Prologue

204 12 0
                                    

PROLOGUE



"Hina mo naman kasi, Zaya. Kung nilapitan mo na lang para hindi tayo nagtatago rito!"


I am not the type to believe in such a thing as 'love at first sight'.


Nasaksikhan ko kung paanong maglaro ang pag-ibig. As how mentally-draining it can be. I know how it works. At ayokong maranasan ang mga iyon. Pero siguro may mga bagay talaga sa mundo na sinasadyang mangyari ng pagkakataon for us to understand na hindi lahat ng pinapaniwalaan natin, means 'yon na 'yon.


Everything suddenly changed the moment I laid eyes on him. He altered the way I thought about love. And it's a first.


From his eyes that light up with a kind smile, like a halo that enlivens my soul, sparked a wave of peace within me. It felt as though his very own presence brings ease and comfort to my heart.


I used to believe those in committed relationships simply overreacted to love. Na ang mga sinasabi nila is nothing but cheesy and cringey words. Na kung maririnig man ng mga kagaya kong single, for sure, magiging bitter.


Your words, actions, thoughts, lahat 'yon maninibago ka kapag in love ka. Everyone can experience the rush of love at some point in their life. There is something magical about it. It's an exciting time filled with optimism, excitement, and passion, that I never saw and felt before.


Being in love is a beautiful feeling, I guess, and can be a fantastic journey of discovery about that specific someone and yourself. Mare-realize mo kung hanggang saan ang kaya mong gawin para sa isang tao.


Pero hindi naman laging easy o smooth sailing kapag nagmamahal ka, lalo na kung one-sided. Giving up and hiding can be tempting.


"Oh, nand'yan na siya!" pasigaw na bulong sa akin ng kaibigan ko dahilan para mas lalo akong yumuko para mas makapagtago. Lumabas na kasi ng building 'yong kanina pa naming inaabangan.


Class break ngayon at hinila ko agad ang best friend ko para abangan ang crush ko sa building nila. Senior na kasi 'yon kaya malayo-layo ang building nila sa aming mga Sophomore. Buti nga at katabi ko pa rin ang swerte dahil saktong sabay ang class break namin sa kanila. Kahit papaano ay masisilayan ko pa rin siya kahit patago.


"Bakit ba kasi hindi ka na lang mag-hi? Nakausap mo naman na siya once, ah." bulong niya pa ulit kaya siniko ko siya.


Ingay talaga ng babaeng 'to. Minsan, hindi na ko magtataka kung malalaman kong nahuhuli kami ng mga kaibigan ng crush ko na tumitiktik kami sa kaibigan nila. P'wede naman kasing manahimik, pero hindi niya magawa. Ang daming side comments!


"'Wag ka ngang maingay! 'Tsaka matagal na 'yon, imposibleng matandaan niya pa 'ko 'no." nakasimangot na sagot ko.


Una't huling beses ko na 'atang pagkakausap sa crush ko 'yon. Unexpected pa. Unprepared ako. Literal na gusto kong lumubog sa lupa dahil sa kahihiyan no'ng lumapit siya sa'kin para magtanong about sa event na hinohold naming Freshmen noon. Ang haggard ka no'n! Kahihiyan overload talaga.


"Gaga! Pa'no mo malalaman kung 'di mo susubukan? Wala ka rin, e. Bahala ka nga riyan!" Akmang tatayo na siya kaya mabilis kong hinila pababa ang kamay niya.


"Sshh! Ang ingay mo!" suway ko sa kaniya nang makita kong may humintong dalawang lalaki malapit sa p'westo namin.


Siya na 'yon! The love of my life!


"Baka ma-disqualify ka kung 'di ka makakahanap ng bagong duet partner."


Nagpantig ang tenga ko.


Almost About UsWhere stories live. Discover now