CHAPTER THREE
"Share na kaming tatlo nila Zaya sa room, guys."
Hinila ni Leigh ang kamay ko habang nakakapit naman ang kabilang kamay niya sa braso ni Serenity. Tatlong rooms ang nakahanda para sa amin. Si El at Olive ang magkasama sa first room. Gav, Quin, and Baste sa second room, at kami naman sa huling k'warto. Malaki ang kama sa bawat k'warto kaya siguradong kakasya naman kami.
Okay rin pala 'yong Sir Gomz. Nakausap namin siya kanina and siya pala ang sumagot sa tutuluyan namin. Mukha ngang close na close sila ni Baste, e. Ngiting-ngiti si kumag kanina habang magkakausap kami. Kung umarte siya ay parang long-lost father niya si sir.
"Bongga ng venue nila, ah. Nakita ko 'yong mga nag-aayos kanina." Serene told us while unpacking her stuff.
Nakita ko rin 'yong malaking stage malapit sa baybayin pagkababa namin kanina. It's their resort's 25th anniversary kaya gano'n ang paghahandang ginagawa nila. Narinig ko nga na free drinks mamaya at open for public ang after-party. Galante kasi ang owner palibhasa ay malaki ang kinikita.
Tinapos lang namin ang pag-aayos ng mga gamit namin. Kaunti lang ang dinala ko, enough lang for three days. Hindi na namin binalak mag-stay longer than three days dahil hindi naman gano'n kaluwag ang schedule ng iba sa amin.
"Lilipat pala ako ng room mamaya," muling salita ni Serene kaya lumingon kami sa kaniya. Nakangisi pa siya.
"Nababasa ko kalandian sa utak mo." irap sa kaniya ni Leigh.
Natawa ako at napailing. Susunod pala ang boyfriend niya rito, kumuha ito ng room na hindi naman gano'n kalayo sa'min. Magdadalawang taon na sila no'ng lalaki at pareho silang galing sa iisang company.
"Ikaw, Zaya, kailan ka magkaka-boyfriend?"
Bakit napunta sa'kin? Nananahimik lang naman ako.
"Para namang may boyfriend ka kung magtanong ka." I told her.
Pang-asar naman siyang ngumiti sa'kin. "Sino bang nagsabi na wala?"
Nagulat kami ni Serene. Wala siyang sinasabi sa'min! Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at lumapit sa kaniya. Sabay pa kaming umusod ni Serene.
"I thought prohibited ang dating sa inyo?" takang tanong ni Serene.
'Yon din ang alam ko. Mahigpit ang management sa kanila, lalo na ang manager niya.
"Well, hindi ko pa naman talaga siya boyfriend. Matatapos na rin naman ang contract ko."
Napatango-tango kami. Tanda ko pa kung paano siya magmaktol sa amin noon dahil sa daming bawal sa company nila. Paalis na pala siya. Good for her din.
Umarko ang dalawang kilay ko nang napunta ang atensyon nila sa'kin. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ako naman ang target nila.
"Wala. Tigilan ninyo ako." pangunguna ko dahilan para magtawanan sila.
"It's time for a change, girl. Hindi ka ba nabo-bored sa buhay mo?"
Umiling ako. Hindi ko rin alam kung bakit wala akong nagugustuhan. May nakikita akong mga g'wapo pero never naman akong na-attract. Sinubukan ko ring makipag-usap dati ang kaso hindi naman tumatagal.
I tend to lose interest quickly, so I prefer not to entertain anyone. Ewan din pero napapagod akong kausap sila. Music used to be my main focus. 'Yon din ang naging daan para makilala ko silang mga kaibigan ko ngayon.
YOU ARE READING
Almost About Us
RomansaSilas, a tetraplegic man trapped in a shadow of his past, and Zaya, a soul grasping at hope, find their lives unexpectedly entwined, but not in a way she had anticipated. As their lives intertwine amidst heartbreak and unforeseen twists of fate, Zay...