ikaw alangan naman ako. Wala lang share ko lang.
Alam mo ang trending ngayon yung ngongo at yung babaeng walang pakiramdam, siguro kapag naging sikat ito sulat na to, masyado Kana matanda para balikan yung trending na yun about sa pork and beans na pilit linilinaw ng ngongo sa tinderang malupit na humahagupit. Wala lang share ko lang kahit papano kabulukan ako sa kakaiyak sa trailer na yun.
Uyyy na curious sya, promise matutuwa ka.
Pinaka the best dun ang last part.Lalo na yung Pinoy henyo? Ngulay? Ngalabasa? Hahahaha wala lang. Share ko lang.
Mangina mo ang kj mo naman, tumawa ka naman, tayong dalawa nalang ang nandito di ka pa makisakay kaya siguro bored ka kaya ka napunta dito kasi May problema ka sa pang uugali, alam mo kung anu yun? Yung di ka sanay makipag plastikan sa taong best actress/actor sa kaplastikan, kahit kasama mo palage pero kapag wala ka ikaw ang bida sa kwentuhan nila kaya't mas pinili mo mag basa kaysa makipag plastikan. At mali ka sa inaakala mo na di ako plastik, isa rin akong plastik sa mga kapwa kung plastik? Opss wala ako sinabi ha, wag Kana magalit. Sarap kumain habang nag babasa nuh , or nag hihintay ng kung ano lalo sa jowa mong napakatagal dumating akala mo naman katapusan na ng mundo para di malate sa tagpuan nyong nakakabadoy.
Ganun talaga ang buhay my friend. Parang life.
Minsan nag bhouse ako sa sta. Mesa malapit sa up university. Langya May nag pakamatay na tomboy dahil sawa na sya maging tepyas sa lipunan, dahil nawalan sya ng lawit, di nya yata alam sampu ang lawit nya? Opss pasin tabi po sa mga tomboy dyan, shout out po.
Anyway next na natin yan idol baka mag karoon tayo ng issue sa mga tropa nating sampu ang lawit. Uy uy wag kang ganyan boy. Porket ba May dalawa lang itlog at isang hotdog ganyan Kana mag isip. Ay aba syempre kaya nga naging dalawa ulo ng lalaki, dahil ang isa para sa kabutihan at isa naman para sa kaligayahan pero walang isip pero sumusuka nasagad ng sobra. Share ko lang.
Mas sinikap ko maging mabuti, langya tadhana Lage ako ginagawang masama sa lahat ng pagkakataon na gusto ko patunayan ang sarili ko na ako ang the one sa mundong ito. Wala lang share ko lang.
Mas pinili ko manahimik kahit ako ang May salarin kung bakit lahat ng kasama sa uv express ay nag sisigawan dahil nag tuturuan kung sino nag hatid ng masamang hangin sa aircon. . Feel na feel ko ung amoy. Swabe, humahagod sa lalamunan at tumatambay sa ilong. Napasigaw ka nalang. . . "GINHAWA". wala lang share ko lang.
Bawat lakad mo tuwing wala kang pamasahe or sadyang trip mo lang mag lakad. Maiisip mo tumaya ng lotto at manalo ka, grabe ang astig nun. Habang nag lalakad ka nag plaplano Kana kung ano ano gagawin mo kapag nanalo ka ng lotto, minsan maiisip mo bumili agad ng sasakyan, mag negosyo ng bar club, at ipapakita mo dun sa ex mo na malaking kawalan na sinayang ka, pero maiisip ng ex mo, mas magandang iwan ka dahil sa ugaling mong nangangarap ng gising. Hoy, mag trabaho ka hindi yun umaasa ka sa swerte na lumalason sa mga taong nangangarap ng gising. Hay naku buhay to. Parang life. . .
Hoy ikaw ang kausap ko bakit tinamad Kana mag basa at mas inuna mo ang salitang ITUTULOY?
![](https://img.wattpad.com/cover/268993207-288-k449808.jpg)
BINABASA MO ANG
SINO BA AKO?
مغامرةisang aklat na nag hahanap ng katanungan sa bawat yugto ng buhay ng tao? mga bagay na nag kakaroon saysay sa matinding determinasyon sa bawat bagay sa mundong nilalakbayan ng bawat taong nag hahanap ng kahulugan.