Nagrereview ako ngayon pero wala parin talagang napasok sa isip ko kundi yung pinagkwentuhan namin ni Peter. Napakasecretive niya pero ang gaan ng loob ko sa kanya para bang gusto ko siya laging makita at makasama.
"Charlie! Kakain na!" Sigaw ni nanay mula sa baba kaya inayos ko na muna yung gamit ko at lumabas ng kwarto. Paglabas ko ay napatingin ako sa kwarto sa dulo. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung ano ang nandon, di ko parin natatanong kay nanay kasi minsan nalilimutan ko.
"Charlie!" Sigaw ulit ni nanay.
"Pababa na po"
Binilisan ko na ang paglalakad at pumunta ng kusina.
"Upo na""Opo"
Nagsimula na kaming kumain hanggang sa naalala ko yung kwarto sa dulo.
"Nay, ano pong laman nung kwarto sa dulo, malapit sa kwarto ko?" Natigilan si nanay sa pagkain at napansin ko parang nagulat siya sa pagtatanong ko.
"Ah, yon? Storage room lang yun. Bakit mo natanong?"
"Curious lang po kasi ako. Di ko rin po kayo nakikitang pumapasok dun"
"Maalikabok kasi dun kaya di ko na pinupuntahan saka wala ka namang makikita don"
"Gusto niyo linisin ko po nay?""Naku, di na kailangan. Maayos naman yun, maalikabok lang saka. Malala ang rhinitis mo. Sige na ubusin mo na yang pagkain mo"
"Sige po"
------
Umakyat na ako para magreview ulit. Bago ako pumasok sa kwarto ko nilingon ko muna yung storage room daw. I sighed then enter my room.Magrereview sana ako ulit kaso tinatamad ako kaya nagscroll nalang ako ulit sa fb para hanapin ang sns ni Peter.
"Bakit ko ba hinahanap eh wala nga siyang phone" napaface-palm nalang ako sa ginagawa ko hanggang sa nakatulog na ako.
"Good morning nay, pasok na po ako.""Sige mag-ingat ka"
Lumabas na ako ng bahay at nagsimula nang maglakad papuntang bus stop.
"Hi" sabi ng kalapit ko kaya napalingon ako at laking gulat ko nang makita si Peter.
"Huh? Anong ginagawa mo dito?"
"Sasakay ng bus ano bang ginagawa dito sa station?"
"Pilosopo ka rin ih no?"
"Haha joke lang, may pupuntahan lang ako"
"Sasagot din naman pala ng matino" pagsusungit ko kunwari tapos sabay ngiti sa kanya.
"Tara na?" Pag-aaya ko kay Peter. Pagsakay namin ng bus iniscan ko na yung beep card ko twice tas tiningnan ako ng driver na parang nagtataka sa ginawa ko kaya nginitian ko nalang siya.
"Ang weird nung driver. Nakita mo yung tingin niya kanina sakin?"
"Bakit? Hindi ko nakita ih"
"Di bale nalang. Hindi ka ba uupo?"
"Hindi na, isave mo nalang yan sa next bus station maraming sasakay."
"Alam na alam mo ah. Regular ka bang commuter?" Nginitian na lang niya ako kaya ganon nalang din ginawa ko.
"Bababa na ko sa susunod ng station, Charlie""Okay. Ingat ka. See you later"
"See you"
Bumaba na si Peter. Inaninag ko nalang siya sa bintana.
--------
Pagdating ko sa classroom nagkakagulo mga kaibigan ko. Ang iingay talaga nitong mga to."Alam mo na ba ang news?" Bati agad sakin ni Nela.
"Bakit anong meron?"
"Mamaya i-didiscuss na yung sa internship natin! Naeexcite ako!" Sabi ni Kelly sakin na may kasama pang panghahampas.
"Kailangan talagang manghampas?""Yun parin ba yung choice mong company, Charlie?"
"Oo, pangarap ko kasi yung company na yun."
"Ano ngang name nun?" Tanong sakin ni Nela.
"Hanadri" sabi ko.
"Dun nalang din kaya tayo Kelly? Para magkakasama tayo?"
"Naisip ko na rin yan. Actually, bet ko yang Hanadri na yan perfume company yan diba, Charlie?"
"Oo. Dun nalang kayo para may kasama ako"
"Sige, magsama-sama na tayo."