Dumating na nga ang teacher namin at pinag-usapan ang about sa internship. Sila Nela at Kelly ay nagpasa na rin ng form para sa Hanadri Company para daw magkakasama na kami.
"Na-e-excite na ako sa internship natin!" Sabi ni Kelly.
"Balita ko gwapo daw ang boss don. Oh my gosh, baka siya na ang aking the one!"
"Feelingera din tong si Nela ih no Charlie?"
"Hayaan mo na hanggang pangarap lang naman yon" sabay tawa namin ni Kelly kaya inirapan kami ni Nela.
"Eh teka nga pala, ano namang balita sayo? Palagi ka nalang nauwi agad. San ka ba nagpupunta?"
"Secret, pero alam niyo may na-meet ako. Sobrang cute niya lalo na pag naka-smile siya. Hindi siya nakakasawang tingnan actually."
"Ay.. inlove to Kelly!"
"Inlove agad?? Hindi ba pwedeng crush lang?"
"Pabebe din tong friend natin ih."
"Agree ako dyan. Arte" sabay tawa nilang dalawa.
"Eh sino ba yan? Baka gusto mong pakilala samin?"
"Uhmmmm? Sige. Free ba kayo today?"
"Para sayo free kami!"sabay na sabi nung dalawa.
--------
Pagkatapos ng klase ay inaya ko na sila Kelly at Nela. Nang makarating na kami sa Han river ay hinanap ng mata ko si Peter."Han river? Anong gagawin natin dito?"
"Oo nga, dito ba meet-up niyo?" Di ko iniintindi ang tinatanong nila dahil hinahanap ko si Peter pero di ko siya makita. Pumunta kami sa pwesto na tinatambayan namin pero wala siya don.
"Charlie? Hoy?"
"Sorry, mukhang wala siya today"
"What do you mean? Call him?"
"Wala kaming contact. Saka normally naman kasi natambay siya dito ng mga ganitong oras." Baka may importante siyang ginawa ngayon.
"Nye? Bakit naman wala kayong contact. Ang hina naman"
"Sayang kala ko mami-meet ko na yang crushie mo"
"Tumahimik ka nga, siraulo to mamaya may makarinig sayo"
Nag-make face nalang si Nella sakin. Sira talaga ih.
"Tara na uwi na tayo?" Pag-aaya ko sa dalawa na mukhang disappointed.
"Hayaan niyo na, malay niyo next time mameet niyo na siya."
"Ano bang name niya?"
"Peter"
"Peter ano? Peter Pan?" Sabay tawa nila ni Kelly.
"Baliw. Hindi, ano.. di ko alam hindi ko natanong."
"Ano ba yan?" Pagrereklamo ni Nela.
"Sa social media baka mahanap natin tas chat mo?"
"Wala, tinry ko na pero di ko siya mahanap"
"Hay, akala ko ma-memeet na namin yun. Next time ha, Charlie!"
"Oo, next time"
"Paano, una na kami ni Kelly"
"Bye, Charlie" pag-papaalam ni Kelly sakin.
"Bye, umuwi kana di na pupunta yon!" Pang-aasar ni Nela sakin. Nag-wave nalang ako sa kanila.
Nag-stay lang ako ng ilang minuto dito baka kasi bigla siyang dumating.
"Halos isang oras na akong nakatambay dito, pero wala ka pa rin. Siguro nga may ginagawa ka. Hayyss..makauwi na nga."
riiinngg....
"Hello po nay?"
"Charlie, pauwi ka na ba?"
"Opo, papunta pa lang po ako sa station. Bakit po?"
"Makakadaan ka ba sa botika?"
"May masakit ba sa inyo?"
"Masakit lang ulo ko, wag kang mag-alala, Charlie"
"Paano naman ako hindi mag-aalala nay. Sige po bibili na ako ng gamot. magpahinga na kayo sa kwarto niyo ha. "
"Oo sige. Salamat anak"
"Sige po nay."
Dumaan na muna ako sa botika para bumili ng gamot. habang naglalakad ako papuntang terminal ay nakasalubong ko si Peter.
"Peter?" Nagulat siya sa pagtawag ko sa kanya.
"Charlie?? a-anong ginagawa mo dito?" kabado niyang sagot sakin
"Huy? okay ka lang? Dumaan lang ako sa botika dun sa kanto. Eh ikaw? taga-dito ka lang ba?"
"Hah? ah, a-ano,, o-oo! Ah, doon ako nakatira." Sabay turo niya sakin sa bahay na hindi naman kalayuan sa pwesto namin. Mga 4 na bahay lang ang layo.
"Ahh. Ang lapit mo lang pala sa Han river. Speaking.. busy ka kanina?"
"Oo ih, maagang nagpatawag yung pinag-tatrabahuhan ko. Sorry"
"Sayang, papakilala pa naman kita sa mga kaibigan ko"
"Sayang nga, maybe next time" sabay ngiti niya sakin. Hala siya ang cute!
"Oo nga next time hehe. O kaya puntahan nalang kita sa inyo?" nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.
"Nako wag na, tsaka hindi rin pwede kasi dorm yan for boys. Magagalit yung may-ari. Bawal babae at hindi border don."
"Ah ganon ba.. okay sige."
"Pasensya ka na."
"Okay lang ano ka ba."
"Teka, hindi ka pa ba uuwi? Gabi na. Baka hinihintay na yang gamot na binili mo?"
"Ah! Oo nga pala. Sige Peter uuna na ako. Kita nalang tayo ulit bukas!"
"Sige. Ingat ka."
Tumakbo na ko palayo. Hindi muna ako dumiretso sa terminal. Sinundan ko ng tingin si Peter kung talagang dun siya nakatira sa tinuro niya kanina. At totoo nga, dun siya pumasok. So I guess nagsasabi naman siya ng totoo. After niyang makapasok ay dumiretso na ako sa terminal para umuwi.
BINABASA MO ANG
A Star Fell from Heaven
Fiksi PenggemarNaniniwala ka ba sa fate? Should I believe it?