- ❈❈❈ -
JOSH POVNakakapagod
Agad kong hiniga yung katawan ko sa sofa pagkapasok namin dito sa dressing room, sumunod naman sila jah sakin.
Ang bigat ng pakiramdam ko para akong lalagnatin na ewan.
Simula paggising ko to kaninang madaling araw eh. Hindi ako makabangon
Kakatapos lang ng event namin dito sa Ilo-ilo kaya ito pahinga na tapos mag-aayos ng mga gamit then ka-kain muna kami sa restau bago kami bumalik sa hotel na tinutuluyan namin dito.
Buti nalang maaga pa may flight pa kasi kami papuntang cebu, next mall tour namin. So tuloy-tuloy talaga kami.
Habang nakahiga ako nag check muna ako ng mga social media's ko sabay nag post ng mga picture ko kanina bago ako magbibihis.
Mag po-post narin ako ng mga pictures ko
"Jah!" tawag ko at lumingon naman ito at lumapit
"Alin dito yung mas maganda. Ito ba or itong isa?"
"Ito mas okay to, mukha kang matangkad"
"Sige sige"
Agad naman siyang bumalik sa ginagawa niya kanina. Actually si jah yung nag capture ng picture ko kanina, o sabihin na nating siya talaga yung photographer ko kadalasan, minsan naman si stell.
Magaling kasing kumuha si jah at kabisado na niya yung mga anggulo ko kaya di nako mahihirapan pumose.
"Josh bihis ka na malapit na matapos yung iba para maka-alis na tayo at makapag pahinga na kayo"
biglang sabi ng isa sa mga staff dito.Tumayo narin ako agad at sumunod.
After kong makalabas sa cr para makapagbihis ay tapos na silang lahat ako nalang pala yung iniintay para sabay sabay nang makalabas.
Lumapit isa sa mga staff sakin at binigay ang bag ko.
"Ayos na yan" sabi nito. Hehe buti nalang inayos na agad
Madami paring tao sa venue kaya medyo nahirapan parin kami makapasok sa van. Mga nagbibigay ng gifts, syempre tinanggap ko ang ilan dun tapos kumaway parin ako sakanila.
Sobrang thankful talaga ako sa kanila kasi unti unti na naming nakakamit yung mga pangarap namin, kung di dahil sakanila walang sb19. Sila mismo yung nagsilbing way para magpatuloy pa lalo.
A'tin yan eh
Nang makaalis na kami ng maayos sa venue ay dumiretso na agad kami sa restau tulad ng napag-usapan, nagugutom narin kasi kami snacks lang yung kinain namin kanina tapos tubig para daw hindi bumigat yung tyan namin kasi nagpeperform.
Nakarating na kami dito sa restau at pumunta na sa ni reserve na table, medyo matao na ngayon dito.
After namin maka order at nag intay lang kami ng ilang saglit, maya-maya lang dumating narin yung mga pagkain.
Nandito narin kami sa hotel, pinag impake na nila kami para mabilisan nalang pag kukuhain. Binigay narin nila yung airplane ticket at mukhang maling oras pa yung nakuha kaya magiintay pa pala kami ng 5 hrs para sa flight.
————
Kakarating lang namin ngayon dito sa SB HOTEL sa Cebu. Gusto ko ng magpahinga ng tuloy tuloy kaso di pa pwede, sobrang tight na talaga ng schedule namin puro mall show kada lugar, may paparating pang free concert after this. Syempre need paghandaan kahit sabihin na pang free concert yun. Ia-announce palang din siya for our promotion.
YOU ARE READING
ONCE A FANGIRL [ SB19_JOSH FANFICTION ]
Fanfiction" What will happen when you're a fan of a group for how many years and you found yourself dancing and singing with the heartbeats that you found in the carpet of precious memories? " Paano naman kung minahal mo ang kahulugan ng mga kanta, pati narin...