11

1.2K 67 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

"Iniiwasan mo ba ako?"

"H-hindi ah?!" Depensa ko.

"Anong hindi eh halata naman."

"Umalis ka na nga." Pagtataboy ko sakanya.

Pumunta siya sa harapan ko saka hinawakan ako sa magkabilang braso. "Yanna, why are you doing this to me?"

Tumawa ako ng pagak. "Anong ginawa ko?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yanna... I..." He sighed. "I like you."

Umiwas ako ng tingin. "I like you?" Tumawa ako ng pagak. "You're not joking, right?"

Tumalim ang tingin niya sa akin. "I'm not joking, Yanna."

Napabuntong hininga ako. "Hmn. Umalis ka na. May gagawin pa akong mas importante."

"Yanna?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"What?"

"You don't like me? Uh-oh... Yeah I knew you don't, narinig ko ang sinabi mo kagabi sa kung sino man ang kausap mo sa telepono." Aniya saka umalis sa opisina ko.

He heard it? But I only told that to mom so that she'll stop mentioning Zegg's name. Kasi namimiss ko lang siya, kahapon iyon.

And then nagulat ako ng pagdating ko sa aking opisina ay nakaupo si Zegg sa swivel chair ko.

Apat na araw, four days siyang hindi nagpapakita tapos sasabihin niyang mahal niya ako? Ano iyon? Joke?

Gusto ko lang rin namang maniwala na may gusto siya sa akin pero hindi ko maiwasang mag-alala na baka joke lang.

Tumingin ako sa aking lamesa. May nakapatong doon na isang paper bag at isang bouquet of flower.

"Nag-effort pa." Nakangisi kong sabi. "I like him na talaga!" Sabi ko bago lumapit sa lamesa ko.

LUMABAS ako sa aking opisina para magrounds. Kakatapos lang ng duty ko. Magrarounds muna ako bago umuwi sa bahay.

Nasa ninth floor ang opisina namin ni daddy. Ang ibang mga doktor ay sa eightieth floor. Sumakay ako sa elevator papunta sa first floor.

"Good afternoon doc.,"

"Hi ma'am!"

Bati ng mga ibang empleyadong nakakasakay ko sa elevator.

Tumango ako saka ngumiti sakanila. "Good afternoon too. How's your day?" Tanong ko pa.

"We're good doc.," Ani ng isang guwapong bakla.

"Hmn. That's good."

"Ikaw po, doc? Kumusta po?"

"I'm atleast good. Thanks for asking. Magrarounds muna ako bago uwi."

"Sige po doc., Una na po kami!" Ani nilang tatlo bago lumabas sa elevator.

Pagkalabas ko ng elevator sa first floor ay agad akong dumeretso sa mga wards doon. "Kumusta siya?" Tanong ko sa isang nurse doon na binabantayan ang isa sa mga sugatang pasyente.

Tumingin muna sa akin ang nurse bago nagsalita. "Stable naman na siya doc, pwede nang umuwi pagkatapos ng tatlo o limang araw po."

"Good. Keep doing your job." Ani ko saka naglakad. Tumingin-tingin ako sa mga taong nalilinisan ng sugat ang iba naman na ay manganganak. Hayyss.

"Tang'na!" Narinig kong nagmumura sa tabi lang.

Maglalakad sana ako ng makarinig ulit ako ng isang ungol ng nasasaktan.

Rheana Vergara (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon