Prologue

445 28 1
                                    

"Ang campus na tanging cute lamang ang maaaring mag enroll."

Iyan ang pangunahing patakaran ng Campus Supreme Student Goveenment. Mayayaman lamang ang nakapag-aaral dito; anak ng mga negosyante, politiko, artista at iba pa. Mga estudyenteng naka-make-up, fit uniform at black shoes na may takong. Bagay naman sa kanila dahil lahat sila ay hindi maitatanggi na magaganda't gwapo.

Sa campus na to hindi uso ang hagdan; elevator ang gamit pataas man o pababa ang destinasyon mo. Fully developed rin ang bawat kagamitan na narito at tablet o 'di kaya'y laptop na ang gamit ng mga estudyente kapalit ng notebook at ballpen. Mataas rin ang antas ng pananalita ang gamit rito—ingles.

Sa maka-tuwid, ang "Campus Ng Mga Cute" ay hindi para sa mga ordinaryong tao. Labanan ng ganda, yaman at kaalaman ang narito. At kung hindi mo maku-kumpleto ang tatlong iyan, talo ka.

Ngunit pano kung may isang bagohang estudyante't sabihin nalang natin na di kaayaaya ang mukha "Panget" ang naka-pasok sa "Campus Ng Mga Cute."

Ano kaya ang magiging buhay niya sa loob ng paaralan na ito?
Mala fairytale ba dahil siya ang isa sa pinaka-mayamang estudyante rito o delubyo dahil siya ang kauna-unahang estudyante na "panget" nakapasok rito?

At paano nga ba siya naka-pasok sa "Campus Ng Mga Cute"?

Ating subaybayan ang kaniyang kuwento....

Campus Ng Mga CuteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon