Chapter 8

9 3 0
                                    


Levin Marco Elajo

"Ikaw. Ikaw ang tinutukoy ko."


Kahit natawa siya sa pag-amin ko ay alam kong nagulat at nabigla ko siya. Pero wala na. Nasabi ko na. Kahit hindi ko alam kung anong magiging kasunod nito o magiging resulta sa pag-amin ko ay wala na akong pakialam. Basta ang mahalaga ngayon sa akin ay nasabi ko na ang matagal ko nang kinikimkim.


Oo inaamin kong simula pa lang nang nagkita kami ay nagustuhan ko na siya. Well, I'm not gay kung iyan ang iniisip mo.

Just to clarify things, I'm attractive to a woman. I have a lot of ex-girlfriends and I do loved them. I'm not unto guys. Pero si Revel?



Hindi ko alam kung bakit ko ito naramdaman sa kaniya. Noong una ay ipinagsawalang-bahala ko lang ito dahil baka nababaitan lang ako sa kaniya. Baka masyado lang siyang concern sa akin na naging rason upang maramdaman ko ito sa kaniya.

At first I thought it was just an idolizing thing pero sa bawat araw at oras na lumilipas na nagiging mabait siya sa akin ay parang unti-unti akong nahuhulog sa kaniya. Dumating na sa point na halos siya na lang ang naiisip ko sa tuwing wala siya.



Unti-unti akong nakakaramdam ng selos at inggit sa tuwing nababanggit niya ang ex-girlfriend niyang si Samantha.

Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko noon lalo na kapag tinatanong ko siya kung mahal niya pa ba si Samantha.

Nalulungkot ako kapag sinasagot niya ako na mayroon pa rin siyang pagmamahal para kay Sam pero hindi na gaya ng dati.


Hindi ko talaga lubos maisip na nahulog ako sa isang lalaki. Sa isang taong naging mabait at concern lang sa akin.


Kay Revel.

At noong sinabi ni Mom na, hindi raw malabong nagustuhan ko si Revel, Yes. Totoo iyon. And this is what's happening right now. Nagkagusto na nga ako sa kaniya mula pa noong mga panahong nakilala ko si Revel. Oo, noon pa lang ay kilala ko na si Revel.

Sino ba namang hindi makakakilala sa kaniya. Eh ang tunog ng pangalan niya sa school namin. Hearthrob na, matalino pa. Halos lahat ay nagkakandarapa sa kaniya. May mga nababalitaan pa nga akong pati teacher ay naiinlove sa kaniyang kagwapuhan. Kahit sinong mga estudyante rito sa Durthes ay bukam-bibig ang pangalan niya. Pati mga classmates ko ay puro pangalan niya ang binabanggit sa araw-araw na lumipas.



Mahal siya ng lahat.

And now it's me. Pati ako ay hindi inaasahang mahulog sa kaniya.


"Tangina mo. Wag kang magbiro ng ganiyan pre." Napamura pa siya sa pag-aakalang nagbibiro ako.

No, Revel. Hindi ako nagbibiro. Kailanman ay hindi dapat ginagawang biro ang pagmamahal. Nararamdaman ito. At kung hindi ko sasabihin ay tiyak mababaliw na ako sa kaiisip kung paano ko maipapalabas ang tunay kong nararamdaman.



"Hindi Revel. Tingin ko ay may nararamdaman ako para sa iyo." Naluluha na ako dahil hindi ko naman gustong umamin pero wala rin akong choice kung hindi siya maniwala sa akin. Wala akong choice kundi tanggapin kung ano mang maging reaksyon niya sa mga sinabi ko.

"I think, I'm inlove with you."

At nasabi ko na nga ang mga salitang iyon. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Takot.

Iyan ang una kong naramdaman. Takot ako sa magiging kalalabasan nitong pag-amin ko. Maaaring ipagsawalang-bahala niya ito or worst iiwasan niya ako o magagalit siya sa akin. Ganoon naman e.

World Against Us [bxb]Where stories live. Discover now