Chapter 11

7 0 0
                                    

Chapter 11

I have only one motto in life, and that is 'Succeed now, Relationship later.' Kailangan makapagtapos muna ako ng pag-aaral, makapasa ng board at makapaghanap ng magandang trabaho at mag-ipon para sa kinabukasan ko. Hangga't maaari, kahit may mga gustong manligaw sa akin sa tabi-tabi, agad-agad ko silang nirerejct. Hindi dahil hindi ko sila gusto kung hindi dahil sa kasabihan ko. That no matter what, I'll stick to it.

Pero lahat ng iyon ay nagbago simula nang makilala ko siya. Winter Axel Lemaire. He became my boyfriend in a contract. And yes, I agreed to his proposal that we should continue this 'fake relationship.' We have an agreement.

Cliché? Indeed. Mababasa mo lang 'yan sa Wattpad o 'di kaya'y mapapanood sa mga movies. At ngayon naman ginagawa namin. Kung sino ang nag suggest? Siyempre... Si Winter. Duh, hinding-hindi ako magsusuhestiyon nga mga gano'ng bagay, 'no!

"Hoy! Anong meron at parang blooming ka? Malapit na ang defense pero ganyan na ang itsura mo!" Rinig kong sita ni Grace.

Napaturo ako sa sarili ko saka tumingin sa kanya. "Ako? Blooming? Paano mo nasabe?" Binalik ko ang tingin ko sa maliit na salamin na hiniram ko kay Sha.

Paano naman ako naging blooming? Minsan yata may pagkamalabo ang mata nito. Kung ano-ano na lang ang sinasabi. Tsk!

Dumating ang araw ng defense namin at lahat kami ay sobrang kabado. Kahit na naranasan na namin ito noon, iba pa rin ngayon. The panelist was the board of directors of the school and the Dean of our course. My hands were trembling as my heart pounds so fast. Habang tumatagal ang oras ay mas lalo lang akong kinakabahan. Nakailang bote na rin ako ng mineral water para mawala ang kabang nararamdaman ko subalit bumabalik at bumabalik pa rin.

"Bakit kaya ang tagal ng ibang grupo?"

Kahit ako rin ay nagtataka kung bakit. Sa naiisip ko pa lang ay mas dumadagdag ang kabang nararamdaman ko. Kaya mas minabuti ko na lang na lumabas sa room naming. Mas nakakadagdag lang ng kaba sa nararamdaman ko.

Nagpunta na muna ako sa garden para roon magpahangin at para marelaxed din ang utak ko. Chinat ko na rin ang mga kagrupo ko na nasa garden lamang ako, baka sakaling hanapin nila ako. Besides, panglima pa kami sa magdedefense kaya mukhang matagal pa.

Wala sa sariling nilabas ko ang coupon bond saka binasa ang nakalagay.

Fake Relationship Agreement.

This is a relationship contract agreement formed by Winter Axel Lemaire and Eliana De Leon to continue the fake relationship to get revenge on his ex-girlfriend. By this method—

Hindi ko na tinapos ang pagbabasa nito at napabuntong-hininga na lang. Hindi naman ako ang nakaisip ng ganitong bagay, e. Si Winter naman! Siya lang naman ang may pakana nitong agreement na ito!

Ang daming alam.

"Is this really me? Nasaan na ang motto na sinasabi mo, Ella?" I shrugged, waving the contract in the air. "Wala na, sira na!" Napasandal ako sa bench at napasimangot saka muling binasa ang mga nakalagay doon.

There are some terms and conditions that we both agreed. It must be related to the contract we've made, and we have come up with these.

"The parties should go on a date at least twice (2) a week. Both parties prefer a simple date."

Napakamot ako ng ulo ko sa unang terms and conditions naming dalawa. Dito kami nagtatalo, e! Gusto niya na dalhin niya ako sa mga mamahaling restaurant o kaya mas magarbong date, but I immediately decline his offer. Mas prefer ko ang mga simple dates at sa bahay lang, 'no!

Winter (Season Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon