The Men in White
Shawn's pov.
"Shawwwn!! Ano pa ang ginagawa mo riyan!! Malalate ka na sa School!!" sambit ni Lolo na kanina pa nanonood ng Detective Satorou's Case.
Mahilig na mahilig siya sa mga detective pero para sa'kin isa lang silang tao na nagbibigay ng konklusyon at sinusulusyunan ang mga kasong kaya nilang sulusyunan at kapag hindi na nila kayang iresolba ang kaso kanila itong titigilan at mananatili na lamang itong misteryo.
Si lolo ang nag-ampon sa akin simula ng naging ulila ako kaya kahit taliwas ang paniniwala namin sa Detective ay hindi ko magawang magalit sa kaniya. Siya na lang rin ang tinuturing kong pamilya kaya naman ayaw kong mawala pa siya sa akin kahit na hindi kami magkadugo.
Ang tatay ko ay isa ring Detective ngunit namatay sa kalagitnaan ng isa sa kaniyang mga kinakaharap na kaso kaya naman masasabi kong may sumpa ang pagiging Detective dahil nagdadala lang ito ng madugong katapusan kaya naman hinding-hindi ko tatahakin ang tinahak ng aking ama at mag-eenjoy ako sa buhay ko bago pa man ako mamatay.
Nakatanggap rin ako ng imbitasyon mula sa isang sikat na paaralan, ang BloodHound University o mas kilala bilang B.H.U. Maraming kilalang tao na sa unibersidad na aking nabanggit nanggaling. Kilala ang University bilang nangungunang Unibersidad sa buong Asya at matatagpuan ito sa bansang Pilipinas. Ang alok nila na iyon ay tinanggihan ko at pumasok sa isang simpleng unibersidad.
Habang naglalakad papuntang paaralan ay biglang ang buong sistema ko ay nanginig ng makita ko ang dalawang lalaki sa kabilang kalsada na patawid sa kalsadang kinaroroonan ko. Ang katawan ko ay nanigas at hindi ko magalaw ang aking mga paa para tumakbo.
Kilala ko ang dalawang ito!! Puting sumbrero, puting roba, puting sapatos. Walang duda sila ang pumatay sa aking ina!!
'Bakit sila nandito? Nalaman na ba nila na buhay ako? Anong gagawin ko?' sambit ko sa aking isipan
Papalapit sila nang papalapit sa akin at pabilis naman nang pabilis ang tibok ng puso ko. Pinagpapawisan na rin ako at ramdam ko ang kagustuhan nilang pumatay ng tao.
Akala ko iyon na ang katapusan ko ngunit nilagpasan lang nila akong dalawa at tila hindi ako nakilala. Papunta sila sa direksyon kung saan ako naroroon kaya naman agad na pumasok sa isip ko si Lolo.
Nawala bigla ang aking kaba at kusang kumilos ang aking katawan. Tumakbo ako papunta sa Shortcut sa aming bahay at walang ibang inisip kung hindi makarating agad sa aming bahay.
'Hindi maari!! ayaw kong pati si lolo ay mawala sa akin!! hindi ko hahayaan na mamatay siya sa kamay ng mga pumatay sa aking ina!! hinding hindi!!'
Nang makarating sa bahay ay agad akong nagsisigaw..
"LOLO!!!" sigaw ko ng malakas at nagpatuloy sa paghahanap.
Sumagot naman siya at nagmula ang tinig sa kusina kaya agaran ko itong tinahak. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at hinila siya!!
"Ano ba Shawn!! Anong gagawin mo at bakit ka bumalik!!"
BINABASA MO ANG
Case Unsolved
Misterio / SuspensoThe mother of a 9-year-old kid named Shawn Spade was been shot in front of him by a man covered in white clothes. 10 years later he was invited to be one of a student of a Prestigious school, BloodHound University (BHU), however, he declines the off...