Chapter 1

30 5 10
                                    

Chapter 1

Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa utak ko ang nabasa ko kanina. Parang sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa utak ko. Nakakabaliw. Nakakasira siya ng utak.

Mugto ang mata ko nang makauwi ako sa condo na tinitirahan ko. Kung dati sa apartment lang ako nakatira ngayon naka-condo unit na ako. Pinaghirapan ko kung anong meron ako ngayon.

'Yong coffee shop? Ako na bagong Manager or owner nito. Nakita niya daw sa akin ang katangian bilang isang manager kaya binigay niya sa akin ang posisyon. At isa pa, talagang minahal ko na ito. There' so many memories to treasure here.

Masaya ako sa narating ko dahil sa wakas lahat ng mga pinaghirapan ko nagbunga. Pero kahit anong saya ang danasin ko may kulang pa rin. I'm not contented. Parang may nawawala sa buhay ko.

Ganito nga siguro ang pakiramdam na meron ka na nga lahat, nakuha mo na ang gusto at nakamit mo na ang pangarap mo, may kulang at kulang pa rin sa buhay mo. For the past years, hinanap ko ang kulang sa akin ngunit hindi ko ito mahanap. Ginawa ko lahat ng nais ng aking puso para lamang matabunan ang kulang sa aking buhay pero hanggang ngayon wala pa rin.

Napangiti naman ako nang tumakbo palapit ang aso, isang toy poodle. Agad ko naman itong kinarga saka niya dinilaan mukha ko kaya natawa ako.

"You missed me that much ha, Milo?" I giggled when he barked. Muli ko itong binaba ito saka nagpunta sa kusina para kumuha ng dog food. Paniguradong gutom na si Milo.

Milo was my first dog; someone gave him to me as a gift. Noong una hindi ko kayang alagaan si Milo dahil wala akong pera para sa pagkain niya. But again, someone sponsored dog foods for Milo.

Since then, Milo is always there for me. Every time I cried and hurt, through my ups and down, Milo is the witnessed. For all my success in life, he was there. Milo is my lucky charm.

For seven years, Milo never leave my side.

Muling bumalik sa isipan ko ang nabasa ko sa magazine. My heart throbbed and tears fall...again.

He's engaged. He's going to be married.

Humiga ako sa kama at pinakiramdaman ang paligid. Naramdaman kong lumubog ang kama at ginagawang pagkalabit ni Milo sa akin.

"Milo, I'm okay," mahinang sambit ko, but he didn't believe me. So I hugged him and cried all night.

Hindi ko namalayan na sa ginawa kong pag-iyak ay nakatulog ako.

Kinabukasan, nagmumugto ang mga mata kong pumasok sa coffee shop. Late na ako nakapasok dahil wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Pahirapan pa para lamang matakpan ang eyebags sa mga mata ko 'tapos tinapos ko ang mga paperworks, para 'pag dating dito tutulungan ko na lang ang iba pang mga staff ko.

It was the usual day for me. Papasok, trabaho at uuwi. Paulit-ulit na lang ang ginagawa ko and I have no time for the out of town.

"Good morning, Manager!" Si Adeline ang unang bumati at sumunod ang iba pang mga kasama ko.

"Good morning din, anong meron at parang busy kayo?" Tanong ko, sumunod naman si Adeline sa akin patungo sa opisina.

"Hindi mo pa alam, Manager?!" Sigaw nito kung kaya naman sinamaan ko ito ng tingin.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?"

"Si Manager pinipilosopo ako." Ngumuso siya.

Umupo ito sa sofa at napahalukipkip ito. "Manager, magkakaroon ng shooting dito. May artista na i-advertise ang coffee shop." Pumalakpak pa ito. "Ayaw mo 'yon, Manager? Dadagsa ang maraming customer at isa na namang achievement para sa atin! At magiging sikat na ang coffee shop!" She happily said kaya napangiti na rin ako. Seeing my employees happy makes me happy too and it's enough for me.

Winter (Season Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon