- ❈❈❈ -
"sam, sam gising na" nagising ako dahil sa pagtapik tapik sakin ni mama
"10 minutes ma" sabi ko sakanya habang pipikit pikit pa yung mata"Kanina pa nag ri-ring yung alarm mo tsaka mag 7:30 na ano kaba, papasok kaba o hindi?"
Napamulat ako ng wala sa oras nung sinabe ni mama yun at dali-daling tumayo agad para makaligo kasi 8:30 yung pasok ko, naalala ko din bigla na kailangan ko pa lang pumasok ng maaga dahil ngayong araw yung usapan namin na maguusap usap kami ng mga ka-grupo ko para sa group activity namin sa isang subject.
Maga-galit na naman si Eva (yung leader namin) kasi na-late na naman ako.
2nd year college nako this year dito sa Nostrade University.
Psychology student same course kami ni andeng pero di kami magka-section.
Pangarap ko talaga maging doctor simula grade school pa, gusto ko din kasing alagaan si mama lalo na pag may sakit na siya ako yung nagiging nurse niya. Ayokong ipagkatiwala sa ibang doctor kung sakali man dumating yung panahong may malala siyang sakit.
Maganda yung dorm sa univ, pinipilit nga ako ni mama na mag dorm tapos uuwi nalang daw pag weekends pero ayoko medyo malapit lang naman kaya bat pako magdo-dorm.
"Anong oras kana naman siguro nakauwi kagabi no? Ilang beses na yan sam ah, baka puro pag fa-fangirl nalang yang inaatupag mo at napapabayaan na pag aaral mo" panenermon sa akin ni mama
Aga aga sermon agad yung bungad
"Ma di ko naman pinapabayaan eh" sagot ko sakanya habang kumukuha na ng damit pamasok
"Sige lang sam sigurduhin mo lang basta lagi kong sinasabe sayo na -
Kailangan mong makatapos ng pagaaral / Kailangan mong makatapos ng pagaaral" pang-gagaya ko sakanya
Okay naman si mama supportive siya lahat ng gusto kong gawin lalo na sa pag fa-fangirl ko minsan siya pa mismo nagbibigay nang pambili ko ng merch.
Sobrang swerte ko kay mama lalo't na nagiisang anak lang ako, kaya siya nalang ang meron ako. Iniwan kasi kami ni papa para sa ibang babae kaya kahit na ganun ang nangyari binuhay niya parin ako ng maayos at minahal ng sobra kahit na nagiisa kaya proud ako sakanya.
"Ma pagbaunan mo nalang ako ng breakfast para maka-alis nako agad baka kasi ma-late ako. Yun lang Salamat" dagdag ko pa bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ko bago din ako makapasok ng banyo
Pagkatapos kong makaligo at makapag asikaso dumiretso nako sa baba.
"Oh ito na baon mo para sa lunch tapos ito yung breakfast mo" bungad na sabi ni mama pagkababa ko dahil nakahanda na agad yung baon ko
"Bat dalawa?" Tanong ko nang pagtataka
"Para maka-tipid ka sa allowance mo at makapag ipon para rin mabili mo yung mga gusto mong merch o mga gusto mong mabili. Kaya lagi kana lang magbabaon" sabi ni mama ng nakangiti
May allowance na nga may baon pang pagkain... wowiee
"Yieeee, thank you ma" sabi ko at pumunta ako sakanya para ikiss at hug siya. Kumalas naman ako agad at kinuha ko na yung mga gamit ko pati na baon para makapasok na
"Ay ma next week bigayan na ng report card pumunta ka ah. Byeeee" pahabol ko pa at tuluyan ng umalis.
Andrea sent a message...
"Asan ka na?"
"otw na ko, kita nalang school may utang kapa saking kwento" -reply
Andrea sent a message...
YOU ARE READING
ONCE A FANGIRL [ SB19_JOSH FANFICTION ]
Fanfiction" What will happen when you're a fan of a group for how many years and you found yourself dancing and singing with the heartbeats that you found in the carpet of precious memories? " Paano naman kung minahal mo ang kahulugan ng mga kanta, pati narin...