Awkward.......
"Uhmm, madalas ka ba dito?" Sabi niya breaking the silence between us.
"Oo, ikaw ba?"
"Oo din, everyday. Dito mismo sa pwesto na to"
"Talaga? Everyday?"
"Oo, bakit?" Nagtataka niyang tanong sakin. Miski ako nagtataka pano nangyaring everyday.
"Eh bakit hindi kita nakikita dito?"
"Ikaw din naman hindi rin kita nakikita dito."
"Dito talaga sa pwesto na to? Katapat niyang malaking puno na yan?" Pagcoconfirm ko.
"Oo, dito mismo. As in itong pwesto natin ngayon"
Tiningnan ko naman niya ng mapagtakang expression.
"Bakit ganyan ka makatingin? Ahhh iniisip mo ba na bakit hindi mo ko nakikita dito?" Tumango naman ako.
"Simple,, magkaiba tayo ng oras ng pagtambay dito. Duh?" Oo nga naman, ang tanga lang.
"Ahh.. oo nga no? Sorry hehe" nahihiya kong sabi. Oo nga bakit di ko naisip yon.
"Anong oras ka ba natambay dito?"
"Ako? After school nadiretso na ko dito. Ikaw? After school din ba?""Hindi na ako napasok ih. Wala akong pang-school kaya nagtatrabaho nako. Before ako magwork napunta dito."
"Ha? So pang gabi yung work mo?"
"Yep,"
"Sorry if you don't mind pero nasan parents mo? Bakit di ka nag-aaral?"
Tiningnan niya ako saka tumingin sa katapat naming puno at saka tumingin ulit sakin.
"Hindi ka pa ba uuwi? Mag gagabi na?" Pag-iiba niya ng topic akala ko sasabihin niya. Napatingin naman ako sa relo ko.
"Sorry for asking. Sige una na ako." Tumango siya sakin at saka na ako nagsimulang maglakad paalis nang bigla niya akong tawagin.
"Charlie!" Napalingon naman ako sa kanya at hinintay kung ano man yung sasabihin niya.
"Nice meeting you!" Sabay ngiti niya sakin kaya ngumiti nalang din ako.
"Nice meeting you too, bye" pagka-smile ko sa kanya, ay tumalikod na ako at nagsimulang maglakad ulit.