Ngayon ay naglalakad ako papunta sa bahay ng bestfriend ko, si Paolo.
Tumawag sakin yung mama niya kanina. Alam ko kung bakit kaya di na ko nagtanong.
Nagtext sakin si Paolo, nakipag break daw sa kanya si Abby through text. Kaya ayon, nagmumukmok sa kwarto ang bestfriend ko.
Nasa pintuan na ng bahay nila ko, kumatok ako.
"Jess, pasok ka." bati sakin ng mama ni Paolo
"Good evening po tita, di pa din po lumalabas si Paolo?"
"Hindi pa din, puntahan mo na nga sa kwarto niya. Kaninang umaga pa yan di kumakain." sagot ni tita.
"Sige po ako na ang bahala." sabay ngiti kay tita.
Sabi ni Paolo siya daw ang Superman ko, eh pag mga ganitong pagkakataon ako ang sumasagip sa kanya. Tsk.
"Paolo." tawag ko sa kanya habang kumakatok sa pintuan ng kwarto niya. Walang sagot.
"Paolo! Pagkabilang kong tatlo at di mo pa to binubuksan sisirain ko to! Isa. Dalawa. Ta-"
Bumukas ang pinto. Niluwa si Paolo. Mukang wasted yung bestfriend ko. Namamaga at namumula ang mata. Halatang umiyak maghapon. Sobrang mahal niya kasi si Abby.
"Bakit ganyan itsura mo? Sino namatay? Kuko mo?" sabi ko.
"Magjojoke ka pa, di naman benta. Alam mo naman ang dahilan kung bakit." sagot niya, malungkot pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.
Pumasok ako sa kwarto niya at naupo sa kama.
"Ang gwapo gwapo mo tapos pinapaiyak ka lang? Tsk. Saka di ba ikaw si Superman? Bakit nagpatalo ka?"
"Kahit naman si Superman ako may kahinaan din ako, siya ata ang Kryptonite ng buhay ko."
"Broken hearted ka lang naging corny ka na!" sabi ko sabay bato ng unan sa kanya.
"Ang sama nito! Akala ko ba bestfriend kita? Nasasaktan na nga ko emotionaly sinasaktan mo pa ko physicaly.
Tinawanan ko lang siya.
"Pero Jess, masakit talaga ih."
"Alam ko naman yon, nakita ko naman kung gaano mo siya kamahal ih. Pero Pao, sa tingin mo ba kung iiyak ka at maghuhunger strike ka dito sa kwarto mo, may mangyayare sayo? Sa tingin mo babalikan ka niya? Kung babalikan ka man niya, hindi dahil sa mahal ka niya, dahil yon sa naawa siya sayo. It's okay to grieve pero wag mong patayin yung sarili mo. Pati mama mo pinag-aalala mo."
"Si mama lang? Eh ikaw di ka nag-aalala sakin?"
"Tange! Kaya nga ko pumuna dito di ba? Sa tingin mo kung hindi ako nag-aalala sayo nandito ba ko?" Ngumiti siya. Sa wakas! Nilapitan niya ko sabay inakap.
"Jess, salamat ah. Lagi kang nan dyan para sakin. Ikaw ang pinaka the best sa lahat ng bestfriend sa buong mundo!"
"Sus! Binola pa ko! Eh di ba nga ako si Batman ni Superman?" sabi ko habang nakayakap na rin sa kanya.
"Batman talaga? Hindi mo ba talaga babaguhin yon? Para kang tomboy eh. Hehehe."
"Tomboy ka jan! Sa ganda kong to? Saka ampangit pakinggan pag Batgirl o kaya Batwoman, mas astig kapag Batman. Kaya ako si Batman period."
"Oo na lang. Tara na kain na tayo sa baba. Nagutom ako sa pag-eemote." sabi niya sabay kurot sa ilong ko at takbo pababa.
"Ouch! Humanda ka sakin Paolo! Kakagatin ko yang balikat mo hanggang dumugo!" sigaw ko habang hinahabol siya.
Lumipas ang mga araw. Unti unti ng nakakamove-on si Paolo kay Abby. Finocus niya ung time niya sa pag-aaral, mga kaibigan at pamilya niya.
May mga pagkakataong maalala niya si Abby at malulungkot pero hindi na siya nagmukmok ulit. Nagagawa na niyang tawanan yung katangahan niya dati. Alam kong pinipilit niyang kalimutan si Abby, at alam kong unti-unti na niyang nagagawa yon.
Habang tumatagal, nag kakaroon ako ng pag-asa na mapapansin na ko ni Paolo.
Yes, I'm secretly inlove with him. Mula pa nung highschool kame. Hindi ko alam kung paano pero nagising na lang ako isang umaga na higit na sa bestfriend ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kayang aminin kasi natatakot akong tawirin yung linya sa pagitan namin bilang mag kaibigan patungo sa magka-ibigan. Natatakot ako na baka ayaw niya sakin. Masasayang lang ung friendship namin. Isa pa naman siya sa pinakaimportanteng bahagi ng buhay ko.
Isa si Paolo sa mga dahilan kung bakit ako gumigising at nabubuhay. Hindi ko alam kung anong mangyayri sakin kapag nawala siya. Kaya pinili kong mahalin na lang siya ng patago. Nagkaroon din naman ako ng boyfriends dati, pero hindi nagtatagal. Alam ko kasing niloloko ko lang sila at ang sarili ko. Kasi nga si Paolo ang mahal ko.
Walong buwan na ang lumilipas mula nung nagkahiwalay si Paolo at Abby. Kahit papaano eh okay na si Paolo nagyon. Alam kong hindi niya makakalimutan si Abby at mananatiling may puwang siya sa puso ni Paolo. Pero sabi nga ni Paolo, she'll eventually meet the girl for her and he won't waste the time grieving for someone na hindi naman para sa kanya.
Nasa park kami ngayon. Ewan ko kung anong naisipan nitong si Paolo at nagyayang mag picnic. Sumama na ko kase sabi niya siya na ang bahala sa lahat. Kumain kame, nagkwentuhan, kulitan. Tawa ako ng tawa kasi ang kulit na Paolo, mukang kengkoy lang.
Maya-maya bigla siyang sumersyo. "Jess, may sasabhin ako sayo."
"Huh? Ano yon?"
"Makinig ka muna. Wag kang magrereact hanggat hindi ako nakakatapos. Wag kang sasabat."
"Okay." Kinakabahan ako, hindi ko alam kung baket.
" Jess, mahal kita. Hindi bilang kaibigan. Mahal kita as in mahal kita. Hindi ko alam kung kelan. Hindi ko alam kung noong bang dinadamayan mo ko habang nag momove on ako kay Abby, o simula pa dati nung highschool tayo. Nagseselos ako dati pag may boyfriend ka, pero iniisip ko nagiging over protective lang ako sayo. Nag promise ako sayo na walang makakapanakit sayo di ba? Kaya naisip ko na yon ang dahilan. Ayokong ientertain yung thought na naiinlove na ko sayo. Natatakot ako na tawirin ang linya sa pagitan natin bilang mag kaibigan. Ayokong mawala ang Bestfriend ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagtatapat sayo ngayon. Siguro kase mas lamang na yung takot ko na mapunta ka sa iba. Mahal kita Jess, at ayokong mawala ka pa sakin."
Hindi ako nakasagot. Sobrang na shock ako sa mga sinabi niya.
"Oy Jess! Di ka na sumagot. Galit ka ba?"
"Mahal din kita." mahinang sabi ko. Hindi niya ata narinig.
"Huh? Anong sabi mo?"
Sumigaw ako "MAHAL DIN KITA PAOLO!"
