Bawat yugto ng buhay, May pag sisisi na ikaw lang makakaalam. Bawat ipit ng sikmurang gutom dahil sa kawalan ng pagkain. Minsan di mo talaga alam kung saan patungo itong kwento na ito pero minsan iniisip ko May nilalaman din ito. Sa bawat bahagi ng kaisipan May sasakyan sa bawat sulat ng aking naiisip.
Hirap ng buhay. Nag sasahod ka para mga bayarin. Swerti mo nalang kung May kakayahan ka nakapasok sa mga malalaking kumpanya. Pero kahit ganun, mas malaking kumpanya mas malaki rin gastusin. Iwan ko lang kung totoo. Mga bagay minsan sa iba ko nakikita at nararamdaman pero minsan naranasan ko na mawalan ng pera at May dumating na shoppee rider at ako hinahanap dahil sa order ko na hindi ko napaghandaan. Langya buhay ito.Anyway masaya naman kahit papano kahit marameng pag subok at minsan mahirap ang buhay kahit papano.mas pinili ko maging masaya kaysa maging malungkot dahil sa kawalan ng pag asa. pinilit ko maging matapang sa lahat ng pag subok sa buhay. di rin ako nakapag tapos ng pag aaral dahil na rin sa mga ibang dahilan. kaya ng hinarap ko ang reyalidad ng bilang mang gagawa? dun ko naisip na hirap pala maging isang magulang. mga bagay na akala mo madali pero simula nung ikaw na kumakayod para sa pamilya mo dun mo naisip na napaka tatag ng mga magulang natin at naibibigay ang mga luho natin nung bata. nag sumikap sila para may makain tayo sa ibabaw ng mesa, mabigyan ng sapat na pera para makabili ng laruan para makasabay sa mga bata may bike or ibang bagay, isama mo pa ang bagong damit tuwing may birthday ang kaptibahay mong tsismosa. diba ang galing mga magulang natin. ang sarap nila gawing pag asa nung tayo na ang naging magulang. mahirap pero masaya lalo kung may nag hihintay sayo sa bahay at makikipag laro sayo kahit anung pagod mo napapangiti ka nalang kahit kulang kayo sa pag bayad ng kuryenti, pero okay, tuloy pa rin ang laban kahit ganun,
dun mo naisip ang buhay hindi ganun kadali kung ikaw na mismo gumagawa ng paraan para kumita.sa mga oras na ito naramdaman ko ang sakit ng mawalan ng magulang, mga bagay na sa huli mo nalang maiisip na sana kahit papanu nakakasama mo ang mga magulang mo nung silay nabubuhay pa. masakit talaga na di mo alam. parang gusto sumigaw sa sobrang lungkot na mararamdaman mo, mga sandaling maalala mo ang mga bagay na kasama mo ang magulang mo, mga masasayang alaala na hindi mauulit pa. dun maiisip na kahit anung yaman mo sa mundong ito never mo mapapalitan ang sarili mong magulang, kahit saan ka man dalhin ng tagumpay kung walang magulang mahirap makamtan ang totoong saya. lageng may kulang sa paligid dahil nawalan ka ng isang part sa buhay mo na naging ilaw ng mundo, naging tulay upang makisabayan sa lipunan. sa dameng nangyari sa buhay ko ngayon, dun ko nalang naisip masakit pala mawalan ng magulang pero part saakin na masaya din dahil kasama na sya ni lord at sa paraiso, pero nakakaiyak talaga, talagang sinundo na sya ang papa ko, namatay ang papa ko dahil sa kidney failure nung march 8, 2021, sumunod naman ang mama ko june 29, 2021 dahil sa atake sa puso. pero sabi ng dr. masyadong nalungkot si mama sa pagkawala ng papa namin. di ko alam pero damang dama ko ang bawat sakit. pilit ko nilalabanan ang sakit, mga nakasanayan na kapag may problema ako, tatawag kay mama, "ma nalulungkot ako, uwi muna ako dyan" mga ganyan salita, at sasabihin ni mama. "sige na uwi ka muna dito at ng marelax ka muna.
pilit ko sinasanay ang sarili ko na wala na sila di ko lang maiwasan maging malungkot ng sobra. mga bagay na sana, na sana nakauwi pa ako sa mga huling sandali ni mama at ni papa. umuwi ako ngunit di kuna naabutan ng buhay ang mga magulang ko, kaya bawat byahe ko, unti unti ako nilalamon ng sakit at mga alaalang nag papatangay saakin ng saya at lungkot, saya sa mga memories, lungkot dahil hindi na mauulit. kayat pag sisikapan ko na bawat yugto ng aking pag sususlat ay mag kakaroon ng silbi sa mga taong nag iisa sa mundong ito.
BINABASA MO ANG
SINO BA AKO?
Adventureisang aklat na nag hahanap ng katanungan sa bawat yugto ng buhay ng tao? mga bagay na nag kakaroon saysay sa matinding determinasyon sa bawat bagay sa mundong nilalakbayan ng bawat taong nag hahanap ng kahulugan.