Ang Buhay ng Tao

62 24 3
                                    

Ito'y kwangis ng gulong,
O maging ng isang guryon;
Punom-puno ng pagsubok,
At kung minsan pa'y marupok.

Ang daa'y puno ng tinik,
Na laging hadlang sa atin,
Tila gulong na titirik,
At ikaw ay ibibitin.

Maraming madadaanan,
Ngunit puro panlilinlang;
At sa isang maling hakbang,
Ika'y walang pupuntahan.

Ngunit 'yong pakatandaang,
Ang kailangan mo'y isipan,
Pagkat ang buhay ay ganyan,
Puno ng panlilinlang.

~~~~~~~~~~~

Written: 09/02/08, High School

Wandering ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon