Chapter 2

20 3 0
                                    

Chapter 2

"Gutom ka na ba? Let's go, I cooked something for you." Akmang hahawakan niya ang kamay ko nang kusa ko itong inilayo sa kanya. Pain written on his face, but I don't care.

"Paano ka nakapasok dito?" tanong ko. As far as I remember, mahigpit ang security dito sa condo unit ko. No one dared to enter my unit...but this guy in front of me has the gut to enter my unit.

Ha! Ang kapal ng mukha!

"Kain ka muna, alam kong gutom ko na at pagod sa trabaho."

Aangal pa sana ako nang bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papuntang kitchen. Agad napabaling ang mga mata ko sa lamesa na maraming pagkain at halatang niluto at hindi binili. Pinaghila ako nito ng upuan at inalalayan akong umupo, si Milo naman ay pinagmamasdan kaming dalawa habang ang kanyang buntot ay kumakaway.

Parang sayang-saya pa si Milo habang nakikita ang senaryo.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. May halong saya, galit, pagkalungkot ngunit mas nangingibabaw ang sakit na nadarama ng aking puso. Sakit dahil baka nananaginip na naman ako pero alam kong hindi. This is not the dream but the reality. I was eyeing him the whole time, examining if is this not a dream.

He was smiling like there is nothing happened. Smiling like he didn't leave someone behind.

"Ayan! Okay na ang lahat. Pwede ka nang kumain, 'wag kang mag-alala dahil wala akong hinalo na kahit ano dyan sa pagkain mo," Umiiling na sabi nito habang kinukumpas ang kanyang kamay, hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa kanyang mga labi.

Those smiles.

Lihim akong napailing at tiningnan siya ng malamig. "Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" As much as possible, I remained myself being expressionless.

Napakamot ito sa batok niya habang may kinukuha sa bulsa at pinakita iyon sa akin. Kunot noo ko itong tiningnan habang ine-inpeksyon ang bagay na ito. Hindi ko alam ang tawag dito dahil ngayon pa lang ako nakakita ng ganitong klaseng device.

"This device can crack any security...even...uhm...high security," alanganin nitong sagot.

Agad akong napatayo sa upuan. Lahat ng mga naisip ko bigla na lang nawala dahil sa sinabi niya, ang mga emosyon na nararamdaman ko naglaho at napalitan ng inis at galit. "ANO?! S-sinira mo ang pass lock ng unit ko?! How dare you! Sino ka ba sa akala mo, ha? Do you want me to sue you for invading my privacy?"

"E-Ella hindi...ano—" binato ko siya kung ano ang una kong napulot. Wala akong pake kung vase ang maibato ko sa kanya. He deserves it anyway.

"Trespasser!" sigaw ko.

Anong karapatan niyang manghimasok sa unit ng may unit nang walang paalam? Anong karapatan niyang manghimasok sa buhay ng ibang tao? Wala. Ni isa, wala siyang karapatan.

"Ella let me explain first." Napatigil ako sa pagbabato sa mga sinabi niya.

Tiningnan ko siya. "Explain?" I clenched my fist. "I don't need any of your explanations, Winter. Now, get out of my unit before I called police to sue you for trespassing!" sigaw ko at dumagundong iyon sa iba't ibang bahagi ng condo ko.

I don't need any of his explanations. Aanhin ko ba ang explanations niya? Magiging maayos ba ko kapag narinig ko ang mga 'yon? No. Dahil kahit anong eksplanasyon ang gawin niya, hindi ako maniniwala. Kahit anong sabihin niya, hindi ako makikinig.

Pumasok agad ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Inaalala kung bakit nga ba siya nandito? Kung papaano niya nalaman kung saan ako nakatira. But I chose not to ask him. He is engaged already. He is engaged with his ex-girlfriend that he loves the most. The woman who will brought in aisle, exchanging vows and such while me, still here. Hindi pa nahahanap ang lalaking makakasama ko habang buhay o kung meron man.

Winter (Season Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon