🌸CHAPTER 2🌸

104 6 0
                                    

NANDITO kami ngayon sa labas ng bahay nila Max. May welcome party daw sa kanila at invited ang mga taga village.

"Okay lang ba suot ko, sis?" tanong ko kay Ayeza na apura ang suklay sa buhok nitong nakakulot. Naiilang kasi ako sa suot kong dress. Baby blue iyong kulay at above the knees iyong haba. Iyong hair ko naman ay naka-braid parang Elsa ng Frozen at light make-up na si Ayeza ang nag-apply. Gusto ko kasi maayos ang itsura ko kapag  nagkita at nagharap kami nung 'girlfriend' ni Max, syempre si Max din.

Sinipat-sipat pa ako ni Ayeza bago magsalita. "Okay na, 'no. Ang ganda-ganda mo nga, e. Tara na sa loob?" aya niya sa akin. Kumapit ako sa braso nito at pinanlakihan niya ko ng mga mata. "Umayos ka nga! Namumutla ka!" Halata niya marahil na kabang-kaba ako. "Relax lang, sis. Ano ka ba? Ang lamig ng kamay mo, o!" aniya pa.

"Halata ba?"

"O, ayon pala sila Yhacee, e." Kaagad ko namang nakita si Bhabe Yhacee na kausap ang iba pa naming mga kapitbahay at katropa.

"Ayeza, Heaven, " tawag ni Yhacee samin habang  papalapit kami sa kanila ng mga kasama niya.

"Hi, Yhacee...." Ngumiti  ako sa kanila at pilit na tinago ang kaba at nerbiyos na namumuhay ngayon sa dibdib ko. Nagkwentuhan kami ng mga kung ano-anong bagay na karamihan ay puro mga tungkol nung kami ay mga teenagers pa.

"Ikaw nga, Ayeza, dati umaakyat ka lang sa bayabasan nila Aling Cora para lang may maibigay kay Carlo, e. Hindi ba't crush mo 'yon?"
Nagtawanan kami nang batukan ni Ayeza si Miko. "Gago! Anong crush? Itsura no'n. Mukhang negrito!"

"Kuh! Napakapintasera mo talaga! Ba't  ka ba ganiyan? Maganda ka ba?"

Lalong umingay sa umpukan namin dahil sa kantiyawan at tawanan. Halos mangiyak-ngiyak ako dahil sa mga sinasabi nila.

"Buti pa 'tong si Heaven, maganda na nga, mabait pa. Hi, Heaven!" bati sakin ni Miko. Napayuko na lang ako dahil napunta sakin ang atensyon nilang lahat.

"Loko ka, Miko! Huwag mo pormahan 'yan dahil may boyfriend na 'yan!" sita ni Ayeza.

"Talaga? Sino?" tanong ni Yhacee habang kumakain ng pansit.

Alanganin naman akong tumango. "Oo. Hindi siya tagarito sa village. Actually, taga-Sta. Maria siya."

"Ang layo naman!"

Ngumiti na lang ako bago hinawakan ang baso ko na may lamang orange juice.

"Heaven, is that you?" Nilingon ko ang babaeng nagmamay-ari ng boses. Si tita Lina pala. Ang mama ni Max,

"Tita?" Ngumiti ako at nahihiyang lumapit at nagmano.

"Kumusta ka na? Ba't ngayon ka lang nagawi dito?" Ginagap pa niya iyong mga kamay ko habang nakangiti sakin nang malapad.

"Busy po sa paghahanap ng trabaho, e," sagot ko naman na may pagkailang. Ganoon pa rin ito sa akin.

Nung mga panahon na kami pa ni Max ay botong-boto sila sa akin lalo na si tita Lina. Tuwang-tuwa siya dahil pinatino ko raw ang anak niya na dating bulakbol at babaero.

"Halika, hija. Nando'n sila Tito Roger mo sa table naon." Hinila ako ni tita Lina. Tumango naman si Ayeza sa akin bilang pag-sangayon.

Pagdating namin sa round table nila Tita Lina ay nandoon ang asawa nito pati ang mga kapatid ni Max.

May bakanteng silya sa tabi ni tita Lina habang nasa gilid nito ang asawang si Tito Roger. Ang Ate May, Ate Mori at isang babaeng hindi ko kilala ang magkakatabi bago si Max. Sa tabi nito iyong bakanteng silya.

"Pa, nandito si Heaven." Kalabit nito sa esposo. Nilingon naman nila akong lahat. Nakangiti sila sa akin maliban kay Max at pati na rin iyong babaw.

"Hija..." Lumapit ako kay Tito Roger at nagmano  ako.

"Ven... Buti nandito ka," sabi ni ate May.

"Hi, Ven. Halika dito ka na maupo sa tabi ni Max." Tinuro ni ate Mori na bakanteng upuan sa tabi ng kapatid na lalaki.

Maski ang mga kapatid niya ay ganoon din sa akin kahit noon pa. Tinuring nila akong kapatid at hindi na iba sa kanila.

Tiningnan ko lang si Max at iyong babae. Si Max wala akong makitang emosyon. Blangko ang tingin niya at nakatitig lang sa akin. Samantalang iyong nobya yata niya at todo-taas ng kilay sakin.

Alanganin akong umiling. "Hindi na po, mga ate, tita, tito. Kasama ko rin po kasi 'yung bestfriend kong si Ayeza." Nakakailang iyong tingin ni Max at hindi ko matagalan iyon.

"Gano'n ba, sige. Enjoy the party, a?" sabi ni tita Lina. Tinapik pa ako sa braso ni tito Roger bago yakapin ng asawa niya.

"Opo, salamat po. Sige po, excuse me po," paalam ko sa kanila. Hindi pa ako nakakalayo ng may humawak sa braso ko.

"Bi, can we talk?"

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang malamig na boses na iyon ni ni Max.

"Excuse me?" Nilingon ko siya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Magsasalita pa sana ako nang bigla ako nitong hinila at inalalayang mapunta sa gawing likod ng bahay nila.

--

Please like my page Stories by EmpressAffy13 and join in my group Stories by EmpressAffy13 (Official Group)

Si Bi or Si Babe? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon