Maingay sa labas, madaming nagpapaputok, may mga fireworks din. 11pm na, malapit ng mag New Year.
Andito ako kila Paolo, dito kame magcecelebrate ng New Year kasama ang relatives niya. Nung Christmas kase, sa bahay kame nag celebrate.
Six months na mula nung naging kami. Hanggang ngayon parang nakalutang pa din ako sa sobrang saya. Hindi ko ineexpect na magiging kami ni Paolo. Paano kase lagi niyang sinasabi na bestfriends kame forever. Kaya akala ko hanggang bestfriend na lang kame. Buti nagatapat siya sakin.
Sabi nung ibang friends ko na babae, baka naman daw rebound lang ako ni Paolo, kase kakabreak lang nila ni Abby tapos niligawan agad ako. Sabi ko naman hindi ganon si Paolo, saka matagal na silang break ni Abby nung niligawan niya ko.
Ah basta, naniniwala ako sa relationship namin ni Paolo, at gagawin ko ang lahat para magtagal kame.
Eto nga magcecelebrate kami ng first New Year as a couple eh. Sabi nila, kung sino ang kasama mo sa New Year's Eve, siya din ang makakasama mo buong taon. Kaya sabi ni Paolo, dapat taon-taon magkasama kame sa New Years Eve, para forever na kaming magkasama. Cheesy pero nakakakilig.
11:30 na wala pa din si Paolo. Inutusan kasi siya ng Daddy niyang bumili ng alak. Kaninang tanghali pa kasi sila umiinom kaya naubos na agad. Mahirap pa naman humanap ng alak ngayon kase nga New Year's Eve. Gusto ko sanang sumama ayaw naman ni Paolo, delikado daw baka maputukan ako, saka kasama naman daw niya yung pinsan niya. Kaya ayon, wala na kong nagawa kundi maghintay.
Tinext ko siya: Pao, ampanget mo! Saan na kayo?
Nagreply siya: Dito pa kame tindahan, anlayo ng narating namin. Ubos na kasi sa iba.
Ako: Bilisan mo na diyan! Mag 12 na oh. Lumipad ka na Superman!
Siya: Oo na po. pabalik na kame mahal kong prinsesa. I love you.
Ako: Ingat mahal kong prinsipe. I love you too.
Ade kame na cheesy!
Antagal nila Paolo, kaiinis, natabunan na ata ng alak!
Tiningnan ko ung relo ko. Shit! 11:55 na. Nako Paolo nasan ka na?!
10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1 HAPPY NEW YEAR!!!
"Jess, Happy New Year!" bati sakin ng mama ni Paolo sabay beso at hug.
"Happy New Year din po Tita." pilit na ngiti.
"Oh bat parang di ka masaya? Nako New Year na New Year aa!"
"Eh kasi Tita si Paolo napakatagal. Nag New Year na wala pa din!"
"Parating na yon..."
"Mama! Happy New Year!" ayan na si lecheng Paolo! yumakap sa mama niya.
"Happy New Year din baby kong napakagwapo! Oh siya maiwan ko muna kayo ni Jess, mukang nagmamaktol na yan kanina pa. Kumain na kayo maya-maya aa."
"Opo ma, I love you ma!"
"I love you too."
Tumingin sakin si Paolo.
"Uy, sorry na. Happy New Year."
Di ko siya pinapansin.
"Wag ka na sumimangot diyan, pumapangit ka na oh."
"Bakit kasi antagal mo? Tapos na ung New Year. Di na tayo magkakasama buong taon."
"Sino naman nagsabi sayo niyan?! Halika nga."
Hinila niya ko papunta sa garden nila sa likod. Inabutan niya ko ng lusis.
"Anong gagawin ko dito? Tapos na ung New Year!"
