CHAPTER TWO
"PASENSIYA kay Rheana na iyon. Ganoon talaga iyon, masungit."
Hmn? Rheana? Masungit? Interesting huh?
"Ganoon ba talaga siya?" Hindi ko napigilang tanong.
Tumango sina Marian na fiance ng bestfriend namin at iyong isa pang kasama, hindi ko alam iyong name.
"Oo. Sobrang strikto siya sa lahat ng bagay. Ganoon yata talaga kapag doctor. Well... Hindi naman lahat pero siya? Ewan ko diyan sa kaibigan namin ang bitter." Sabi niya, si Marian saka umupo siya sa kandungan ng fiance niya.
"Baka may family problems? Or Love Quarrel?" Tanong ni Johannes na katabi ko.
Love Quarrel huh?
Sumagot naman agad ang kaibigan ni Marianna mukhang tsinita. "Wala naman siyang naging boyfriend, ni isa ay wala. Sabi niya ay ayaw eh. Wala daw siyang time sa sarili, eh sa boyfriend pa kaya? Iyon iyong sinabi niya."
I smirked.
Tinapik ako sa balikat ni Gregg. "Puwede ka na." Ngumisi naman ako dahil parang totoo iyon. Na puwede ako kay...
"Hoy! Huwag niyong sabihing lolokohin niyo si Yanna... Nako maawa kayo sakanya. Tsaka madami iyang napagdaanan, sa pamilya nila ay marami siyang natuklasan. Pero hindi ko na iyon sasabihin. Saka lagot kayo sa mga magulang niya at kaibigan niyang iba."
Napataas ang isang kilay ko saka umupo sa upuan malapit sa lamesa. "What's her surname?"
"Bakit ba? Hoy! Zegg, huwag mo sabihing may balak ka? Nako kapag meron ay hindi ko siya pakasalan." Turo niya kay Luhan na nakanguso. "Totoo iyon kaya kung ayaw niyong mag-alaga ng lasing na kaibigan, huwag niyong saktan ang Yanna namin."
"Wala naman akong balak na saktan siya." Nasabi ko nalang.
"Eh anong gusto mong mangyari?" Tinaasan ako ng kilay ng isang kaibigan ni Marian. "Anong balak mo?"
Napangiti ako bigla nang maalala ko ang nakakunot na mukha ni Yanna. "Liligawan ko siya."
"Ay sus! Hindi iyon papayag... Lahat nga ng lumiligaw sakanya ay umaatras dahil sa ugali. Pero kung talagang determinado ka edi ligawan mo basta iyong totoo. Chickboy pa naman kayo." Sabi ni Marian.
Niyakap ni Luhan si Marian mula sa likod. "Hindi ba pwedeng nagbago iyong tao. I've changed... Because of you."
Iniwas ko ang tingin ko mula sakanila. Takte naman! Sa lahat ng ayaw kong makikita ay ang sobrang sweet sa isa't-isa.
"Boo!"
"Tsk!" Luhan tsked. "Ganito rin kayo ka-sweet sa magiging girlfriend niyo kapag darating ang araw niyo."
Isinuot ko ang aking sunglasses saka tumayo. "I need to go."
"Sure. Ingat." Sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan ko.
"Uuwi ka? Diba isa ka sa mga groomsmen?" Takang tanong sa akin ni Marian.
"Don't worry. I will come back tomorrow."
"Okay."
Tumalikod na ako at naglakad palapit sa aking white audi r8.
Sasakay na sana ako sa loob ng aking kotse pero parang may tumitingin sa akin.
Tumingin ako sa mga mata niya at napangisi ng makita kong inirapan niya ako.
Bumaba ang tingin ko sa mga damit niya at mas lalo akong napangisi bago sumakay sa loob ng aking kotse.
BINABASA MO ANG
Rheana Vergara (Completed)
RomanceFVGH SERIES #1 "I hate him! He's so Importunate! He is a Chief of Police yet he acts like that? What a police man... Childish! But my hate for him turns into love. For me, totoo pala ang sabi-sabi na 'the more you hate, the more you love.'" -Rheana...