Chapter 1

18 0 0
                                    

Charlie's POV

Haist.. bakit umuulan? Kala ko maghapong mainit. Di pa naman ako nagdala ng payong. Nakakainis!

Pagkalabas ko ng mall naghanap agad ako ng may silong na pwedeng takbuhan papuntang bus stop buti nalang medyo malapit lang yun dito.

Nang makarating ako sa may bus stop nagpagpag agad ako buti nalang walang masyadong tao. Hinintay ko nalang dumating yung bus na sasakyan ko. Habang naglilibot ako ng paningin, nagawi ang tingin ko sa tapat ng bus station na station din. Gets niyo? I saw someone who is staring at me. Napatitig ako sa kanya, ewan ko ba pero feeling ko nagkita na kami. Matagal din kaming nagtitigan hanggang sa umalis na yung bus sa station ko at dun lang ako natauhan na naiwan na pala ako.

"Shet! Tss!" Maghihintay na naman ako ng 30 mins. Nilingon ko yung dahilan bakit ako naiwan ng bus kaso wala na siya. Inilibot ko yung tingin ko sa paligid pero wala na siya.

---------
Nakatambay ako ngayon dito sa Han river. After class dito ako dumidiretso. Di ko alam bakit ko to ginagawa para lang bang may nagsasabi sakin na pumunta ako dito. Kasi importante tong lugar na to yun nga lang hindi ko alam kung bakit. Nanunuod lang ako ng mga batang naglalaro sa tapat ng may lumapit sakin na lalaki at umupo sa di kalayuan sakin kaya napalingon ako sa kanya at laking gulat ko na magkikita ulit kami.

Napatingin siya sakin at saka ako nginitian na para bang magkakilala kami. Ang cute naman niyang mag smile bakit ganon? Amg cu-- ah hindi siya yung dahilan bakit naiwan ako ng bus nung isang araw.

"May dumi ba ako sa mukha?" Nangingiti niyang tanong sakin na ikinagulat ko naman.

"Wala.. ikaw yung nasa may station nung isang araw diba?" Paninigurado ko kahit alam kong siya naman talaga yon.

"Oo, naiwan ka ng bus diba? Sabi niya sabay tawa ng mahina.

"Oo, at kasalanan mo bakit ako naiwan!" Pagsusungit ko pero shet ang cute niya bakit naman ganon?

"Hala? Bakit ako? Ako ba nagdrive nung bus?" Nakangiti parin siya sakin.

"Ah! Oo nga kasalanan ko nga, sorry sa gwapo ko kasing ito napatitig ka kaya naiwan ka ng bus" sabay tawa niya.

"Kapal"mahinang sabi ko.

"Ano?"

"Sabi ko ang kapal mo. Feeling ka naman" pagsusungit ko parin sa kanya feeling di ka gwapo cute ka lang.

"Oh eh bakit mo ko tinitigan?"

"Ikaw unang tumitig kaya tinitigan din kita. Mamaya may binabalak ka pala maigi nang nakita ko mukha mo para in case no"

"Grabe napaka-judgemental mo naman. Sa itsura kong ito mukha akong masamang tao?" Natatawa niyang sabi sakin

"Oo, bakit ba kanina ka pa natatawa? Pinagtatawanan mo ko?" Pagtataas ko ng boses. Nakakainis to pasalamat nalang siya cute siya talaga. Napansin ko naman na tinitingnan ako ng mga dumadaang tao. Nagtaka naman ako sa reaksyon nila sakin kasi bigla silang magbubulungan. Bahala sila dyan.

"Wag mo silang pansinin" napatingin naman ako sa kanya. Kanina pa kami nag-uusap or should I say nagtatalo pero di parin kami magkakilala.

"Peter by the way" sabay lahad niya ng kamay sakin. Tiningnan ko naman yung kamay niya bago tumingin sa kanya.

"Charlie" sabay kamay ko sa kanya. Sobrang lambot ng kamay niya. Malambot pa sakin. Siguro walang ginagawa to sa bahay nila.

"Yung kamay ko" sabi niya.

"Ay sorry" sabay bitaw ko sa kamay niya.

A Star Fell from HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon