Chapter 2

1.3K 62 20
                                    

"Her name is Silvanna Corpuz, grade 10 na siya at nasa pilot section. Sayang hindi mo siya napasalamatan, umalis rin kasi agad siya nung maging okay ka na."

Those were the words came from the nurse in the infirmary when he asked about the girl who saved him. Sa kabutihang palad ay kilala ng nurse ang babae dahil naging suki din daw ito noon ng infirmary, madalas daw kasing napipilayan o nadidisgrasya ang dalaga noong first year pa nito sa paglalaro ng soccer. Nang madala siya nito sa infirmary ng school ay nawalan siya ng malay kalaunan. Pagkagising niya ay wala na ito at tanging ang nurse lang ang naiwan sa tabi niya.

A week passed since that incident happened at magmula ng araw na 'yon ay lagi na niyang pinapanuod si Silvanna maglaro sa soccer field. Nakaupo lang siya sa malayo at kontentong tinatanaw ito. Wala siyang lakas ng loob lumapit, napapangunahan siya ng kaba at takot.

Her presence is intimidating, kahit na sa malayo niya lang ito nakikita ay ramdam niya ang bigat ng presensiya ng dalaga. Katulad ni Zipporah ay nakakapangliit ang anyo nito lalo na ang tangkad pero masasabi niyang mas malakas ang awtoridad ng mga blangkong mata ni Zipporah. Ang mga mata ni Silvanna ay mapupungay at laging tinatamad. Hindi blangko ang mga mata nito ngunit hindi rin madaling mabasa.

And she's more expressive, minsan nakikita niya itong napapangisi at pagak na tumatawa kapag maganda ang laro. Halata dito ang lakas ng kumpyansa. She got the talent and skills. Nangingibabaw ito sa lahat ng players dahil sa liksi at bilis nito.

"Vanna is really hot, dude." Lumingon siya sa grupo ng mga high school na lalaki na nagkukumpulan sa katabi niyang bench at nanunuod rin sa laro. Nakatuon ang mga mata nito kay Silvanna na kasalukuyang nagpupunas ng pawis.

"And feisty. Narinig nyo 'yung ginawa niya last week kay Baron? She must've kicked the ball too strong dahil hanggang ngayon hindi pa rin nakakapasok si Baron."

"Baka na coma sa lakas ng impact." Nagtawanan ang mga lalaki.

Sumagi sa isip niya ang kalagayan ni Baron. Isang linggo na niya itong hindi nakikita dahil isang linggo na rin itong absent. Last thing he heard, sinugod ito sa ospital. Hindi niya nalaman kung malala ba ang tinamo. And somehow, Baron's absence made him feel at ease. Naroon pa rin ang kaliwa't kanang pangguguyo pero nabawasan kahit papano dahil wala si Baron. At hindi na rin siya si Gideon na paboritong i-bully ni Baron, everyone talked about him as the kid Silvanna saved from the young Hontiveros.

Muli siyang tumingin kay Silvanna. Naalerto siya nang matapos na ang laro, ang grupo ay saglit na nag- usap kasama ang kanilang coach bago sabay na naglakad paalis ng field. Pasimple siyang sumunod, maintaining a safe distance between them. Pumasok ang grupo sa shower room ng school na nakalaan para sa mga players. He waited patiently outside.

Tulad ng inaasahan, unang natapos at lumabas si Silvanna matapos ang sampung minuto. Hawak nito sa kanang kamay ang gym bag na nakasakbit sa balikat habang tamad na naglalakad. Nakasuot na ito ng uniform. Sinundan niya ito. Alam na niya kung saan ito papunta. Sa locker.

From 9 am to 5 pm ang practice ng soccer team, 12 pm ang break time at 1:30 pm ang call time ng pagbalik nila sa school. Kasabay ng break time nila ang uwian ng AM shift students tulad niya. Mahaba na ang practice time ng mga ito dahil next month na ang sports tournament na gaganapin din dito sa Academy.

Minutes later, narating nila ang locker area. Binuksan ng dalaga ang locker nito at kinuha ang isa pa nitong bag mula sa loob, habang siya ay maingat na nagtatago sa pader ilang metro ang layo mula dito. Saktong pagsara nito ng locker ay ang pagtunog ng bell, tanda na uwian na.

Unti- unting nagsilabasan sa hallway ang mga studyante kaya ipinokus niya ang tingin kay Silvanna dahil baka mawala ito sa paningin niya. Nang magsimula ulit maglakad ang dalaga dala ang dalawang bag nito ay tahimik siyang sumunod, dala niya ang kan'yang bag sa likod at yakap yakap ang ilang libro sa dibdib.

His Profound DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon