Chapter 3

1K 54 14
                                    

"ADLER!" Masiglang naglalakad papasok sa school si Gideon nang may tumawag sa kan'ya. He turned to the voice, only to see Baron na nagmamadaling naglalakad palapit sa kan'ya. May benda sa ulo at galit na galit ang mukha.

And to his surprise, wala siyang naramdamang takot dito. Unlike before na nangangatog ang katawan niya. Masyado yata siyang masaya para matakot ngayong araw.

"Bakit po, Kuya Baron?" Tanong niya, hindi nautal sa presensiya nito.

"May gana ka pa talagang magtanong?!" Baron recklessly grabbed his shirt. "Putangina ka! Sinong may sabing pwede mong lapitan si Silvanna?!"

Nanlilisik ang mga mata nito habang matalim na nakatingin sa kan'ya. His brows furrowed.

"Hindi po kita maintindihan.. Kuya."

Tila lalo itong nagalit sa sinabi niya.

"Nakita ko kayo kahapon sa likod ng school. Inaakbayan ka pa niya at talagang sumama ka sa kan'ya! Akala mo ba ililigtas ka niya sa'kin?! You think she would protect someone as weak as you?!"

"Hindi ako mahina.." kiming sagot niya.

"Talaga ba!?" Marahas siya nitong binitiwan kaya malakas siyang natumba sa lupa.

"You can't fight for yourself. You can't even beat me. You're a hopeless and a powerless kid. And now, umaasa ka pa sa isang babae na ipagtanggol ka." Puno ng disgusto at galit ang mukha nito. Towering him with Baron's built and length.

"I don't need anyone to protect me. In the first place, wala naman po akong kailangan ipaglaban. Hindi ko po kasi kailangan manakit ng iba para lang ipakitang malakas ako." Mahinang aniya. Lalo namang sumama ang timpla ng mukha ni Baron, nagtagis ang panga at tumalim ang mga mata. Mariing nakakuyom ang mga kamao.

"Hindi mo ako kilala, Adler. You don't know what I'm capable of doing, kaya kung ako sayo, lalayuan ko si Silvanna." Baron glared at him with full of wrath.

"Layuan mo siya kung ayaw mong sirain ko ang buhay mo." Banta nito, sinamaan siya ng tingin bago umalis.

He won't deny that he felt a bit scared to him. He's Baron Hontiveros and he has all the power to do anything he wants. Possible nitong gawin ang mga banta nito sa kan'ya.. pero hindi niya ito mapagbibigyan ngayon.

Tumayo siya na parang walang nangyari at pinagpagan ang damit. Karamihan sa mga estudyante ay pinanuod lang sila, walang pakealam at ang iba ay tila nagustuhan pa ang nangyari sa kan'ya. Pinilit niya na lamang hindi magpaapekto at muling naglakad.

Ngunit imbis sa kan'yang classroom ay pumihit siya sa direksyon ng High School building, sa gusali ng mga grade 10 students.

Bigla ay gusto niyang makita si Silvanna. Hindi siya nakatulog agad kagabi dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na napapansin pala siya nito. Dalawa lang naman kasi siya sa school, either he's a nobody or everyone's favorite target.

Kaya din siguro walang gustong makipagkaibigan sa kan'ya dahil lagi siyang nabubully. Ayaw madamay sa kamalasan ng buhay niya.

Pero iba si Silvanna, iba ang mga tamad nitong mata kung tumingin sa kan'ya. Para lang siyang normal na bata sa paningin nito. Hindi 'yung nabubully at nobody.

"How are you, Zipporah? Nakakatulog ka pa ba sa pagrereview?"

Natigilan siya sa paglalakad nang matanaw si Zipporah sa labas ng women's restroom. Kausap nito ang pamilyar na babae na nakita niyang kausap ni Silvanna kahapon, si Feary.

Mabilis siyang nagtago sa isang pader at maingat na sinilip ang dalawa. May kung ano sa loob niya na gustong pakinggan ang usapan ng mga ito.

Hindi sumagot si Zipporah at nanatili lang ang diretsong tingin sa kausap.

His Profound DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon