[RevelXLevin]

17 4 0
                                    


WORLD AGAINST US
SilentYOU_00

About the main character (for the meantime) :

Meet Revel James Adesser, isang gwapong binata sa kanilang lugar may angking katalinuhan at kakisigan. Hinahangaan ito hindi lang ng kaniyang mga pamilya at mga kapit-bahay kundi nang buong baranggay at sa kanilang eskwelahan sa Durthes High. Bukod sa gwapo na ito ay talented pa na hindi malabo na halos lahat ng kababaihan at mga bakla sa kanilang lugar ay magkandarapa sa kaniya. Almost perfect, ika nga ng karamihan. Ngunit sa hindi inaasahan ay maiinlove siya sa isang taong hindi dapat para sa kaniya.

Magaling siya sa pakikipaglaban dahil malakas rin ito, ngunit hanggang saan niya kayang ipaglaban ang pag-ibig na bawal? Hanggang saan siya dadalhin ng kaniyang katapangan?

Meet Levin Marco Elajo. Ang isa pang gwapong binata na nanggaling sa marangyang pamilya. Lahat nang bagay na gusto nito ay nakukuha nito at dahil may mabuti rin itong kalooban, kinagigiliwan din siya dahil sa pagiging mabait at palabigay nito. Sa kabila nang pagiging open nito sa mga taong nakapaligid ay may itinatago pala itong lihim. Lihim na siyang magtulak sa kaniya para isuko ang mga bagay na nakagawian at namulatan.

Sa pagbabago niya'y matututunan niya na ang lahat ng bagay ay kaya niyang isakripisyo, makamit at makasama lang nito ang taong mahal niya.

Ngunit kahit lahat na nang bagay ay nakukuha nito, makakaya niya rin kayang kuhain ang puso ng taong minamahal nito kahit alam niya hindi ito maari? Kahit alam niyang bawal ito? O susugal siya para sa kaligayahan ng kaniyang puso?


Tunghayan ang kanilang nakakaaliw at nakakalungkot na istorya dito sa World Against Us BxB edition.

Handa ka na bang kilalanin sila?





Please vote, comment your thoughts para naman ma-inspired ako. And please share niyo na din po para sa free hug. Biro lang. Please, I really need your support guys to make me strive more and be inspired on writing more stories. Love you guys.



____&&&____

❤️❤️❤️

Lovelots,.       


Ace Agustin

-SilentYOU_00

World Against Us [bxb]Where stories live. Discover now