Palaisipan

33 6 0
                                    

Sa gitna ng gabi, tayo'y nagkausap,
Naging magkaibigan kahit di magkaharap,
Habang ang iba'y tulog ng mahimbing,
Ang mga diwa nati'y gising na gising

Kaibigan, 'yan ang turing ko sa'yo
Nagkaroon ka ng puwang sa puso ko
Lahat ng sinabi mo, naniwala ako
Kaibigan, akala ko ika'y totoo

Kaibigan, nasaan ka na?
Ikaw ba ngayon ay masaya?
O tulad ko, ika'y hindi rin mapakali
Dahil alam mo ang 'yong pagkakamali

Kaibigan, ikaw daw ay huwad
Buhay mo raw ay isang aklat
Isang imahinasyon, isang ilusyon
Isip ko ngayon ay gulo, puno ng tanong

Kaibigan, sana'y iyong masagot
Mga tanong na sa puso ko'y nakabaon
Sana malaman ang katotohanan
Pagkat masakit ang mapaglaruan

Kaibigan, kami ngayo'y nasasaktan
Pagkatao mo pala'y isang palaisipan
Katauhang balot ng kasinungalingan
Pagmamahal namin sayo'y nasayang

Subalit sa kabila ng mga nangyari
Heto ngayon, umaasa pa rin kami
Na kahit sa huling sandali
Ang katotohanan ay iyong masabi

Kaibigan, buhay mo man ay palaisipan
Pagmamahal namin sa'yo ay makatotohanan
Kaibigan, buhay mo man ay huwad
Tandaan mo, ika'y aming pinapatawad

Wandering ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon