🌸CHAPTER 1🌸

276 11 5
                                    

Tunog ng cellphone ko ang pumukaw ng aking atensyon. Linggo ngayon kaya naisipan kong maglinis ng bahay. Para hindi ako sermunan ni Nanay at bigyan pa ko ng pera ni kuya Henry. Sweldo pa naman niya ngayon.

Kaagad kong kinuha ang phone ko sa divider. Gamit ang kanang kamay ay nagtipa ako upang makita kung sino ang nag-text. Ang kaliwang kamay ko naman ay may hawak ng walis tambo. Tumayo ako at sandaling tumigil sa ginawa nang mabasa ko kung kanino galing ang mensahe.

From Drei
Goodmorning, babe. Kumain ka na? Kagigising ko lang. Love you.

Napangiti ako nang mabasa ang kasing tamis na asukal na text na iyon mula sa boyfriend kong si Drei. Twenty one years old na siya at ako naman ay twenty three. Mas matanda ako sa kaniya nang two years pero wala akong pakielam. Isip-bata naman ako at siya naman ay matured mag-isip kaya pwede kami.

Pitong buwan na kami sa darating na April 16 at nakatutuwang isipin na kahit matagal na kami ay hindi pa rin siya nagbabago sakin.

Inipit ko ang muna ang walis-tambo sa aking kili-kili at nagtipa ng isasagot sa kaniya.

To Drei
Goodmorning din, babe. Yap tapos na, ikaw? Love you, too.

Napalingon ako sa gawing pinto nang may kumatok. Nang sulyapan ko iyon ay si Ayeza lang pala, bestfriend ko. Sumenyas ako sa kaniya na pumasok saka ko binalik iyong phone ko roon sa divider.

"Hello, sis, how ar'yah?" maarte nitong tanong sabay upo sa sofa.

"Ayos naman, maka-'how aryah' ka parang 'di tayo magkasama kahapon at parang malayo bahay n'yo. Let me remind you, sis, isang block lang po ang layo ng bahay n'yo rito samin." Tinuloy ko na ang naudlot kong pagwawalis kanina hanggang sa madala ko iyon sa pinto. Lumabas ako saglit upang kuhanin ang dustpan at dinakot na ang mga nawalis kong alikabok.

"I dont care, sis. Hayaan mo na. Kunwari nga sosyal ang kaibigan mo, e," aniya bago tumawa na animo mayaman. Napailing na lang ako dahil sa mga naiisip nito.

"O, ba't ka ba andito? Aga-aga mo naman. Kita mong maglilinis muna ko ng bahay." Medyo kinampay ko pa yung walis sa kaniya. Agad itong umiwas at winagayway ang mga kamay.

"Ano ba 'yan! It's so maalikabok, sis. Kailan ka ba huling nagwalis ng bahay ninyo?" Nagdabog pa itong lumipat sa kabilang sofa malapit naman sa hagdan. Tapos ko na kasi iyong walisan kanina.

Bumalik ako sa pinto at pinagpag ang doormat sa labas.

"Well, may ibabalita kasi ako sa'yo.  But I dont think you might like it, e." Umupo ito ng padekwatro.

"Balita? Ano, chismis na naman? Ikaw, Ayeza! Kaya 'di umunlad-unlad 'tong bansa natin, e. Dahil sa kagaya mo! Aga-aga, chismis agad inaatupag mo! Ano? Currents news about politics? Showbiz?" tanong ko na may bahid paninita.

"Ang overacting mo, Heaven. 'Wag ka magmalinis d'yan, a! Sa 'pag sinabing news, politics agad? Showbiz agad-agad" mataray nitong tanong habang nakataas ang isang kilay.

Muling tumunog ang phone ko.

Nagsalubungan muna kami ni Ayeza ng tingin bago mapunta sa phone kong nasa divider ang aming mga mata. Alerto akong humakbang palapit doon nang makita kong tumayo ang kaibigan ko sakanag uunahan pa kami para makuha yung phone ko.

Sa kinamalas-malasan niya, ayon at nakanto iyong paa niya sa paanan ng lamesita sa gitna. Namimilipit ito sa sakit habang ako at tatawa-tawa.

"Ang sakit! Na-inlove na naman 'yung daliri ng paa ko sa lamesita niyo. Landi, e." Umupo itong muli sa sofa saka hinawakan ang daliring nasaktan.

"Buti nga, nakikipag-unahan ka pa kasi, e, akala mo naman sa'yo 'tong phone." Hindi ako matigila sa katatawa habang nagtitipa sa phone.

From Drei
Babe, magkita naman tayo. Miss na kita, e.

Sandali akong tumigil upang mag-isip kung may lakad ba ako ngayong araw. Parang wala naman dahil linggo ngayon at sarado ang mga a-apply-an kong opisina.

Hindi ako agad naka-reply dahil pumunta ako sa kusina upang kumuha ng basang basahan. Bumalik ako sa sala at pinatong iyon sa lamesita.

"You're so mean, sis. Gan'yan ka na, a! Sana 'di na lang ako nagpunta rito para ibalita sa'yo na andyan ngayon 'yung ka-M.U-han mo dati. Si MAX. I HATE YOU!" singhal ni Ayeza sa akin. Masama ang tingin nito at tila gusto akong kunsensyahin.

"Arte naman nito. Sige na so--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang mapagtanto ko angsinabi niya. "Si Max?"

"Ano? Tameme ka, 'no! Sige uwi na ko. Bye!" Tumayo siya at pumunta sa gawing pinto kahit na iika-ika. Kaagad ko naman siyang hinabol at hinawakan sa braso.

"Hep! Sa'n ka pupunta?" tanong ko. Idinipa ko pa iyong dalawang braso ko upang hindi siya makalusot.

"Uuwi na. Tutal ang mean mo sakin." May halong pagtatampo niyang sabi. Ngumuso pa ito.

Bigla naman akong nakonsensya dahil sa pang-aasar ko sa kaniya kanina.

"Sorry na, sis. So you mean... andito na siya? For good na ba? Ha? Huy! Sagutin mo ko." Tiningnan niya ko ng masama na para bang nanunuri.

"Sorry ka pa, 'di naman sincere!" Bumalik na siya sa sofa kaya lang padabogdabog pa.

Lumapit ako sa kaniya at naupo sa tabi nito. "Sasabihin mo ba o sasabunutan kita?" sabi ko. Nanlaki ang mga mata nito saka lalong ngumuso.

"'Yun nga, dumating si Max! 'Yun nga lang. I don't know if thats for good."

Napangiti ako nang wala sa sarili.

Dumating na si Max.

Max Torres. Ang first crush, boyfriend, dance, kiss and first love ko. Ewan ko pero parang na-excite akong makita siya ulit.  Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanlalamig iyong mga kamay ko. Ganito talaga epekto niya sakin kahit noon pa man. Gusto ko siya makita.

"'Wag ka muna magdiwang, bestfriend. Dahil hindi nag-iisa 'yang Max mo." Puno ng pagtataka ko siyang tiningnan. "Kasi kasama niya 'yung girlfriend niya." Tinapik pa ko nito sa braso na para bang sinasabing 'ok lang yan'.

"G-girlfriend?" mahinang tanong ko.

Tumango naman ito nang dahan-dahan tila naiintidihan ang gulat na nararamdaman ko.

--

Please, like my page Stories by  EmpressAfft13 and  join in my group Stories by EmpressAffy13 (Official Group)

Si Bi or Si Babe? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon