CHAPTER FOUR
"What a small world..." wala sa sariling bulong ko.
I haven't gotten over it yet. Dapat expected ko na no'ng una palang na posibleng magkamag-anak sila, given how similar they look pero bakit gano'n pa rin ang naging reaksyon ko?
I mentally hissed.
Nakakahiya para kay Chance dahil hindi na ako nakapagsalita no'ng sinabi niya 'yon. Ano ka ba naman, self!
"No, she's just a friend! We're not dating, but she's awesome, so please be nice. And you know I'm always upfront about my love life, so trust me, I'm just enjoying the single life for now." Nabalik ako sa diwa ko nang marinig ko ang boses ni Logan. I could hear him laughing with others in the background.
Pinagpatuloy ko ang pag-aayos sa mga gamit ko habang si Leigh naman ay nanonood ng interview ni Logan sa phone niya. I already expected na magiging issue 'yong picture namin ni Logan kaya hindi na ako nagulat. Mabilis niya namang nilinaw ang lahat.
Pauwi na kami ngayon at nagliligpit nalang ng kaniya-kaniya naming gamit. Kumain muna kami saglit bago tuluyang nagpaalam kay Sir Gomz at sa mga nakasundo naming staff sa resort.
Sa sobrang pagod nga ay pagkahigang-pagkahiga ko palang sa kama ko ay nakatulog agad ako. Hindi ko rin naabutan sa bahay si ate. Nagising nalang ako kinabukasan na tanghali na.
"Shit!" Napabalikwas ako ng bangon nang mabasa ko ang email sa'kin ng boss ko.
I completely forgot I have plans para sa araw na 'to! I need to swing by the office first para kunin ang mga gamit ko then meet with Audrey. Nangako ako sa kaniyang mag-uusap kami, baka magtampo na 'yon kapag 'di pa 'ko nagpakita.
I put on black trousers, a white top, and a black blazer, and threw on some heels. Hindi na ako kumain dahil sure naman akong mag-aaya si Aud. Pumunta lang kami sa isang resto na malapit sa company since busy rin siya. Kailangan niya agad bumalik sa office pagkatapos naming kumain at makapag-usap.
"He did what?!"
Namilog ang mga mata ko at agad siyang sinuway habang lumilinga sa paligid. Napapalingon sa p'westo namin ang ibang mga kumakain dahil sa lakas ng boses niya.
"Ang volume, 'te! Konting hina naman."
Balewala naman iyon sa kaniya kaya napailing ako.
"Na-shock lang ako! Ramdam ko naman ang madilim na pagkatao ng matandang 'yon but―" A heavy sigh escaped her lips. "Kailan pa 'yan?"
I shrugged. "Since umalis si Pams. Okay lang naman sana no'ng una, bearable pa, but it's getting so uncomfortable kasi naging araw-araw na 'yong gano'ng scene. I can't function properly at work. Plus, super bait ng asawa niya sa atin. I feel so bad kahit wala naman akong ginagawang masama."
Secretary ng boss namin si Pams na nag-resign din and we don't know why. May kutob ako na katulad din ng rason ko kaya siya umalis. Naririnig ko kasi ang rants niya noon sa isang office friend niya. Habang bakante pa ang posisyon niya, I was told to fill in for her habang naghahanap pa ng kapalit niya. That's the origin of it all.
"Bakit kailangang ikaw pa ang mag-adjust? And why didn't you report this to HR?"
I shook my head.
"Wala naman akong ebidensya. Besides, we all know how well-connected he is. Anong laban ko ro'n?"
Agad na nag-iba ang timpla ng mukha niya. She moved next to me and hugged me.
YOU ARE READING
Almost About Us
RomanceSilas, a tetraplegic man trapped in a shadow of his past, and Zaya, a soul grasping at hope, find their lives unexpectedly entwined, but not in a way she had anticipated. As their lives intertwine amidst heartbreak and unforeseen twists of fate, Zay...