CHAPTER SIX
"Ulol." Ani ko saka pumasok sa loob ng shop. Hindi ko maiwasang mapangiti. Baliw talaga siya!
"Here it is. Sorry kung natagalan."
Ngumiti lang ang cashier saka kinuha ang pera. "Okay lang po ma'am. Here's your cash po." Binalik niya sa akin ang sukli na 201 pesos. Nagpasalamat ako bago lumabas sa shop na iyon.
Tumingin muna ako sa cellphone ko para itext si Arlo.
'Meron na. Andiyan na kami.' I texted Arlo before going inside Zegg's car.
"Sorry kung natagalan ako," ani ko saka tumingin kay Zia na ang himbing parin ng tulog.
"It's okay. Ano ba iyang binili mo?"
Tumingin ako kay Zegg ng nagtanong siya. "Wheel tool kit."
"Para kay?"
"Kay Arlo nga!"
"Arlo? Who?"
I raise my brows at him and before putting my seatbelt on. "Wala ka na doon. Tara na, diyan sa malapit sa paaralang University of San Carlos."
"Okay." Aniya saka natahimik.
"Hindi ka ba naabala chief? Baka may gagawin ka? O baka may girlfriend ka... Ayaw ko ng gulo ah. Baka akala niya ay gusto kita pero hi..."
"Wala akong girlfriend saka hindi mo ako inaabala, kayo ni Zia."
"Mabuti naman..." Natahimik ako ng may maalala ay nagsalita ulit ako. "May kapatid ka?"
"Ano?"
"Tinatanong ko kung may kapatid ka."
"Ahh... Oo, meron, she's fifteen years old."
"Ang laki ng gap niyo!" Bulaslas ko.
Ngumiti siya habang nagmamaneho. "Kasi magkaiba kami ng tatay. Simula kasi nong six years old ako ay iniwan kami ng totoong tatay ko at sumama sa ibang babae..."
"Hep! Huwag mo ng sabihin." Pigil ko pero hindi nakinig.
"No. It's okay, may tiwala naman ako sa iyo na hindi mo ipagkakalat, diba?" I smile before nodding. "Sobrang nasaktan ang nanay ko pero lagi akong naroon sa tabi niya pati ang lalaking bestfriend ni mama ay iyon lagi ang nasa tabi ni mama. Kaya makalipas ng ilang taon. Nakamove-on na ang nanay ko at nakipag-asawa kay papa Evren hanggang sa nagbunga ang pagmamahalan nila at meron na si Elite."
"Wow! Ang ganda ng love story nila. It's just like my parents." Then I smile.
Napangiti narin siya saka siya tumingin kay Zia na ang himbing ng tulog. "What's your parents' love story?"
"My mom's fake friends sold mom to dad in a club, mom's 21 that time and then she had me. Pinalaki niya akong mag-isa, wala ang daddy ko kasi, hindi alam ng daddy kong buntis si mommy, hindi sila magkakilala. They just know each other's name. Kasi nga meron iyong tawag na 'one-night-stand?'" Napangiwi ako ng sinabi ko iyon. "Hanggang isang araw, mag-asawa ang kaibigan ni mommy at daddy, sina Tito Drake at tita Kishi."
"Oh? Anak ka ng sikat na designer?"
Tumawa ako ng makita ang gulat na mukha niya. "If that's what you call me. Anak ako ni mommy Yen and daddy Adrian. And then when I learned that dad's name is Adrian I called him daddy but mom did told me that he is not my dad. Oh come on! Until one day, napatunayan nilang sila iyong nagkita sa club."
"Swerte mo." Aniya.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Kasi kompleto ang pamilya niyo."
BINABASA MO ANG
Rheana Vergara (Completed)
RomanceFVGH SERIES #1 "I hate him! He's so Importunate! He is a Chief of Police yet he acts like that? What a police man... Childish! But my hate for him turns into love. For me, totoo pala ang sabi-sabi na 'the more you hate, the more you love.'" -Rheana...