HINDI NA LANG SANA

1.2K 27 5
                                    

“Jess. Makikipag-break na ko.”

Parang magugunaw yung mundo ko nung narinig ko mula sa kanya ang mga salitang yan.

“Bakit? Anong nagawa kong mali?”

“Wala. Wala kang nagawang mali.”

“Eh bakit ka nakikipaghiwalay?”

“Sobrang nasaktan ako nung nagbreak kami ni Abby. At ikaw ang nasa tabi ko nung mga panahong yon. Bigla kong na-realize kung gaano ka kahalaga sakin. Kaya sinubukan kong tawirin yung linya sa pagitan natin bilang mag-bestfriend. Matagal ng pumapasok sa isip ko na ligawan ka, kaso natatakot akong mawala yung friendship natin. Nung time lang na yon ako nagkaroon ng lakas ng loob. Masasabi kong naging masaya ako sa mga panahong naging girlfriend kita. Akala ko tuluyan ko ng makakalimutan si Abby. Akala ko hindi ko na siya mahal. Pero nung nakikita ko siya, na-realize ko na mahal ko pa siya. Mahal na mahal ko pa siya. Nag-usap kami at nalaman kong mahal pa din niya ako at bumalik siya para sakin.”

“Naniwala ka naman? Hindi mo ba naaalala na bigla na lang siyang nawala at isang text lang ang iniwan niya sayo at sinasabing break na kayo? Nakalimutan mo na ba yon?!”

“Hindi. Hindi ko yon nakalimutan. Magulo daw ang isip niya nung mga panahong yon kaya umalis siya. Pero hindi daw niya ko kinalimutan at hindi nawala ang pagmamahal niya sakin. At naniniwala ako sa kanya Jess.”

“Tanga ka Paolo! Ang tanga mo!”

“Im sorry Jess. Alam kong masakit para sayo to. Masakit din naman para sakin to e. Pero kailangan ko tong gawin, kase kung hindi, mas lalo lang tayong masasaktan. Kaya please, let me go.”

“Gago ka Paolo! Sana hindi mo na lang ako niligawan kung ganito din pala yung mangyayari. Sana hinayaan mo na lang na naging mag-bestfriend tayo. Edi sana hindi lumaki ng ganito yung pagmamahal ko sayo. Edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito.”

“Alam ko. Gago ako. Akala ko kasi magwowork yung relationship natin. Mahal naman kasi kita Jess. Pero hindi pala yon katulad ng pagmamahal ko kay Abby. Akala ko mahal na talaga kita, pero bilang kaibigan lang pala yung pagmamahal na yon.”

“Punyetang akala yan!”

Wala siyang naisagot. Pinipigilan kong umiyak. Ayokong kaawaan niya ko.

“Sige na Paolo, umalis ka na. tapos na tayo.”

“Im sorry talaga Jess. Dati, nung mag-bestfriend pa tayo, lagi kong sinasabi sa sarili ko na poprotektahan kita sa mga gustong manakit sayo, kase ayaw kitang masaktan. Yun pala ako mismo yung mananakit sayo. Gusto kong sapakin yung sarili ko. Hindi ko alam kung mapapatawad ko yung sarili ko pero sana mapatawad mo ko. Hindi ko inaasahan na babalik pa yung dati nating friendship pero sana huwag mo kong ituring na kaaway. Salamat sa lahat best, at patawad.”

Hindi na ko sumagot. Tumalikod na siya at naglakad papalayo. Unti-unting pumatak yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Galit ako kay Paolo. Galit ako dahil hinayaan niya kong mahalin siya ng sobra. Galit ako dahil pinasaya niya ko sa piling niya. Galit ako dahil tinuruan niya kong mabuhay kasama siya. Galit ako dahil nag-iwan siya ng napakaraming masasayang ala-ala sa utak ko at hindi ko alam kung papano ko yon buburahin. Galit ako dahil hindi ko alam kung paano ko siya aalisin sa sistema ko.

Ngayon, hindi ko alam kung paano magsisimula ulit ng wala siya. Sobrang sakit nung ginawa niya. Sana hindi na lang niya ko niligawan kahit dati ko pa yon pinapangarap. Edi sana kasama ko pa siya ngayon kahit bilang bestfriend lang. Hindi ko alam kung mapapatawad ko si Paolo o kung kaya ko pa siyang tanggapin ulit bilang kaibigan. Sa ngayon, kailangan kong lumayo, yung malayong-malayo sa kanya.

_________________________________________________________________

  Comment | Vote | Fan :DDDD

Prequel: http://www.wattpad.com/5243033-hindi-na-lang-sana-prequel

HINDI NA LANG SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon