🌸CHAPTER 4🌸

69 5 0
                                    

"Bwisit!" sigaw ko habang nakasabunot ang mga kamay sa sarili kong buhok. Sirang-sira ang gabi ko kagabi hanggang sa makauwi ako dahil hindi ako matahimik.

Unang-una, nakokonsensya ako dahil alam kong nasaktan ko si Drei. 

Pangalawa, ang gulo ni Max. Super duper siya sa kaguluhan. Bakit niya ko pinapahiwalay sa boyfriend ko?

Pangatlo, kapag ginawa ko iyon, may mapapala ba ko sa kaniya? Letse!

"Hi, sis. Ba't nawala ka kahapon sa party. Alam mo bang parang nag-LQ 'yung ex mo saka girlfriend niya," bungad na wika ni Ayeza na kakarating lang sa amin. May dala itong supot ng tinapay saka palaman na reno. Nilapag nito iyon sa harap ko at natigilan nang masama ang tingin na pinukol ko sa kaniya. "B-bakit ganiyan ka makatingin?"

"Wala akong pakielam sa kanila," malamig kong sabi. Nilipat ko na lang ang aking tingin sa cellphone na hawak ko gamit ang isang kamay. Iyong isang kamay ko naman ay nakahawak sa noo ko. Masakit ang ulo ko kagabi pa.

"You don't care? Okay." Parang ayaw pa niya maniwala dahilan upang lalo akong nabwisit sa nangyayari.

"Oo! Ano ba ginagawa mo rito? Aga-aga chismis na dala mo," sita ko sa kaniya. Inirapan ko rin siya saka tinaasan ng kilay.

"Easy, dinalhan nga kita ng almusal mo. Alam kong paborito mo 'yan, bestfriend! Easy-han lang natin. Masyado kang hot d'yan." Nangingiti pa niyang sabi. Binalibag ko siya ng butil ng kanin na nakita ko sa mesa.

"Utang na loob ko pa ngayon 'tong mga 'to?"

"Ano ba kasi talagang nangyari? Umuwi ka ba agad after ninyo mag-usap ni Max?"

Nag-init na naman ang ulo ko nang marinig ko ang pangalan ng lalaking iyon.

"Naku, Ayeza! Huwag na huwag mo mabanggit-banggit ang pangalan ng letseng 'yon! Kahit umpisang letra lang, huwag mo nang subukan!" Dinuro ko pa sa kaniya iyong tinidor na nasa mesa rin.

"Gaga na 'to! Papatayin mo ba ko?" Tumakbo ito papunta sa sala at nagtakip ng tropillow galing sa sofa.

Hinagis ko iyong tinidor na hawak ko. Hindi ko alam kung saan napunta, walang akong pakielam.

"Sensya! Pashnea kasi ang lalaki na 'yon! Animal na animal. Naiinis ako sa kaniya." Nakatingin lang siya sa akin.

Kinuwento ko iyong nangyari kahapon sa likod ng bahay nila Max. Pakiramdam ko ang pula ko dahil sa galit isama na rin ang hiya.

"E, gago pala 'yon, e. Kawawa naman si Drei!" Galit na rin na singhal ni Ayeza.

"Sinabi mo pa! Alam mo bang 'di pa niya ko tine-text."

"Ni Max?" takang tanong ng kaibigan kong matalino.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Sabi nang huwag mo mabanggit-banggit pangalan no'n, e!"

"E, sorry naman. Sino ba? Si Drei?" Lumapit ito sa mesa saka binuksan ang supot ng tinapay. Gumawi rin ito sa kusina upang kumuha ng kutsilyo at pinggan.

"Shonga! Malamang!"

Inirapan ko na naman ang babaeng ito.

"Akala cguro ng ex mo, kagwapo niya! Well, oo... gwapo siya pero 'di dahilan 'yon para utusan ka niyang hiwalayan mo si Drei. Tapos siya ayaw niya iwanan 'yung nobya niyang chaka! Ano 'yon? Ikaw lang ma-ha-heartbroken? Selfish much!" Padabog niyang nilapag ang kutsilyo at reno sa mesa. "Patayin ko na ba?"

"Go! Gago nga kasi."

Sabay kaming lumingon ni Ayeza sa gawing pinto nang may kumatok.

"Tingnan mo nga 'yon. Lagay ko lang 'to sa kusina." wika ko. Iniwan ko si Ayeza sa dining area. Pasimple ko ring inayos ang sarili ko dahil hindi pa nga pala ako nagsusuklay.

"Drei? Buti nandito ka," ani Ayeza. Dali-dali akong sumilip at nandoon nga sa pinto ang boyfriend ko.

"B-bbe, pasok ka. Ang aga mo naman napasyal?" gulat kong tanong sa kaniya. Bumangon ang kaba  sa dibdib ko. May takot din dahil baka kanina pa siya nandyan sa labas. Posible kayang narinig niya ang usapan namin ni Ayeza?

"Actually kanina pa ko sa labas." Blangko ang reaksyon ni Drei. Walang ngiti o kahit anong emosyon. Nalaglag ang panga namin ng kaibigan ko. Alanganin siyang lumingon sa akin.

"A..., excuse me. U-uwi muna ko, sis. Sige, Drei una na ko, bye." Humakbang na ito paalis ng bahay.

Naiwan kami ni Drei sa bahay. Walang kibuan. Walang gustong magsalita.

"Totoo ba yung narinig ko?" Binasag niya ang katahimikan sa pagitan namin.

"Ha? Ang alin?" Pakiramdam ko ang lamig ng kamay ko. Kinakabahan ako. Pinagpapawisan ako ng malamig at butil-butil.

"Yung tungkol sa usapan ninyo ng ex mo at 'yung gusto niyang gawin mo?" Ang dilim ng awra ng mukha ni Drei.

Kinakabahan ako pero hindi ko pinapahalata.

"Ano bang sinasabi mo? Di ki--"

"Totoo ba?" pasigaw niyang tanong. Napapitlag ako, parang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko na nagawang dugtungan ang sinasabi ko dahil sa takot. "Bakit hindi ka sumagot?"

"B-babe... k-kasi..."

"Huwag mo nang itanggi. Narinig ko mismo sa'yo kanina. Magsisinungaling ka na naman ba?" Napatingin ako sa kaniya.

Puno ng galit, sakit at sama ng loob ang nakikita ko sa mga mata ni Drei. Gusto ko umiyak at hawakan ang kamay niya. Magpapaliwanag ako pero hindi ako makakilos. Naging tuod na lang ako na animo tinubuan ako ng ugat sa pwesto ko.

"Sumagot ka naman, Heaven! Parang awa mo na!" nagmamakaawa niyang sabi.

"I'm s-sorry, Drei..." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Nahihirapan ako ang kalooban ko. At   nagi-guilty ako kasi nasasaktan ko siya.

"Mahal mo ba siya? Gagawin mo ba 'yung gusto niya?" tanong nito

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Ang hirap.

Mahal ko siya.

Pero mahal ko rin si Max.

Ano bang gagawin ko?

--

Si Bi or Si Babe? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon