Chapter 1

1.8K 68 16
                                    


Gideon wandered his eyes around his schoolmates who were surrounding him. Lahat sila tumatawa, humihiyaw sa tuwa at pangungutya. Ginawa nang katuwaan ang pagbabato sa kan'ya ng mga bolang papel. And just like before, he was too weak to fight.

Napapikit siya nang may tumama sa noo niya na malagkit na bagay. Isang nginuyang bubble gum.

"Three points!!"

"Booo!!!"

"Adler loser!!"

Muli siyang dumilat at ibinaba ang tingin sa sahig. Sooner, everything will be over so he just have to wait. Ganito naman araw araw. Pagsapit ng break time ay sasalubungin siya sa hallway ng mga studyante sa iba't ibang section at pagbabatuhin siya ng papel. At tulad sa mga nobelang nabasa niya, laging missing in action ang mga teacher nila.

Napabuntong hininga siya. He's thinking when these bullying will finally come to an end. It was a year ago mula nang pagdiskitahan siya at maging puntirya ng mga ito. Naranasan na niyang mabato ng papel, ballpen, pentel pen, board eraser, etc. at ikulong sa locker, paliguan ng tubig, pagtaguan ng bag at laitin ng paulit ulit. Kailanman hindi siya pumatol o lumaban sa mga iyon pero hindi ito natigil. Everyone seemed to become obsessed of making fun of him.

It's cliche and cringe. He can't believe these students. Sa murang edad imbis mag- aral magsulat at magbasa, nagsasayang lang ang mga ito ng oras para pagkatuwaan siya. Most of the students were spending much efforts to hurt and oppressed him. And all of that were to impress Baron, his prime predator.

Nang tumunog ang bell tanda na tapos na ang break time ay mabilis na nagsitakbuhan ang mga studyante papasok sa kan'ya kan'yang room. Naiwan siya sa gitna ng hallway kasama ang mga bolang papel na nakakalat sa sahig.

Muli siyang napabuntong hininga bago inisa- isang pulutin ang mga kalat para itapon sa trash bin. He don't want to leave those papers on the ground. Ayaw niya ng kalat kaya kahit hindi niya basura pinupulot niya para itapon sa tamang basurahan.

Sa gitna ng pagpupulot ay bigla siyang natigilan nang makita ang SSG President ng junior high school level na kalmanteng naglalakad sa gitna ng hallway. It was Zipporah Vein Hontiveros, the coldest girl of the academy.

Gaya ng lagi nitong itsura, maayos na nakasuot sa dalaga ang school uniform nito. Malinis at pulidong naplantsa ang above the knee nitong black skirt, at long sleeves na polo uniform na pinatungan ng black blazer at neck tie. Nakalugay ang lagpas balikat nitong buhok at walang kahit anong kolorete sa mukha.

No one can deny her explicit beauty but aside from that, everything in this girl induces intimidation. Hindi ito yung tipong nakakatakot dahil lang lower grade siya habang ito ay nasa last year na sa high school. Natural ang nakakaintimidate nitong awra na kahit sa malayo ay ramdam na ramdam na niya ang panliliit. Hindi ito mukhang suplada o masungit dahil napaka neutral lang ng ekspresyon nito.

Kilala ang dalaga sa buong Hontiveros Academy dahil bukod sa ito ang unica ija ng Hontiveros Clan, usap usapan din ang pagiging mailap nito sa mga tao. Like him, she was distant and lone, ang pinagkaiba lang nila ay pinili nitong maging mag- isa habang siya ay gustong makisama sa mga kaedad niya pero hindi niya lang alam kung paano. Nakarating na lang siya ng Grade 5 pero wala pa rin siyang kaibigan.

Gideon expected her to stop and ask him what happened but she didn't. Tuloy tuloy itong naglakad palampas sa kan'ya, not even giving him a glance. Hanggang sa mawala ito sa paningin niya'y hindi man lang niya nakitang lumingon ang dalaga.

Bumagsak ang balikat niya. He's getting sick of everyone bullying him.. but he has nothing to lean on.

"OH ADLER, nandito ka pala."

His Profound DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon