Prologue

7 0 0
                                    


Sa isang madilim na pasilyo, hingal na hingal na tumatakbo ang mag-inang Shawn at Sheena habang sila ay hinahabol ng dalawang 'di kilalang tao na balot ng puting kasuotan ang buong katawan.

"Mama pagod na akong tumakbo" sabi ng siyam na taong gulang na si Shawn sa kaniyang ina.

"Sandali lang anak malapit na tayong makatakas sa kanila, halika rito at bubuhatin na lamang kita." sagot naman ng kaniyang ina na si Sheena.

Gaya ng kaniyang sinabi ay kinarga niya ang kaniyang anak upang makatakas sa dalawang 'di kilalang tao. Pumasok sila sa isang kwarto at nagtago sa ilalim ng kama nito. Humarap ang kaniyang ina kay Shawn na naluluha.

"Anak, dito ka lang ha. Kung anuman ang mangyari sa'kin lagi mong tatandaan na nandito ako para protektahan ka naiintindihan mo?" sambit nito sa kaniyang anak.

Tumango si Shawn bilang pagsang-ayon.  Lumabas si Sheena sa kanilang pinagtataguan at sinabihan ang anak na 'wag gagawa ng anumang ingay. Ilang minuto lang ang lumipas natunton na sila ng dalawang 'di kilalang tao ang kwartong kanilang pinasukan at matapang na hinarap ito ni Sheena.


"Ara, ang traydor sa aming organisasyon." Maawtoridad na sabi ng isa sa dalawang 'di kilalang tao. 

"Leo pakiusap!! Kahit ako na lang ang patayin mo! 'wag na ang aking anak. Leo, Draco. Pakiusap 'wag niyong kunin ang buhay ng aking anak." Pagmamakaawa ni Sheena sa dalawa ngunit isang ngiti lang ang binigay nila...

Ngiting handang kumuha ng buhay.


"Ngunit Ara, Kung aming bubuhayin ang iyong anak darating ang panahon na magiging banta siya sa organisasyon.. Kaya naman..." pambibitin nito at itinutok ang baril na kanina pa niya hawak sa babaeng si Sheena.

"Nasaan ang iyong anak!!!" Sigaw ng lalaking pinangalanan ni Sheena na Leo.

"Hi-hin---di ko a--lam.. Sinabi ko, sinabi ko sa kaniya na maghiwalay kami at maghanap siya ng matataguan sa Mansiyon na ito." Nangangambang pagsisinungaling ni Sheena sa kaniyang kaharap.

"Draco" pagtawag ni Leo sa kaniyang kasamahan.

"Bakit Leo?" Sagot nito.

"Halughugin ang mansiyon at hanapin ang bata!!" maawtoridad na utos nito,

"Masusunod."

Nilisan ni Draco ang Kwarto at nagsimula ng hanapin ang batang si Shawn.

Isang bala mula sa baril ni Leo ang pinakawalan niya at tumama ito sa kaliwang dibdib ni Sheena. Namutawi ang ingay na nalikha galing sa baril at binasag ang katahimikan sa mansiyon. 

 Ang batang si Shawn naman ay naiiyak at sinusubukang hindi makagawa ng ingay sa ilalim ng kamang kaniyang pinagtataguan.. Nakita niya ang pagtulo ng dugo mula sa kaniyang ina at ang unti-unting pagbagsak nito sa sahig. 


Kinalabit muli ni Leo ang gatilyo ng kaniyang baril at sinundan pa ng isa.

Nang sinigurado na ni Leo na hindi na nahinga pa ang babaeng si Sheena, kinuha niya ang kaniyang telepono at tila may tinawagan siya upang kausapin.


"Hello Boss" sambit ni Leo.

"Napatay ko na ang traydor na si Ara ngunit ang anak ay hindi pa namin nahahanap. Maari ko bang sunugin na lamang ang mansiyon  upang maging abo na lahat ng naririto kasama na ang anak ng babaeng traydor na ito!!" Sambit muli ni Leo.

"Maraming Salamat Boss" 


Matapos nito ay pinutol na ni Leo ang linya at nilisan ang kwarto. Lumabas naman ang nangingiyak na si Shawn at pinuntahan ang wala ng buhay na si Sheena. 


Gaya ng iminungkahi ni Leo sa kaniyang amo, Sinunog nilang dalawa ang buong mansiyon kasamang naging abo ang katawan ni Sheena ngunit ang batang akala nila ay naging abo na rin ay nakaligtas at nagtanim ng galit sa kanila...


na 'di naglaon ay naging poot.

Case UnsolvedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon