— ❈❈❈ —
SAM'S POVAndito na kami ngayon sa SB hotel na pinagtutuluyan namin ni andeng mga 6:00 am, kakadating lang namin kaya ito bagsak agad katawan namin dito sa kama. Naligaw pa kami kanina, maling hotel yung pinuntahan namin kaya nakapag roadtrip kami ng wala sa oras. Wala kasi yung service eh kaya kami na mismo yung nag grab papunta mismo sa hotel.
"Nagugutom kana ba sam?" Tanong sakin ni andeng
"Hindi eh mamaya na, inaantok ako gusto ko matulog" sabi ko sakanya
Natulog na muna kami. Mamaya nalang siguro kami mag gagala pag may energy na kami.
Hapon narin nung nagising ako. Nauna si andeng nagising sakin, sabi niya hinayaan niya nalang muna ako makapag pahinga tulog na tulog daw kasi ako kaya hindi na niya ako ginising.
Pagkatapos naming dalawa mag-ayos bumaba na kami para maka kain.
Pagkapasok namin sa elevator may weird na lalaking nakasaabay namin, hindi ko alam kung anong trip nito para siyang ewan, panay ang sulyap samin ni andeng.
Balot yung mukha niya kaya di ko mapansin yung buong mukha, pati yung katawan niya parang katulad ko manamit patong patong. Matangkad lang siya sa amin ng onti.
Tagal naman bumukas
Pagkabukas ng elevator hinila ko agad si andeng palabas at nagpang-una na kami dun sa lalaki.
Ang weird niya
"Anong trip nun?" Tanong ni andeng sakin. Napansin din niya pala
"Ewan ko dun. Tara na nagugutom nako" sabi ko at hinila na siya.
Kumuha na kami ng pagkain at naupo sa pinaka malapit na lamesa
"San tayo after neto?"
"Punta tayo dun sa themed park nakita ko dun sa map na binigay sa atin kanina, medyo malapit lang yun dito eh. Tapos sa Fort San pedro"
"Sa last day nalang yung Fort San Pedro alam ko malayo yun dito eh, baka anong oras na tayo makauwi. Tapos daan tayo sa mga souvenirs, bibilhan ko si mama pasalubong"
"Pwede din, kaya bilisan na natin para makarating agad tayo dun. Madami ding rides yung masakyan natin"
After namin kumain ay umakyat na kami agad at nagpahinga muna saglet, nagpababa lang ng kinain saka nagbihis.
Nasakay na kami ngayon sa taxi, arte ni andeng eh mainit daw kasi. Di narin ako pumalag siya naman magbabayad HAHAHA.
Nandito na kami ngayon sa ANJO World Themed Park malaki din siya tulad ng inaasahan ko.
"San uunahin natin?" Tanong ni andeng habang naglalakad na kami
"Dun oh sa Anjo Eye" turo niya dun sa parang ferris wheel tapos ginigewang *yung nasa pic*
"Yan agad? HAHAHAHA" pag tawa ko sakanya.
"Panghimagas"
Extreme kasi agad, di naman sa takot yung mild lang muna saka mag e-extreme.
Nagkakasundo din kami ni andeng pag gantong nasa themed park kami lahat kasi ng rides sinasakyan namin, di namin inaatrasan. Parehas kaming walang takot lalo na sa heights.
Pumila na agad kami saktong onti lang yung tao kaya mabilis kaming nakapasok, sabay naupo.
Nag-enjoy lang kami ni andeng, after namin sa 4 na extreme rides, The Pharaoh (yung roller coaster, yun kasi yung tawag dito), Tower drop, Viking, at yung huli Boomerang (yung na angat baba basta yun). Napag desisyunan na naming kumain.
After namin kumain tinuloy na ulit namin. Lahat sinakyan at pinuntahan namin dito sa themed park.
Tibay din talaga ng kalamnan neto ni andeng eh
Naglaro din kami sa mga pa games, may mga panalo naman kami pero mostly nag sayang lang ng pera, hinuli na namin yung ferris wheel tapos umuwi na sa hotel na tinutulyan namin. Mag 6:00 na nung nakauwi na kami
Pagkapasok namin sa unit ay nagpahinga na muna na kami ng isang oras bago bumaba para kumain ng dinner.
After namin mag dinner umakyat na din kami ulit.
"Excited nako para bukas" sabi ni andeng habang nagla-laptop ako naman nagphone lang
"Syempre ako din takte yan"
"Sana madami tayong makuhang freebies dun no? Lalo na yung sa jah stans" "ikaw? Na handa mo na ba yung ipapamigay mo bukas, yung freebies ni josh?" Dagdag pa nito
"Ay oo nga pala buti pinaalala mo"
Tumayo nako at kinuha yung bag ko na naglalaman ng mga fan kit. Banner, photostrip, photocards at kung ano ano pa.
Gawain ko na to simula nung nagkaroon na nung naging fansite ako ni josh. Tuwing may show, events, tuwing birthday ni josh.
Hinanda ko na siya para bukas hindi ko na ulit siya malilimutan pag-aalis na kami, mahirap na.
Panay lang kami nuod ni andeng ng mga sb19 vids lalo na yung mga nakakatawang video nila. Hindi mo talaga sila mapagkakamalan na idol kasi sobrang down to eath nila lalo na sa personal sobrang humble lang nila. Tropa nga lang turing saming a'tin eh pero atleast tropa na bebe pa nila (ʃƪ^3^)
Maya-maya lang inaya ko si andeng lumabas bumili ng pagkain nagutom ako bigla
Mag 11:00 na pala tapos di pa kami inaantok eh maaga pa kami gigising bukas.
"Deng tara labas tayo bili tayo pares" sabi ko kay andeng na
naglalaro na ngayon ng codmNagutom ako bigla
"Anong oras na ikalma mo yang bituka mo" sagot niya sakin
"Dali na may malapit na paresan sa labas eh"
"Gabing gabi na sam bukas nalang" tanggi niya naman sakin
"Please dali na malapit lang naman yun huhu" hinihila ko na siya sa kama para sumama siya
"Bwisit na to, oo na wait lang kunin ko lang hoodie ko tapos wallet ko" sabi niya sabay tumayo na.
Kinuha ko rin yung hoodie at wallet ko saka kami bumaba na
Pumunta kami dun sa sinasabe kong paresan, medyo malayo layo pala siya asa unahan kasi banda. Maganda yung lugar kasi hindi siya yung sa gilid gilid lang may pwesto talaga tapos may mga mauupuan ka.
Pagkahanap namin ng pwesto nagvolunteer nako na ako na yung mag order sa counter.
After kong magorder pumunta na ko sa pwesto namin at kumain na kami
Ang sarap talaga mag pares pag gantong oras tapos malamig pa. Haaaaaays
Pagkatapos namin kumain ay nagpababa lang kami ni andeng ng kinain namin saka ko siya niyaya na maglakad lakad na. At umuwi na sa unit namin.
Pagkapasok namin ni andeng sa unit kinapa ko yung selpon ko para tignan sana kung anong oras na gusto ko na din kasi matulog.
Pagkapa ko wala sa bulsa ko
Hala tangina andaming importanteng laman nun lalo na yung mga pics ni josh na di ko inupload sa fansite ko. Nilipat ko kasi dun sa phone kasi pina-ayos ko yung laptop ko kaya yung mga pics na andun burado na lahat, nakalagay na lahat sa phone ko.
"Bakit?" Tanong sakin ni andeng
"Gagi deng wala yung selpon ko" sabi ko kay andeng
"Tanga mo, baka naiwan mo dun sa paresan" sagot niya sakin
Bigla ko naalala nilapag ko nga pala yun dun sa lamesa, may lagayan kasi ng selpon dun eh sa gilid, pag kakain kana para iwas matapunan.
YOU ARE READING
ONCE A FANGIRL [ SB19_JOSH FANFICTION ]
Fanfiction" What will happen when you're a fan of a group for how many years and you found yourself dancing and singing with the heartbeats that you found in the carpet of precious memories? " Paano naman kung minahal mo ang kahulugan ng mga kanta, pati narin...