Tahimik at wala kaming kibuan ni Max habang nasa likod-bahay nila. Nagpapakiramdaman lang kami. Bigla ko naalala si Ayeza at baka hinahanap na ko noon. Kinuha ko ang phone ko na nasa purse ko at nagulat ako sa dami ng texts na nandoon.
16 messages received at 12 missed calls.
Karamihan ay kay Drei galing. Oo nga pala, sabi ko ite-text ko siya agad after ko mag-ayos at magbihis kanina. Pero nawala sa loob ko dahil sa excitement.
From Drei
Babe, tapos ka na ba?From Drei
Ingat kayo pagpunta sa party.From Drei
Tawagan mo ko after ng party na 'yan.From Drei
Nasaan ka na ba?From Drei
Busy na busy ka naman, babe.From Drei
I miss you, babe ko.From Drei
Kumain ka na dyan, ha?From Drei
Babe, ba't 'di mo sinasagot tawag ko?From Drei
Babe? :(Puro text ni Drei ang lamang ng inbox ko. Tiningnan at binasa ko pa iyong ibang texts sa akin at mayroon nga na galing kay Ayeza.
From Ayeza
Where are you ? Im looking for you, sis.From Ayeza
Sis, saan ka ba?"Busy naman masyado sa phone." Muntik ko pang mabitawan ang phone ko nang biglang magsalita si Max sa harap ko. Nakasandal ito sa puno ng niyog habang nakasuot sa bulsa ang mga kamay. Hindi ko siya pinansin at nag-type na lang ako sa phone.
To Ayeza
May kausap lang akong tao. Wait mo ko dyan kina Yhacee.Magko-compose na sana ako ng message para kay Drei pero lumapit si Max sa akin.
"Pwede sakin muna atensyon mo?" Inis ko siyang tiningnan. Bakit parang boss siya kung makapag-utos?
"Excuse me?" tanong ko sabay siring ng mga mata. "Bakit mo ba ko dinala rito? Ano bang sasabihin mo?
"Look, Bi. Mag-usap tayo, okay?" aniya na kalmado na ang boses. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at taas-noo kong tiningnan ang mga mata niyang kay sarap titigan.
"Max, stop calling me 'Bi'. Will you?" Bahagyang napataas ang boses ko. "Mamaya marinig ka ng girlfriend mo, e." Hininaan ko na boses ko.
"Tayo lang naman na dalawa ang nandito. Walang makakarinig sa atin... I miss you." Kinilabutan ako sa paraan ng pagkakasabi nito sa akin. Humakbang siya lalo palapit sa kinatatayuan ko. Napaatras na lang ako hanggang sa pader na pala iyong nasandalan ko. Tinukod pa niya iyong dalawang kamay niya sa itaas ng mga balikat ko animo kinulong ako.
"Max, ano ba? Lumayo ka nga sa akin." Tinulak ko siya pero kaagad din itong nakalapit.
Tumunog ang phone ko at mabilis kong tininang kung sino ang caller. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasang si Drei ang tumatawag.
Sumenyas ako kay Max na huwag ito maingay bago ko iyon sinagot.
"H-hello, Babe?" Kabado kong sagot.
"Babe, ba't ngayon mo lang sinagot 'yung tawag ko? Busy ka pa ba? 'Di pa ba tapos party na 'yan?"
"'Di pa, pare!" sigaw ni Max sa tainga ko kung saan nandoon ang gadget ko. Hinampas ko ito sa braso at tatawa-tawa naman ito sa kalokohan niya.
"H-hindi pa, babe... p-pero mayamaya lang uuwi na ako."
"Babe, sino 'yung lalaki na 'yon? Nasa'n ka ba?"
Halata sa boses ni Drei ang inis at galit. Napapikit na lang ako habang nag-iisip ng isasagot sa boyfriend ko.
"Party 'to, pare. Malamang maraming tao." Halos batukan ko si Max dahil sumabat na naman. Tinakpan ko iyong mouthpiece ng phone bago hinarap si Max.
"Max, please! 'Wag ka maingay!" Pakiusap ko. Ngingisi-ngisi lang ito saka tumango-tango. Itinaas pa nito ang dalawang kamay na parang 'surrender' na siya.
"B-babe, tropa namin 'yon dito. Si Max." Ang lakas ng tibok ng puso ko habang nagsasalita.
"Tropa daw... Ex niya ko, pare!"
"Ano? Babe! Ano ba? Gaguhan ba 'to?" Galit na galit niyang tanong sa kabilang linya.
"Babe, tawagan na lang kita. Uuwi na ko, e. bye." In-off ko kaagad iyong phone at galit na galit kong hinarap si Max.
"Ano bang problema mo, Max? Alam mo bang makakasira ka ng relasyon? Damn it! Ano bang kailangan mo?" Pakiramdam ko ay pulang-pula na ako sa galit ngayon. Hindi ko na rin alintana ang malakas kong sigaw.
"Easy, bi. Sorry... okay?" mahinahon niyang sabi na tila wala lang sa kaniya ang galit ko.
"Sorry? Sorry-hin mo mukha mo! Ano ba talagang gusto mong mangyari? Huwag mo ko matawag-tawag na 'bi' dahil matagal na tayong tapos!" Naiiyak na ko pero pinipigilan ko lang ang mga luha ko. Unti-unti nang kumikirot ang sintido ko sa labis na pagpipigil. Tila may nakabara na rin na bukol sa lalamunan ko dahil sa sama ng loob.
"Okay, Heaven. Sorry na. Huwag ka na magalit. Sorry na." Lalapit sana siya para hawakan ako pero umiwas ako.
"Don't touch me! Don't you fucking dare to touch me, Max!" Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.
"'Wag ka na umiyak. Ayokong makita kang umiiyak, bi... please..."
"Sabi ko, huwag mo ko tawaging 'Bi'. Ano bang gusto mo? Ang gulo mo! Alam mo ba 'yon? Nililito mo ko!" Ramdam ko ang panginginig ng mga kalamnan ko dahil sa galit. Gusto ko siya bigyan ng isang malakas na sapak para matauhan siya.
Hindi siya kumibo. Tinitigan lang muna niya ko sa mga mata ko. Huminga pa muna siya nang malalim bago sumagot.
"Hiwalayan mo 'yung yoyfriend mo, Heaven. 'Yun lang. I-break mo siya...please..."
Hindi na ako nakasagot dahil iniwan niya akong natitigilan.
Ano raw?
I-break ko ang boyfriend ko?
Bakit?
--
Please, like my page Stories by EmpressAffy13 and join in my group Stories by EmpressAffy13 (Official Group)
BINABASA MO ANG
Si Bi or Si Babe? (Completed)
Short StoryLove Triangle. Lagi naman may ganiyan sa mga telenovela sa tv. Minsan sa mga penikula o kahit sa mga libro. Kahit nga sa mga drama sa radyo, di ba? Pero ikaw? Pa'no kung nagmamahal ka ng dalawang tao sa iisang panahon? Isa lang ang puso mo, o! baki...