"Ginabi ka yata, Charlie?" Salubong ni nanay sakin. Well di ko siya totoong nanay parang siya lang yung kumupkop sakin and nasanay akong tawagin siyang nanay kaya yun.
"Sorry po, may nakakwentuhan kasi ako dun"
"Sige na magpalit kana at kakain na tayo."
"Sige po, nay." Umakyat na ako sa kwarto ko para maligo at magpalit ng damit. Bumaba na agad ako after kong makaligo.
"Tapos ka nang kumain? Ang bilis naman?"
"Magrereview pa po ako may exam kami bukas."
"Ay hala sige umakyat kana don. Gusto mo ba ng makakain para mamaya?"
"Hindi na po"
"Mukhang masaya ka ngayon ah?"
"Po? Ako? Hindi po ah. Pano niyo naman po nasabi?"
"Nakangiti yung mga mata mo"
"Si nanay naman oh. Hindi kaya"natatawa kong sabi sa kanya.
"Sino ba yang nakakwentuha mo?"
"Ahhh, tanda niyo po nung isang araw late na ako nakauwi kasi diba naiwan ako ng bus?"
"Oh?" Paghihintay niya sa susunod kong sasabihin.
"Siya po yung nakakwentuhan ko kanina. Di ko nga po ineexpect na maaalala niya ako. Inassr pa nga niya ako"nakangiti kong sabi kay nanay.
"Alam mo nay, sa totoo lang, ang cute niya lalo na pag nakangiti siya ang cute ng mga mata niya." Narinig ko naman ang pag ngiti ni nanay kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit nay?"natatawa-tawa kong tanong sa kanya.
"Nagkakilala ba naman kayo?"
"Opo....Peter. Yan ang name niya. Nung nakita ko nga po siya sa bus stop non, parang feeling ko nakita ko na siya kahit hindi naman.. posible po ba yun?" nakita kong natigilan si nanay sa pag ngiti after kong sabihin yun.
"Bakit po?"
"Peter pangalan niya?"
"Opo, bakit po nay?" Pag-aalala ko
"Ahh, wala may naalala lang ako. Wag mo nang pansinin yun. Sige na umakyat kana at magreview."
"Okay po." Tumayo na ako. Napansin ko yunf reaksyon niya. Bakit ganon? Kahit naman tanungin ko wala din naman ako mapapala. Umakyat na ako ng tuluyan para magreview.