— ❈❈❈ —
Wednesday na ngayon 3rd sub ko na, kasabay ko ngayon si andeng papuntang lab. Nauna kasing natapos yung klase ko kaysa sakanya, kaya nag-text ako kanina sakanya na iintayin ko na siya para sabay na kami pupunta.
Medyo busy din ngayong week nato. Sobrang daming ipapasa, mga naghahabol lalo na yung mga may bagsak buti nalang hindi ako kasama dun kundi mawawalan ako ng scholarship pero kahit na ganun may kailangang padin akong ipasa. Dahil matatapos na yung 1st semester.
Bwisit din yung isang minor subject ko, si sir noel dinaig pa yung major subject sa daming pinapa-pasa.
Siguro pinag-lihi ata sa sama ng loob kaya ganun yun
Na-move din yung reporting namin sa friday nalang daw sabi ni Ms. Mendez sa gc mahahabol naman daw yung grades wag daw kami magalala, wala kasi siya kanina may inaasikaso daw kaya safe, kasi kinakabahan din ako lalo na sa mga itatanong niya grabe kasi yun mang-gisa hahanapan talaga ng butas yung report.
"Nai-istress nako sobrang daming ipapasa" pagrereklamo ni andeng na katabi ko ngayon, kakadating lang namin dito sa lab waiting na lang sa kay sir reyes
"Same, tapos may reporting pako"
"Kala ko tapos na? Edi ba ngayon yun?
"Sa friday nalang daw sabi ni ms."
"Ahh oks, pero yun nga nakaka stress lalo na kay sir noel yung baklang yun" reklamo niya pa
"Ay nagiging prof mo din pala yun bat di tayo magkaklase?"
"Oo prof ko, di ko din alam bat hindi kita kaklase eh so yun nga nagfi-feeling major subject na naman siya pero pagdating sa pogi hays ewan kupal siya"
"Hahahahaha gagi ka talaga pero sa tru lang"
Dumating na yung prof namin kaya tumahimik na kami ni andeng at nakinig
"Okay class, wala narin naman tayong gagawin kasi na submit niyo na rin naman yung last project niyo sakin, nai-discuss ko narin yung buong nasa syllabus ipapasa ko nalang yung grades niyo kaya ngayon sa time ko, gawin niyo yung mga ipapasa niyo sa iba pang subject niyo pero dito lang ako nakaupo" sabi ni sir reyes
WAAAAAH! Thankyou sir hulog ka talaga ng langit sana di ka pa kunin ni lord
Inumpisahan ko na yung project kay sir noel para matapos ko narin at magawa ko na yung isa pa, 3 yung ipapasa kay sir noel yung isa project yung isa naman yung sandamak-mak na pinapasagutan niya samin, at ang panghuli yung video speech umay di ba? Ganun din yung ginagawa ni andeng project din pero sabi niya inuna niya daw muna yung mga pinapasagutan tapos huli yung video pero ako yun yung inuna ko para di na hussle.
Meron pang ipapasa kay mam castro major sub naman yun, 2 yung ipapasa sakanya yung project tapos same kay sir noel yung pinapasagutan din.
Natapos na yung time kay sir reyes dito sa lab kaya bumaba na kami ni andeng dahil lunch break na.
"Sa canteen ba tayo kakain?" Tanong ko kay andeng
"Yoko muna sa canteen, dun nalang tayo sa favorite nating pinagkakainan kila aling berna kaumay yung ulam sa canteen"
"Sige pero may baon ako ah HAHAHA syempre makiki-share parin ako ng ulam"
"Okay na yan buti ka nga pinagbabaunan ka eh"
"Eh ma-pera naman kayo yaman yaman niyo"
"Yaman ka diyan tara na nga"
Tumungo na kami kila aling berna. Kung minamalas malas ka nga naman talaga, makikita mo pa si ungas.
YOU ARE READING
ONCE A FANGIRL [ SB19_JOSH FANFICTION ]
Fanfic" What will happen when you're a fan of a group for how many years and you found yourself dancing and singing with the heartbeats that you found in the carpet of precious memories? " Paano naman kung minahal mo ang kahulugan ng mga kanta, pati narin...