Libangan lang pala

65 27 16
                                    

Palakad-lakad, nakatingin sa kawalan
Pilit na bumabalik sa'king isipan
Masasakit na salitang iyong binitawan
Sa isang iglap, ako'y naging luhaan.

Akala ko noon, tayo na habang buhay
Mundo ko'y ginawa mong masaya't makulay
Ngunit ang saya'y panandalian lang pala
Nalaman ko'ng ika'y may mahal nang iba.

Ang salitang "Mahal kita" na dati'y musika
Ngayo'y parang patalim na sa puso ko'y humihiwa
Hindi ko mawari, ni hindi ko mabatid
Saan nga ba nagkulang, o sadyang ika'y manhid

Ngayon ako'y nag-iisa, walang makapitan
Sapagkat itinakwil ng sariling magulang
Sapo ang aking tiyan, ako'y napaluha
Diyos ko, ikaw na po ang bahala.

Wandering ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon