CHAPTER SEVEN
"Are you on drugs?"
Napakurap ako bago ibinaling ang tingin kay El. Salubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Sunod na bumaling ang mga mata ko sa plato ko at nakitang wala pang kabawas-bawas ang pagkain ko. Napalalim 'ata masyado ang iniisip ko.
"What's with you ba today? Tulala much, ah."
"Oo nga, Zaya. Ano na namang tinira mo?" segunda ni Serene.
"Wala. May iniisip lang." sagot ko. Sinimulan ko na ring kainin ang pagkain ko na lumamig na.
"Baliktad ka rin, e. Rest day na rest day mo gan'yan ka. Want mo energy drink? Kulang na kulang ka, e."
Napailing ako.
It's Sunday, and we all decided to have a meal together. Sundate, gano'n. It just happened that we were free kaya tinuloy na namin. Galing kaming church kanina bago dumiretso rito sa resto ni ate Shami. Malala na kasi ang kasalanan sa mundo ni Baste kaya binitbit na namin sa simbahan.
I've been taking care of Silas for almost a week na rin, but he's still the same. Napakamahal 'ata ng ngiti niya. Para pa rin siyang pinagkaitan ng emosyon. It's looking more and more improbable that what ate Zenna wants will happen.
Parang wala naman kasi akong progress. I know naman na hindi iyon agad-agaran considering na bago pa lang ako. But how the hell can I help her brother be happy again? Parang kailangan ko pang mag-magic nito, e.
Okay naman sana siya. Hindi naman siya gaanong nagagalit o kaya'y umiinit ang ulo. Napaka-neutral lang talaga ng emosyon niya. Hindi ko nga mabasa kung anong iniisip niya, e.
"Guys, how do you make someone happy?"
Nag-angat ako ng tingin sa kanila at lahat sila ay nakatingin na ngayon sa'kin. Pare-pareho lang ang ekspresyon ng mga mukha nila― nagtataka kung seryoso ba ang tinatanong ko.
I'm desperate. I really want to know how I can put a smile on his face. Ayoko rin naman kasing nakikita siya araw-araw na parang wala sa sarili niya, palaging tulala sa malaking bintana ng k'warto niya at madalang lang kung magsalita.
"Magc-clown ka ba? Sideline mo?" balik-tanong ni Baste.
Kung hindi lang ako nangangailangan ng sagot baka hinagis ko na siya palabas ng resto.
"Seryoso ako, Baste. Tantanan mo ako sa kagaguhan mo." irap ko sa kaniya. Nasasayang ang pagsisimba ko dahil sa kumag na 'to.
Nagkatinginan naman sila bago muling binalik ang tingin sa'kin.
"It really depends sa person, e. Kung anong klaseng tao siya. I mean, happiness is subjective." sagot ni Serene.
"True. Sources of happiness vary greatly from person to person, Zay. Ano bang klaseng tao 'yong gusto mong pasayahin?"
Napaubo naman ako. "I... I'm just asking for a friend."
"You know that's one of the hell lame excuses in history, Zaya." Elara countered me with a laugh.
Umismid naman ako.
Hindi na lang kasi sila magbigay ng suggestion. Dami pang sinasabi.
"Ano nga kasi? Isipin n'yo na lang, malungkot siyang tao."
"Ano namang kinalulungkot niya?" tanong ni Serene.
YOU ARE READING
Almost About Us
RomanceSilas, a tetraplegic man trapped in a shadow of his past, and Zaya, a soul grasping at hope, find their lives unexpectedly entwined, but not in a way she had anticipated. As their lives intertwine amidst heartbreak and unforeseen twists of fate, Zay...